Yanna's POV:

Magkasama kami ngayon ni Sj, nagpresinta kasi siya kanina na ihatid ako sa bahay. Hindi na din ako tumanggi.

Paano? Pasok na ako? Sabi ko.

Pwede bang mamaya na? Malumanay niyang sabi. Five minutes pa.

Kung gusto mo sa loob na lang tayo? Pagyaya ko pa sa kanya.

Dito nalang .

May problema ba? Napapansin kong may bumabagabag sa kanya.

Napapaisip lang ako kung ano ang susunod na mangyayari.. Pagkatapos ng nangyari kay Jervin, hindi na mawala sa isip ko na kung sino kaya ang susunod?

Wag mong sabihin yan Sj, wala ng susunod.

No Yanna, traydor ang kalaban natin. Ni hindi natin alam kung kelan sila susulpot. Ni wala tayong lead kung sino siya o sila.

Wala tong kinalaman sa nangyari kay Hilary Jake . Sabi ko

How'd you know?

Inalam ko, kase pakiramdam ko sa'kin ibubunton ang sisi sa nangyayari eh. Kaya hindi matahimik si Jervin sa kaka diin sa'kin eh.. Gaya ng sabi mo, nanay lang ang meron siya, at maayos na ang nanay niya ngayon. Wala siyang kapatid, at wala siyang boyfriend. Kaya labas siya dito. Hindi to tungkol sa paghihiganti ni Hilary. Paliwanag ko.

Sa tingin ko ... Napahinto ako, parang ayokong sabihin ang nasa isipan pero kailangan, magalit na siya't lahat basta kailangan kung ano sa tingin ko . Isa sa mga grupo mo ang may gawa nito.

The hell Yanna? Kunot noo niyang sabi which I understand, alam kong papanigan niya mga kaibigan niya.

Jake, isipin mong mabuti na maliban sa nangyari kay Hilary meron pa bang pangyayari na sangkot kayong lahat?

Napapikit siya ng mata at halatang taimtim na nag-iisip. Fuck! Nagulat ako sa reaksyon . Wala! Shit. Wala talaga Yanna.

Okay okay . You have to be careful, lahat ng kilos at sasabihin mo lalo sa mga kaibigan mo.

Including you?

Tumango ako. Pati sa'kin. Ikaw na may sabi traydor ang kalaban natin, malamang nasa paligid lang siya o sila..

Yanna. Biglang sumeryeso ang boses niya. Pasimple naman akong napalunok sa kaba nang hawakan niya ang mga braso ko para mapatingala sa kanya. Please avoid us, save yourself .

Hindi kita maintindihan . Gulong gulo kong sabi.

Save yourself habang may oras pa, hindi ka kasali dito. Kaya please huwag ka ng lumapit ni kahit isa sa'min.

Ano ba pinagsasabi mo Sj? Ngayon pa kung kelan magaan na ang loob ko sa inyong lahat?

Please ayokong madamay ka. Pagsusumamo niya.

Damay na ko. Kasama niyo ko dito. Hindi ko kayo iiwan .

Yanna naman. Reklamo niya. Ayokong may mangyari sa'yo..

Dahil? Kunot noo kong tanong.

Basta.... Makinig ka nalang . Hayaan mo na kaming lumutas nito.

Gusto kong makatulong Sj.

Wag na nga! Nagulat ako dahil tumaas ang boses niya

Bakit nga!

La VendettaWhere stories live. Discover now