EP16-Taste Me

533 20 9
                                    

"Roxanne ano ba?!tumigil ka na!"

"Hindi ate kailangan kong mag ipon,babawiin ko ang anak ko!"

Patuloy ako sa paglalako ng kung ano-ano sa mga kalsada sa Niigita Japan,nagtitinda ako ng kung ano ano sa mga kapwa pinoy at mga hapones para makalikom ng pera.

"Sige na manong,maganda tong gloves,makapal hindi kayo giginawin."alok ko sa isa pang pinoy.

I sneezed,namunula na ang pisngi ko sa lamig at nagkukulay violet na ang aking labi pero hindi ko alintana iyon,makabenta lang ako.

"I said no!Are you dumb!"napaupo ako ng itulak ako ng isang foreigner.

"Hey!you asshole!"sigaw ni ate sa amerikano.

Tinulungan ako ni ate na tumayo.

"Tara na kasi Roxanne!hindi ka na nagpapahinga at binabastos ka na ng mga tao dito!"

"Okay lang ako te!"

"Hindi ka na okay!ano ba?!"umiyak na si Ate saka lang ako natigilan.

Naupo rin ito sa yelo at humagulhol sa palad.

"Te..."Inalo  ko siya."Okay sige na tara na!"

Hinayaan niya akong alalayan siya.

Dumating kami sa apartment,pagkatapos kong maihiga si ate ay saka lang ako nakaramdam ng pagod.

Pinagmasdan ko ang mukha sa salamin,nangangayayat na ako at nanlalalim na ang mga mata ko sa sobrang pagod sa pagtatrabaho.Pati maging mascot ginawa ko na!kinaya ko ng magmukhang tanga para sa anak ko!

Kailangan ko siyang bawiin!hindi ako makakapayag na lumaki siyang kasama ang bruhang si Tita Sally!

"Bakit meron ka bang sampong milyon para ibayad sa operasyon ng anak mo?!Wala!kaya wala ka ring magagawa!kung wala kang pera manahimik ka nalang!"

Yun ang mga katagang sinabi ni Tita Sally sa akin habang nilalayo niya sa akin si Achilles.Kaya halos mabaliw baliw ako ngayon,sa kagustuhan kong makalikom ng malaking halaga. 

Tumunog ang aking cellphone.Ang kaibigan kong si Rara na isang pinay entertainer ang tumatawag sa akin.

"Hello Rara?"

"O saan ka na?akala ko ba game ka?sayang din to Rox,malaking magbayad ang hapon na'to."

"Si-sige,dadating ako."

Pinahid ko ang mga luha at inayos ang sarili.
Inayos ko pa ang kumot ni ate bago ako umalis.

Sumakay ako ng taxi at nagtungo sa bar na sinasabi ni Rara.Patay sindi ang ilaw at marami ng umiinom.

"Dito Roxy!dito!"hinila ako ni Rara,na halos wala ng saplot sa katawan maliban sa pulang bra at panty.

Dinala niya ako sa isang silid.

"Yamamoto,this is my friend Roxy."

Ngumisi ang matandang hapon na agad akong hinatak dahilan para makakandong ako sa hita nito.

Nandidiri ako sa ginawa niyang paghaplos sa aking kanang braso.

"Vary sexy,vary fres!l" saad ng hapon sa matigas na ingles.

Inamoy niya ako sa leeg hanggang sa maramdaman ko nalang na pumapasok na sa skirt ko ang kamay niya.

Napatayo ako at malakas siyang sinampal sa pisngi.

Rewrite our Stars (Senior High 2_Roxchie Spinoff)Where stories live. Discover now