“I didn't tell you to buy it for me. I'm just sharing my cravings,” I said.

Bumuntonghininga siya. “Kapag may gusto ka, hindi ako mag-aatubiling ibigay sa ‘yo. Even if you ask for something impossible, I'll do everything just to make it possible. Lahat para sa ‘yo, mahal ko.”

Pinigilan ko ang sariling mapangiti, pero kalaunan ay kusa na rin ‘yong nagpakita saka ko siya niyakap pabalik. “I'm sorry din.”

“Sanay na ako sa ugali mo.” Tumawa siya. “Kung ikaw rin naman ang mag-a-attitude sa akin, ayos lang kahit habambuhay pa.

I just smiled and savored the moment while I'm in between his arms. Para akong napahinga nang maramdaman ang mainit niyang yakap. Pumikit ako at mas sumiksik pa lalo sa dibdib niya. Pinaglalaruan niya naman ang buhok ko saka pinatakan ng isang halik ang ulo ko.

“Ang bango mo palagi,” komento niya.

I sniffed him. “‘Di tulad mo, laging maasim,” biro ko.

“Really?”

Agad naman akong nagsisi sa sinabi dahil humiwalay siya sa yakap para amuyin ang sarili. Natawa na lang din ako nang makita ang ginagawa niya.

“I'm just joking, my love.” Muli ko siyang niyakap saka tiningala. “You always smell good.”

Niyakap niya ulit ako nang mahigpit. We heard Reneil from the kitchen muttering something inaudible.

“Anong sinasabi mo d’yan, Reneil?” tanong ko.

“Wala, ang sabi ko parang lalanggamin pa yata ‘tong seafood sa sobrang tamis n’yo diyan,” sagot niya.

Natawa naman akong bigla kaya naman humiwalay na ako at pinuntahan na ang kapatid. Ang dami niyang dala kaya naman tuwang-tuwa ang puso ko. Cheating day ngayon! Ang cheating day ay everyday!

I told my brother to call Manang Flora and Ate Bea para sabay-sabay na kaming kumain. Nagpasalamat naman ako kay Jai para sa pagdadala niya no’n sa ‘kin.

Masaya ang hapag dahil sa presensya ni Jai, but behind his smiles, I can see that he’s tired. Hindi talaga maitatago ng mga mata niya kung ano ang nararamdaman niya. Malamlam ang mga ‘yon at parang pagod na pagod. But even though he’s tired from work, he managed to go here and bring what I want.

Him and his efforts . . .

Who wouldn't fall for this man?

I just realized that I'm really lucky to have him. He’s doing everything for me, kahit hindi ko hingin o hilingin. Basta alam niyang para sa akin, gagawin niya.

After we finished eating, inaya ni Reneil si Jai na maglaro ng ps5 kaya hinayaan ko na muna silang dalawa sa sala habang nagpresinta naman akong maghuhugas ng pinagkainan namin. Ayaw pa nga sana ni Ate Bea at siya na lang daw pero naging mapilit ako at sinabing magpahinga na sila sa taas. Wala na rin naman siyang nagawa kaya hinayaan niya na lang din ako at nagpaalam na.

Nang matapos, kumuha ako ng mga kutkutin sa pantry para ibigay sa dalawa. Abala sila masyado sa paglalaro nang tumabi ako. I tried watching them pero sadyang sumasakit ang mata ko kapag nanonood sa malikot na laro kaya sa huli, inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-i-scroll sa social media kahit puro nonsense lang naman ang nakikita kong posts.

Bumuntonghininga ako at nang marinig ni Jai ‘yon, agad siyang tumingin sa akin.

“May problema ba?” tanong niya agad.

Umiling naman ako. Nag-angat pa siya ng kilay na parang naninigurado kaya tumawa ako at sinabing wala naman talaga.

Kinuha ulit ni Reneil ang atensyon niya kaya nawala na sa akin ang tingin niya. Mukhang pagod na talaga siya pero sinusubukan pa ring pagbigyan ang kapatid ko. Nilapag ko ang phone ko sa table at tumayo. I saw Jai watching my moves.

I stood behind the sofa and gave him a massage on his shoulders. Taka niya naman tiningala pero sinenyasan ko lang siyang ituloy ang paglalaro. Marahan lang ang pagmamasahe ko para lang kahit papaano, mawala nang kaunti ang pagod niya.

Sumisigaw si Reneil kasi parang mananalo na siya nang tumunog ang cellphone ko sa mesa para sa isang notification. Jai pointed my phone as if I didn't hear it.

“Can you check it for me?” I asked.

He obliged. Tiningnan niya ang notification na nakikita kahit nasa lockscreen. Hindi ko mabasa dahil medyo malabo na ang mga mata ko.

“Exam results for law school,” basa niya.

Napatigil ako, maging si Reneil ay nawala ang atensyon sa nilalaro at napatingin sa cellphone ko. Pinakita ni Jai sa akin na galing ‘yon sa email kaya nanginginig kong inabot ang phone ko.

“Don't be so nervous, ate,” said my brother. “It's not as if you didn't pass the entrance exam a couple of times. Ngayon ka pa kakabahan, eh alam ko namang makakapasa ka.”

Huminga ako nang malalim. Oo ilang beses ko na ngang naipasa ang entrance exam pero hindi naman laging pare-parehas ang mga tanong. May nadadagdag at may nababawas doon kaya hindi pa rin ako sigurado kung makakapasa ako.

Muli akong tumabi sa kanila habang pinipindot ang email. Didiretso iyon sa listahan ng mga nakapasa. Bumungad sa akin ang mga pangalan na nasa higit kuwarenta. Kabado akong hinanap ang pangalan ko roon, gano'n din ang dalawa.

Naging matunog ang pagngiti ni Jai sa gilid ko. “Congrats, Attorney in the making.”

Nakita ko rin ang pangalan ko na nasa ikaanim. Napasigaw pa ako sa tuwa at niyakap silang dalawa.

“Sabi naman sa ‘yo papasa ka eh,” ani Reneil. “Siguro naman itutuloy mo na ang pagpasok sa law school. Wala na rin naman si da—”

Natigil siya. Napawi ang ngiti sa labi ko. He’s supposed to say daddy pero siguro napagtanto niyang hindi niya tatay ang tatay ko kaya napatigil siya.

“Mag-celebrate tayo bukas!” wika ni Jai para pagaanin muli ang pakiramdam namin.

Ngumiti ako at niyapos muli ang kapatid. “Sige, sagot ko kayong dalawa!”

I won't stop until I get that title before my name.

Attorney Therene Kylei De Vega

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now