CHAPTER 9

11 9 1
                                    


"KNIGHT POV"

Nang madatnan namin ni Zelle ang nangyayari, tila wala sa isip ko ang kumalma! may galit, puot at pangamba ang nararamdaman namin. Napaiyak nanga si Zelle ng makita niya ang kapatid na tinututukan ng baril sa ulo. Wala rin kaming magawa kung hindi ang tignan lang  sila dahil kung lalaban kami isa sa mahal namin sa buhay ang mawawala.

Nadakip kami ni Zelle, at wala na kaming laban. Hindi parin tumigil sa pag-iyak si Zelle. Habang si Mama wala lang sa kanya ang lahat, tingin ko hindi siya natatakot at nalulungkot lang siya habang tinitignan ako.

Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Marami namang bantay sa labas at luob at nagawa parin mapasok kami? Nang mag-away kami ni Zelle wala lang yun, pero ngayon, parang kinain ang mga sarili namin dahil sa pangyayaring ito.

"Long time no see, mula sayo! turo niya sa akin habang galit ang mukha!

Hindi ko alam kung sino siya, ni wala akong ka ideidea kung bakit niya ito ginagawa? at bakit parang naghihigante siya sa akin? Anong meron sa kanya na hindi ko naiintindihan at naguguluhan ako. Kasabwat ba niya ang papa ko? o inuutusan siya ng papa ko? o baka naman ibang grupo siya na gustong maghigante sa akin? o kaya naman sa pamilya ko!

"Siguro naman naaalala mo'ko? Actually?, ang laki ng pinagbago mo! hindi ko akalaing gumagala-gala ka sa paligid ng walang nakakakilala sayo! sabi niya sa akin habang lumapit siya ng magkaharap ang mukha namin.

Wala rin naman akong maintindihan sa sinabi niya, at sinusubukan kong alalahanin ang bagay na nakalimutan ko, pero mahina pa sa ngayon ang memorya ko!

"Ano bang ibig sabihin niya Knight? may kinalaman ka ba rito? mahinang boses na sabi ni Zelle,

"wala akong panahon para sa tanong mo Zelle!? kaylangan nating makalaya dito. seryusong sabo ko.

"Tanga ka ba!? sa dami nila at pinalilibutan tayo ng tauhan nila at sa loob pa ng bahay ko! tingin mo makakaligtas tayo dito! galit na sabi niya sa akin, pero mahina parin ang boses niya!

"Bakit? nasaan ba yung mga gwardiya mo!? huh! wala naman silang binabat e. sigurado akong tulog na yun at ginapos sa kawalan. galit ko rin sabi, makagante lang.

Hanggang sa oras ng kamatayan namin, nagtatalo parin, hindi siya nakakatulong sa pag-iisip ko. Ang labo niya talagang kausapin. Kahit dito naman magbago siya at habaan niya ang pasensya niya.

"Ate? sino ba sila ate? mamatay na ba tayo ate? naiiyak na sabi ni franco na may halong galit.

"Wag kang mag-aalala Franco? makakaalis tayo dito. sabi ni mama na parang baliwala lang sa kanya.

"Mama! bakit parang ayos lang sayo ang lahat!? Tingin mo ayos lang tayo dito!? mahinahon na sabi ko pero galit parin.

"At akala mo natatakot ako!? Nong saksakin ako ng papa mo!? hindi ko alam kong mabubuhay pa ako! pero naligtas parin ako! at 'di'ko rin ginusto pang mabuhay dahil ubos na ang oras ko! galit na sabi ni mama sa akin at napakalaki ng boses niya.

"hmm! nakakalungkot naman!? dahil sa sinabi mo tutuluyan na talaga kita! dahil gusto kong iparamdam sa kanya kung paano mawalan ng mahal sa buhay. sabi niya na parang may ibig-sabihin...

Kumilos na ang mga tauhan niya, at napilitan kami isa-isa, pinatayo ako at pinalakad at pinaharap ako kong saan nakalipat sina Zelle, Kapatid niya, si mama, at si manang pati si yaya Mel. Nang tinignan ko sila parang nawalan ako ng pag-asa. Na para bang wala sa pakiramdam ko ang kasiyahan! at dito ko naaalala ang lahat!

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now