Chapter 8

7 0 0
                                    


Galing si Heart sa doktora niya para magpa-ultrasound test. Sinamahan siya ni Mommy Margie dahil mayroong napakaimportanteng meeting si Ino. Iyon ang unang pagkakataon na nagtungo siya sa doktora nang hindi ito kasama.

Matapos ang test, nalamang nilang lalaki ang magiging baby nila ni Ino. Niresetahan siyang muli ng doktora ng mga vitamins at sinabihang magpahinga at huwag masyadong magpakapagod. Bawal din sa kanya ang sumama ang loob. Wala namang nakikita ang doktora na makakasama sa baby nila na ngayon pa lang ay tinatawag na nilang 'Isaiah'.

Dahil inabot na ng tanghalian, nagpasya na si Margie Callanta na bumili ng pagkain at dalhin sa opisina para magkakasalo na silang kumain ng buong pamilya. Gusto rin ni Heart na sorpresahin ang nobyo. Masaya silang nagtungo sa opisina ng Callanta and Sons.

~~~~

Masakit ang ulo ni Ino. Napatagal ang meeting na dinaluhan niya at nalipasan pa siya ng gutom. Hindi siya nakapag-almusal at na-late pa siya dahil sa biglaang traffic sa SLEX. Nagkamali pa ng pag-schedule ang temporary secretary niya sa susunod na meeting.

Nami-miss na niya si Heart at wala siyang gusto ngayon kundi ang umuwi sa Cavite at yakapin ang asawa. Iyon na ang turing niya kay Heart--- his wife. Pagkapanganak nito, pakakasalanan na talaga niya ito. Wala siyang pakialam kung ayaw man nito o gusto. Kung kailangan kidnap-in niya ang dalaga, gagawin niya.

Inalis niya ang salamin sa mata at minasahe ang masakit na parte sa pagitan ng mga kilay niya. Nang biglang bumukas ang pinto. Lalong uminit ang ulo niya sa magaling niyang sekretarya. Hindi yata marunong kumatok.

Pinipigilan niya ang sariling suminghal nang biglang magsalita ang nasa pintuan. "Hello, Ino."

It was not his secretary.

~~~~

"Na-miss ko ang Manila, Mommy." magiliw na sabi ni Heart habang naglalakad sila patungo sa hallway ng building at papunta na sa opisina ng Callanta and Sons. "Pero mahal ko na din ang Cavite."

"Tahimik sa lugar natin d'on," sagot ng ginang.

Binati ni Heart ang guwardyang nakita at pinaunang pumasok sa opisina ang driver na may dalang mga supot ng take-out na pagkain. Dumerecho sa pantry si Mrs. Callanta kung saan narinig niya ang masayang hiyaw ng isang lalaking sa hula niya ay si Ivan. Siya naman ay sa silid ni Ino dumerecho.

Wala ang secretary ng lalaki sa mesa nito at naisip niyang marahil ay nag-lunch out ito.

Gaya ng nakagawian, kumatok muna si Heart bago itinulak pabukas ang pinto ng opisina. "Surprise!" bati niya, pero siya ang nasorpresa sa nakita.

Nawala ang ngiti niya at waring sinaksak siya ng kutsilyo sa dibdib nang makitang may nakapulupot kay Ino na maganda at matangkad na babae. Nakapulupot sa kamay nito ang kurbata ng lalaki at sa kandungan nito iyon nakaupo.

Nanlaki ang mga mata ni Ino nang makita siya. Parang ang tagal nilang nagtitigan.

Binalingan ng haliparot na babae si Ino. "Who's she, Darling?"

Sa narinig, wala sa loob na napaatras si Heart. Napatayo si Ino at halos naihulog nito ang babae sa sahig. Noon naman dumating sina Margie, kasunod sina Ivan at Isaac. Nakatayo lang si Heart, nangingilid ang luha at nakaawang ang bibig.

"Inocencio Callanta, Jr.! Ano'ng ibig sabihin nito?" sigaw ng ginang.

"Heart..." Puno ng pagmamakaawa ang tinig ni Ino, pero hindi na iyon pinansin ng dalaga. Tumalikod siya at tumakbo papalayo.

Hinabol siya ni Ino pero sinuwerte siya sa elevator. Sumara na ang pinto niyon bago pa maabot ni Ino ang pintuan.

~~~~

Innocent HeartWhere stories live. Discover now