I'll always admire him for being brave.

Naubos yata ang buong maghapon ko sa pananatili sa loob. Nang makaramdam ng hilo dahil parang loaded na ang utak ko sa mga nabasa, tumayo na ako at lumabas. Bumalik ako sa kwarto at nang sumilip ako sa labas ng bintana, nakita kong natutuyot na ang mga halaman ni mommy.

Wala nang buhay ang hardin na alagang-alaga niya.

It wasn't easy to live without her. Nasanay akong kapag hindi siya nakikita sa loob ng bahay, naroon lang siya sa labas at inaayos ang halamanan niya, o hindi naman kaya ay nasa flower shop siya.

Now I realized she’s just distracting herself and through arranging flowers, she found escape.

This household was never a home. When times are tough, you wouldn't think of coming home because it feels empty. It's only Reneil who can make me feel comforted here.

Naligo lang ako tapos bumaba, naabutan kong naghahanda ng speech si Reneil sa baba.

“Pabasa naman ako,” sabi ko sa kaniya.

He immediately hid the paper behind his back. “No! You're gonna spoil it!”

I pouted. “Damot! Siguro puro pasasalamat sa ‘kin ‘yan ‘no?”

He just rolled his eyes at me. Tuluyan niyang itinago at inipit ang papel sa dala niyang libro.

“Tapos mo na ba? Bakit tinago mo na?”

“I don't want to do it while you’re here. Makikibasa ka!”

Same old him, masungit pa rin talaga siya. Dinaig niya pa ako.

“Okay.” I shrugged my shoulders. “What do you want to eat for dinner? I'll cook.”

He raised an eyebrow at me. “You don't know how to cook.”

Ngumuso ako sa sinabi ng kapatid. Well, he’s right. Hindi nga ako marunong pero p’wede ko namang pag-aralan. Nandiyan naman si Manang Flora to guide me. Meron din namang tutorial sa YouTube!

“No need to cook. I brought seafood . . .”

Mabilis pa sa alas kuwatrong napatingin ako sa likuran nang marinig si Jai. Ngumiti siya sa akin saka itinaas ang dala niyang isang bilao ng seafood.

My eyes widened. “What the hell?!”

He just chuckled and went inside. Mabilis na nakadalo si Reneil sa kaniya para makipag-fist bomb at tingnan ang dala ng lalaki.

“What are you doing here? Bakit hindi ko narinig ang pagdating mo?” Sumilip pa ako sa labas para tingnan kung nandoon ang sasakyan niya.

Nakaparada nga sa labas ang kotse niya pero hindi ko talaga siya narinig na dumating.

Nagkibit siya ng balikat. Dala na ni Reneil sa kusina ang pagkain, narinig ko pa ang sinabi niyang sakto raw dahil wala pang pagkain.

“That's mine, Reneil!” I shouted.

“Bakit? Kaya mo bang ubusin ‘to lahat?” tanong niya mula sa kusina.

I looked at Jairus who’s currently smiling like an idiot. Inirapan ko siya at balak sanang iwan doon pero agad niya akong nahila para sa isang yakap.

“I'm sorry na . . .” bulong niya sa tenga ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya kasabay ng pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko. Hindi ako nagsalita ngunit hinayaan siyang yakapin ako.

“I'm out of town for a project, right? Hindi ko madadala agad ang gusto mo,” paliwanag niya. “Pero dito agad ako dumiretso kahit hindi pa ako nakakauwi para ibigay ang gusto mo.”

Villaverde Brothers Series 2: Jilting the Fearless✓Where stories live. Discover now