Chapter 5 🪓

34 1 0
                                    

Rico's POV:

You sure you're ok? Muli kong tanong sa kanya kahit ako hindi ko mabilang kung ilang beses ko ng natanong kung ok lang ba siya.

Inaamin kong sobra akong nag-alala sa kanya kanina especially nung hindi niya ko pinansin.

Nakita ko siyang bumuntong hininga. I'm hundred percent sure, and this food helps me to feel better. Sabi niya and I feel relief.

Sorry about what Quira did to you. Nahihiya kong sabi.

Napakamot siya sa sentido bago magsalita. Pwede ba , kalimutan na natin yon. Kain na lang tayo.

Habang kumakain kami hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na hindi siya kulitin . Ilang days na kaming magseatmate, pero hindi ako masyadong nagkakalakas ng loob na kausapin siya.

Idagdag mo pa yung laging sinasabi ng kaibigan niya na crush niya daw ako kaya pakiramdam ko naiilang siya sa'kin.

Mahilig ka pala manood ng basketball? Tanong ko.

Huh?

Mahilig ka ba kako manood ng basketball?

Bakit mo natanong? Balik tanong niya, hindi naman yong pasungit. Likas na kase ang angas sa kanya.

Your friend mention it last time na nanood kayo non ng laro namin. Sabi ko at napansin kong naiilang nga siya.

Sakto lang, atsaka si Reika lagi ang namimilit na manood kami . Sagot niya pero pareho kaming nagulat nang biglang sumabat si Reika.

Anong ako?! Eh ikaw nga lagi ang nanghahablot sa'kin papuntang gym kapag may laro sila eh. Pambubuking sa kanya ni Reika dahilan para sikuhin siya nito.

Sige deny mo pa. Diba kaya lagi kang nanonood dahil may gusto kang panuorin... Nakita ko sa mukha ni Yanna na naiinis na at pilit nalang na napangiti.

Uhhmpm . Jervin, siya nga pala....

Ay hindi pala.. ako pala talaga ang nagyaya sa'yo non. Mabilis na agap ni Reika sa sasabihin ni Yanna.

Ano yon Yanna? Continue... Curious na tanong ni Jervin.

Wala yon. Ano kaba . Si Reika na ang sumagot. Tsaka Rics ako talaga nagyayaya lagi sa kanya kapag may laro kayo. Hehe! Trip ko kasi yung isa niyong kasama eh si Mark ba.

Ngiti nalang ang nasagot ko dahil hindi ako kumbinsindo. Alam kong si Yanna ang may hilig sa basketball, posible kaya na ako ang gusto niyang panuorin?

Hoy? Ngiting ngiti ka diyan. Ano meron? Kausap niya sa'kin dahilan para umayos ako ng upo.

A-ah wala. May naaalala lang. Awkward akong napangiti, tango lang ang sagot niya.

Nice! Muling napukaw ni Reika ang mga atensyon namin. Payag na si mommy. Sabi niya. Ikaw ba Kars?

Oo kanina pa pumayag si daddy. Sagot naman ni Kara na kanina pa kausap si Dylan. Dylan is changing, bukod sa'min nakuha niya na ding makihalubilo sa ibang tao.

Bakit saan ba kayo pupunta? Tanong ni Jervin.

Magsleep over kami kila Yanna, wala kasi yung daddy niya. Excited na sabi ni Reika.

Oh eh ang lagay niyan kayo lang? Muling tanong ni Jervin.

Bakit gusto niyo bang sumama?

Oo naman, basta ba'y kasama ka don din ako. Banat ni Jervin dahilan para mamula si Reika.. haha! Natawa ako sa reaksyon ni Yanna, todo asar kase siya kaibigan niya na animo'y kating kating makabawi.

La VendettaWhere stories live. Discover now