Chapter Nine-A

Magsimula sa umpisa
                                    

"At ang pagkuha mo ng isang bagay na gusto kong gawin ang sa tingin mo ay nakakabuti sa akin?" mahinang tanong niya.

"YES!"

Automatikong nayakap niya ang sarili, this time kakaiba ang nararamdaman niya. It's not the usual thing she felt when he's around, her heart isn't beating so fast that it's hard for her to breath. This time mas intense ang nararamdaman niya, pakiramdam niya ay napipiraso ang puso niya ng ilang beses, pakiramdam niya ay hinihiwa na parang karne ang loob niya. It's a different kind of emotion but she's pretty sure, it's painful. Hindi pisikal na sakit ang nararamdaman niya kundi sakit na nagmumula sa loob ng dibdib niya.

Ikinurap lang niya ang kanyang mga mata at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang init sa kanyang mga talukap. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Diana-."

Iniwas niya ang kanyang mga mata mula dito, she felt like crying pero hindi siya iiyak sa harap nito. Mabilis siyang tumakbo sa harap nito, gusto lang muna niyang mapag-isa. Ayaw na muna niya itong kausapin dahil ayaw na niyang maramdaman ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Pumara siya ng taxi at sinabi ang pangalan ng BPO company na pinagtatrabahuan niya. Habang nasa taxi siya ay hindi niya napigilan ang sariling mapaluha nalang, ang sakit kasi ng nararamdaman niya. Totoo kasi ang mga sinabi nito, the moment he bought her wala siyang idenimand na kung anuman. She only wanted their house and lot and nothing else, it only means one thing he really bought her fair and square.

Pagdating niya sa opisina ay nagkulong muna siya sa banyo upang kalamayin ang sarili niya. Ayaw niyang dinadala ang personal na problema niya sa kanyang trabaho dahil alam niyang hindi nakakabuti iyon. She forced herself to smile, she forced herself to be okay. Kaya paglabas niya sa cubicle ay parang walang problema na binate niya ang kanyang mga nakakasalubong. Pero ang totoo niyan, kapag may magtatanong sa kanya kung okay lang ba siya alam niyang iiyak talaga siya.

Ang problema ay hindi siya pwedeng umuwi sa kanila dahil ayaw niyang masabihan ng kanyang mga tiyahin ng 'Sinabi na namin sa iyo'. Alam niyang desisyon niya iyon at ayaw niyang isampal sa kanya.

"Hey," masiglang bati ni Mon sa kanya. Ngumiti siya dito. "May problema ka girl." Ang sabi nito sa kanya, she just look at him telling him not to say anything dahil nasa verge na siya ng kanyang pag-iyak. Mukhang naintindihan naman siya nito kaya ngumiti nalang ito sa kanya, an understanding smile appears on his face. "Sabi ko nga excited ka na for work, namiss ka na namin ilang araw karing hindi pumasok." Biro nito.

"I was busy."

"Mukha nga, let's go and clean the place na." excited na hinila siya nito. Binati siya ng kanyang mga agents, humingi siya ng paumanhin sa mga ito kung bakit hindi siya pumasok ng ilang araw. Sinabi lang niyang may family problems na kailangan niyang asikasuhin. The entire night seems fine, in fairness natuto ang kanyang mga agents na tumayo sa sarili nilang mga paa noong wala sila. Base sa mga stats na nakuha niya kumonte ang mga sup calls na nakaregister sa kanyang matrix dahil nga sa alam ng mga ito na wala silang aasahan na tutulong sa kanila. Less din ang absences at walang mga violations—kumunte ang mga violations like wrap time at nag-over sa break time na allocated for them. May narereceived din siyang mga emails from customers telling her agents for a job well done. Kahit papaano ay nawala ang inis niya sa mundo, she diverted her pain by assisting her agents to do their best.

Kung kailan ayaw mong umuwi sa bahay saka naman sobrang bilis ng oras. Paglabas niya ay wala pang araw at hindi rin niya alam kung saan siya uuwi. Pakiramdam tuloy niya naging instant abandoned cat siya. Wala siyang mauwian kasi wala naman talaga siyang sariling masasabi na sa kanya. Pwede siyang umuwi sa bahay ni Georgette pero masyado na siyang pabigat sa kaibigan niya. Noon paborito niyang uwian ang bahay ni Zyrene kasi very much welcome sila doon, at saka sa bahay lang naman ni Zyrene may kompletong pamilya.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon