Chapter 3 🪓

62 1 0
                                    

    Kara's POV:

 
     Sabay sabay kaming nagbreakfast. Ate, dad and I. Kami nalang tatlo ang magkasama sa buhay. Mom died after giving birth to me.

   How are the two of you in school? Nakangiting tanong ni dad, dad always smiles. Ang gaan lagi ng aura niya, mabait, matulungin siya at mahal na mahal niya kami ni ate. In short, he's the best dad ever!

     I'm good dad. Sagot ko. I have gained two friends already.

     Good to hear.  Is your sister one of those two?

Of course not. Mabilis na tanggi ni ate. Sanay na'ko.

     Same old Quira, until now hindi ko alam kung anong pinag-awayan niyong dalawa. Nagtatampong sabi ni dad.

Mabilis na tumayo si Ate at nilambing si dad. Don't worry about it dad, for your peace of mind Kara's part of my circle now.

    Mabilis nagliwanag ang mukha ni dad. Is that so?

  Yes dad. Ako na ang sumagot habang nakangiti to assure him.

    It's a nice start for both of you. Nakangiting sabi ni dad. I'm happy.

   
  Sabay kami ni ate pumasok and as usual nauna siyang bumaba sa kotse. Gaya ng nakagawian, hindi na ako nagtaka.

Part of me is happy kasi totoong parte na kami ng circle nila at hinayaan lang nila kami. But can't deny the fact that Yanna and Reika are the best ones, sila kasi ang una kong naging friends.

   Napahinto ako sa paglalakad nang may dumaang lalaki habang sukbit ang gitara sa likod niya. 

   Hindi ako makagalaw, his presence made me freeze.

  Unang encounter ko pa lang sa kanya, nanigas na agad ang dila ko. Gusto kong mag-open ng conversation pero hindi ko magawa.

Now my feet, sila na naman ang ayaw humakbang.

    Gusto mo bang malate? Para akong sinampal ng malakas para magising at kusang nagkaroon ng buhay ang katawan ko.

   H-hindi. Uutal utal ko pang tanggi.

Eh bakit hindi ka gumagalaw diyan? Nagtataka niyang tanong.

   Eh ikaw? Bakit ka bumalik? Wala sa sarili kong tanong. Omy Kara! Ano ba yang pinagsasabi mo.

Nakita ko siyang natawa na agad kong kinatulala. Nahulog yong pick ko. Sabi niya sabay lahad ng gamit niya sa paggitara.

  Ah... G-ganon ba.. S-sige. Napapahiya kong sagot.

   Hindi kaba sasabay? Muli niyang tanong dahilan para palihim akong napangiti. 

  S-saan?

  Haha! Ikaw talaga. Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Tara na, baka malate pa tayo. Naramdaman ko na naman ang paninigas ng palad ko ng biglang hawakan niya to.

Omy! Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi ko naman naramdaman kay ano to dati...

     Nakapasok na kami sa classroom at ramdam ko ang kuryusidad sa mga titig nila..

    Bahagya akong napayuko at sinubukang tanggalin ang kamay ko sa pagkahawak niya ngunit laking gulat ko nang mas lalo niya tong hinigpitan.

     Hawak hawak lang niya ang kamay ko hanggang sa makarating ako sa upuan ko.  Inalalayan niya pa akong maupo bago tuluyan ng bitawan ang kamay ko at don lang ako nakahinga ng maayos. Whooah!

La VendettaWhere stories live. Discover now