Chapter 6

11 0 0
                                    


Sa Cavite nakatira ang mga magulang nila Ino, at lingguhan kung umuwi ang magkakapatid para dumalaw sa ina na roon nananatili. Mas gusto nito ang Bacoor kung saan pwede itong maghapon sa hardin para mag-alaga ng mga orchids kaysa sa Maynila.

Kabado si Heart nang bumaba mula sa Expedition ni Ino. Hawak-hawak niya ang isang kahong Chocolate Mousse na siyang kontribusyon nila ni Ino sa tanghalian.

Nakatingin lamang siya sa mansion. Sa tantya niya ay kasing-laki na ng buong apartment niya ang isa sa mga silid doon.

Hinawakan ni Ino ang siko niya. "Ready?"

Humugot ng malalim na hininga si Heart bago ninenerbiyos na ngumiti sa lalaki. "Now or never," tugon niya.

Inabot ni Ino ang kahon ng cake saka siya masuyong giniya papalapit sa pinto na kusang nagbukas. Bumungad ang masayang ngiti ni Mrs. Callanta.

"Ino! Heart!" tawag nito habang lumalapit para yakapin ang panganay nitong anak. Matapos halikan sa pisngi si Ino, si Heart naman ang nilapitan nito, hinalikan sa pisngi at niyakap nang mahigpit. Masaya ang ngiti nito nang pagmasdan ang dalaga. "Kamusta ang pakiramdam mo? Naglilihi ka na ba?"

"Wala pa naman po akong nararamdaman na kakaiba," medyo nahihiya pang sabi ni Heart. "Medyo nahihilo lang po sa umaga."

"Naku, sana ay katulad kita n'ung nagbubuntis ako diyan kay Ino. Wala akong kahirap-hirap n'un!"

"Pa'no, hinakbangan mo ako noon at ako ang naglihi," mapagbirong singit ni Mr. Callanta mula sa likuran ng asawa.

"Good morning, Sir," bati ng dalaga.

"Ay, sus!" Napatawa ang matandang lalaki. "Wala tayo sa opisina. Isa pa, magiging mommy ka ng apo ko, 'Sir' pa rin ang tawag mo sa'kin?" Niyakap din siya nito, bago siya hinila papasok ng bahay. "Kahit 'Dad' na lang ang itawag mo sa'kin. Pwede din ang Daddy Pogi," biro nito habang nakaakbay sa kanya.

~~~~

Sa hapag-kainan, masayang nagsalo-salo ang mga Callanta at si Heart.

"Kawawa ka naman, Kuya Isaac," biro ng bunsong si Ivan habang nilalagyan ng ulam ang pinggan ng asawang si Rebecca. "Ikaw lang ang walang partner."

Natawa ang nakatatandang lalaki, marahan namang sinusubuan ang pamangkin na si Josh. "Ano'ng walang partner? Eto'ng partner ko," sabay turo sa bata. Ngumiti naman si Josh habang hinihila ang kamay ng tiyuhin para mapabilis ang pagsubo nito.

 Ngumiti naman si Josh habang hinihila ang kamay ng tiyuhin para mapabilis ang pagsubo nito

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Tumawa si Ino habang ipinagsasalin ng juice si Heart. Ba't kasi di ka pa mag-girlfriend, Isaac?"

"Mas type ko ang mga boys,"sagot nito.

Malakas na nagtawanan ang mga nasa mesa. "Huwag ka ngang ganyan, Isaac, at baka maniwala si Heart," tumatawang saway ng ina nito.

"Hindi, alam naman ni Heart na lalaki talaga ako. Di ba, Heart?" Kumindat pa ito sa kanya.

Innocent HeartWhere stories live. Discover now