Galit ako kay Thauce pero siya pa rin ang iniisip ko ngayon.

"L-Lianna..."

Gusto kong sabihin sa kaniya na nasasaktan ako dahil kay Thauce, na minamahal ko ito ng sobra at hindi ko alam kung paano ako magsisimula at saan para makalimutan ito pero ang lumalabas lang sa aking bibig ay tunog ng aking pag-iyak.

"Zehra... w-what is it? I'm worried. Pati ako ay naiiyak na. May sinabi ba si Arzen sa iyo? inaway ka ba niya? tell me, pagagalitan ko siya."

Mas humigpit ang yakap ko sa kaniya habang siya ay patuloy sa paghagod sa aking likod. Kaya rin ipinaglalaban siya ni Thauce ng sobra. Kasi ibang klaseng babae si Lianna. W-Wala akong masabi at kahit pa halata na si Errol pa rin ang mahal niya at nakikita niya na sa akin ito interesado ay hindi nagbago ang pakikitungo niya sa akin. M-Mabait pa rin. Sobrang bait p-pa rin.

Parang kapatid na nga niya ako kung ituring.

"Shhh, sige, ilabas mo lang ang lahat ng nararamdaman mo, Zehra. Everything will be alright, okay?"

Hinayaan ako ni Lianna na umiyak sa kaniyang balikat, ngunit nang makabawi ako at kumalma ay humiwalay na ako sa kaniya. Siya pa ang nag-ayos ng aking buhok na sumabog sa aking mukha, pinalis rin niya ang mga luha na nasa aking magkabilang pisngi.

"Namamaga na ang mga mata mo. Paano kapag tumawag si Seya at makita niya na ganito ang itsura mo? tiyak na mag-aalala iyon."

Naalala ko nga ang kapatid ko. Hindi pa ako nakakapagpadala ng larawan nang dumating kami dito. Pangako ko pa naman na magpipicture ako ng aking sarili para ipakita sa kaniya. At tama si Lianna, mapapansin kaagad ni Seya na umiyak ako dahil kahit ako ramdam ko na ang pamamaga ng aking mga mata.

"Also, the guys will ask you what happened. Hmm, dito ka na lang kaya muna? ipapaliwanag ko na lang sa kanila na hindi mabuti ang pakiramdam mo?" sabi niya sa akin nang makapasok kami sa loob ng silid. Inilbot ni Lianna ang kaniyang mga mata at ako naman ay lumapit sa aking mga maleta.

"Let me help you put your clothes sa drawer," pagpiprisinta niya.

"A-Ah, hindi, ako na. Ako na, Lianna. Huwag ka na mag-abala--"

"No, it's okay. Take a shower, Zehra. Magpakalma ka muna. I don't know what happened between you and Arzen but if you want to talk about it nandito lang ako. Kahit papaano ay kilala ko na si Arzen."

Hindi ako nakagalaw, hinila naman ni Lianna ang mga gamit ko. Tinatanong niya ako kung iyon daw ba ang mga binilin niya para sa akin noon sa mall. Tumatango lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya, abala sa paglalabas ng mga gamit ko.

Wala akong masabi sa pagiging mabuti niya.

Kumalma na ako, naghilamos ako sa banyo at humugot ako ng towel at ipinunas sa aking mukha. Naglabas na rin ako ng mga damit para makaligo.

"Kahit ako na diyan, Lianna. Okay na iyong nailagay mo, maraming salamat," sabi ko.

Ngumiti siya ng tipid sa akin at tumango. Akala ko ay tatayo na siya pero nakita ko na hinawakan niya ang maleta ni Errol at mahigpit ang kapit ng kaniyang kamay sa handle non.

"You know what? Errol and I had a fight when Thauce pulled you out of the room. Pinigilan ko kasi siya na humabol and he shouted at me."

Ano?

"It's obvious that I still love him, right? si Errol pa rin... mahal ko pa rin ng sobra si Errol."

Tumingin siya sa akin, nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Hindi naman siya napalitan sa puso ko, Zehra. Mahal na mahal ko pa rin si Errol kahit sobrang sakit na. He's still the man I want after all the years of pain. At kahit ngayon naman. I don't care if he will push me, basta ang nasa isip ko mapalapit lang sa kaniya at makita siya. I came back here in the Philippines and decided to learn how to run our company because of him also, kasi sinabi ng Papa ko na Errol would guide me. This may sound pathetic pero t-totoo..."

Three Month AgreementWhere stories live. Discover now