Epilogue

9 1 0
                                    


Two years later...

Nakadungaw sa labas ng bintana si Ino habang nakayakap sa leeg niya ang dalawang taong gulang na anak. Nakatulog na ito sa balikat niya, pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang bitawan.

Mabait na bata si Isaiah. Makulit tulad ng mga tiyuhin, pero mabilis mapagsabihan. Malambing din ito tulad ng ina at matalino. Guwapo gaya ng ama. Gagawin niya ang lahat ng makakaya basta lumaking masaya ang anak niya.

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon si Heart. Naka-bathrobe ito at para bang bumalik silang dalawa sa pangyayari mahigit dalawang taon na ang nakakaraan noong ibigay ng asawa sa unang pagkakataon ang sarili nito sa kanya. Hindi niya alam na naghahanap na pala ang puso niya noon ng pagmamahal. Sa dinami-dami ng mga naging nobya niya at ng mga babaeng dumaan sa buhay niya, isang maganda, mabait at matalinong secretary lang pala ang hinahanap ng kanyang inosente pang puso na hindi pa nakakaranas ng tunay na pagmamahal... hanggang sa lumipad sa mga braso niya ang isang anghel na may dalang fortune plant.

Ngumiti ang kanyang asawa nang makita ang mahigpit na pagkakapitan nilang mag-ama. "Hindi po tatakbo ang baby mo, Architect Callanta." biro nito sabay abot sa paslit.

Gumising si Isaiah, ngumiti sa ina bago dito naman yumakap at muling natulog. Pinagmasdan ni Ino ang mag-ina habang papalayo sa kanya.

Inihiga ni Heart ang anak sa kama, hinalikan bago kinumutan at itinabi ang stuffed teddy bear at stuffed dog na bigay ng mga tiyuhin nito.

Nakangiti pa rin si Ino nang bumalik ang asawa sa harap niya. Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.

"You're welcome." bulong ni Heart bago pa man siya makapagpasalamat dito para sa anak nila.

Mahinang tumawa siya. Second honeymoon nila iyon at nasa Bangkok muli silang dalawa, kasama ang anak na roon din nabuo.

Two years ago, pangarap lang ni Ino ang isang asawa at ang anak. Isang pangarap na isinuko na nga niya kaya siya nag-alok ng deal kay Heart. Ngayon, yakap niya ang pinakamabait at pinakaperpektong asawa para sa kanya at natutulog sa kabilang silid ang kanilang anak.

"I love you," bulong niya habang bumababa sa leeg ng asawa ang mga halik niya. Kumikislap sa buhok nito ang mga ilaw ng Bangkok at nasa mga mata naman nito ang kaligayahan at pagmamahal na panghabambuhay.

"I love you, too." sagot nito. "But I'm sure you're gonna love me more," tukso nito habang inaalis ni Ino ang tali ng bathrobe nito. Lumantad ang isang itim na lacy lingerie na regalo ni Rebecca para sa kanilang bakasyon.

Nanlaki na naman ang mga mata ni Ino at napahagikgik si Heart. "I'm flattered, Baby, pero hindi 'yan ang dahilan kung bakit mas mamahalin mo ako."

Nag-angat ng tingin si Ino. "Ano 'yun?"

Ipinulupot ni Heart ang mga braso sa leeg ng asawa. "I love you, Ino." bulong nito sabay dampi ng halik sa mga labi niya. "And you're going to be a father again."

🌸🌸🌸 THE END 🌸🌸🌸

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Innocent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon