Chapter 19 ~ Hands-off

Start from the beginning
                                    

“What? I thought it's just a vacation?” giit ni Magenta na pinipilit pa rin maging kalmado ang mukha pero halata naman ang pagkabigla at hindi pag-sang-ayon sa narinig mula kay Cyla.


“It can't be. Bakit ngayon pa siya humihingi ng bakasyon,” may kakaibang tono sa boses ni Magenta. Ayaw lang bigyan pansin ni Cyla dahil stress din siguro ang ina-inahan niya.


Ayaw niya ba payagan si Norleigh? Sobrang helpful sa Stargazer ang best friend niya at halos siya ang binabalik-balikan ng mga customers nila kaya malaki na rin ang naitulong nito sa kanila. Beside she has the right to break her contract anytime she want. No one can stop her to become free from her job. Launcelle was so happy for her best friend, kaya walang pagtutol sa kanya kung ano man ang plano ng kaibigan niya. Norleigh actually asked her for sick-leave, hindi na rin ito tumanggap ng client simula ng umuwi siya galing kay Morsel at hindi iyon sinasabi ni Cyla kay Magenta.



“Hands-off naman ako right? Ikaw naman ang naghahandle ng lahat-lahat sa loob ng Stargazer Club, right baby? Nasa iyo pa rin ang desisyon, Cyla and I trust you for that. I trust you always,” nakangiting saad ni Magenta. Really, totoo kaya ang tiwalang naririnig niys mula sa nag-ampon sa kanya.


Hayys! Hindi niya tuloy mabasa ang nasa utak ni Magenta but she has something unusual, sa mga kilos nito lately parang may nakita siya na hindi familiar sa kanya. “I miss you, baby. Pwedi bang umuwi kana sa bahay natin? Nakakalungkot ang mag-isa sa malaking bahay na iyon e,” paglalambing ni Magenta kay Cyla.



“Yes mom, I’m going home, need ko lang mag-isip at mspag-isa pero uuwi na po ako soon. Don’t worry po. Hindi ko naman hahayaan na mag-isa kayo doon e’ binilin ka sa akin ni daddy na huwag kita iiwan kahit anong mangyari. I’m sorry mom. Uuwi na po ako,” paglalambing ni Cyla.



“Maiba ako. Kumusta pala ’yong naging client mo? Sabi ng assistant mo ay ilang beses ka na raw dinadalaw ng lalaking iyon? At sinusundo ka?” Walang emosyong tanong ni Magenta. Kinabahan naman si Cyla dahil sa tanong pero nanatili siyang kalmado.


May nakakita pala sa kanila. Akala niya ay wala nang tao sa Vyralen building kapag pumupunta si Loudon. “Pinagbigyan ko lang, mom. Sobrang kulit niya e’ niyayaya ako makipagdate. He need a date that night sa party ng organization nila at wala daw nababagay na ibang babae sa party na iyon kundi ako lang,” mahabang paliwanag ni Cyla at sana bumenta kay Magenta.



“That’s nice! Sino ba naman kase ang hindi maglalaway sa baby ko? You are the most beautiful woman here in Macau, Cyla,” giit ni Magenta. Sobrang proud talaga nito sa kanya.


“Naku, naku. Nambola na naman, lumalaki po ang ulo ko,” pagbibiro ni Cyla pero tumatahip ang dibdib niya sa kaba dahil baka nanghihinala na rin ito sa mga kinikilos niya.



Hindi tuloy mapakali si Cyla sa tension na nararamdaman niya dahil kahit anong mangyari ay anak pa rin ni Magenta si Joeres. Though alam ni Magenta ang lahat-lahat ay posible pa rin na magsumbong ito sa anak at ilaglag siya. Nalagay tuloy siya sa alanganin pero alam naman ni Magenta ang katotohanan tungkol sa sitwasyon at kung sakali na magsumbong ito kay Joeres, pati siya ay madadawit sa gulong pinasok nila. Baka siya nga ang unang sisihin ng anak dahil hindi niya pinigilan si Cyla sa bagay na iyon.


“How about daddy's case? Is there a progress, mom?” Cyla diverting their topic baka saan pa mapunta.


“I think, they failed again,” malungkot na balita ni Magenta sa kanya. “Wala, wala talagang nakukuhang impormasyon kung sino ang may kagagawan niyon sa daddy mo. Walang kwenta ang mga private detective na nakukuha ni Dermot kaya baka ipatigil ko na lang ang paghalungkat sa kaso ng daddy mo.” Magenta added.



Dermot. Sobrang tiwala ni Magenta sa pamangkin niya. Siya talaga ang kausap ni Mommy that night. Sa isip ni Cyla. Wala naman ibang pwedi paghinalaan kundi si Dermot lang, hindi naman pumunta sa bahay ni mommy ang mga employee sa Stargazer Club at wala siyang pweding makausap na ganun ang tono ng boses niya. Kakaiba ang pagkatao niya ng gabing iyon na narinig ni Cyla, hindi pa nakikita ni Cyla ang side na iyon ni Magenta but she also couldn't ignore the love and gratitude she held for her mother. Kung wala ito ay wala siya sa kinatatayuan niya ngayon. Kung hindi siya nahanap ni Magenta ay baka saan na siyang lansangan napadpad.


The weight of her past and the hope for a better future weighed heavily on her shoulders. She need to talk to Loudon, hindi niya ito hahayaan na sirain ang business na bumubuhay sa maraming tao. Naniniwala siya na may sumisira lang ng pangalang Stargazer Club dahil sikat na sikat ito sa mga mayayamang business men. Stargazer was their haven and their solace when stressing situation hits them. Launcelle was planning to dig the Stargazer issue from the very beginning, she need to sorting out every flawed to save their money and name. Maybe Loudon Riege was a big help for her.

My Typecast Midnight THE ENCHANTRESSES #5 Soon To Published Under EPPWhere stories live. Discover now