"kuya!?

"Kuya mo pala yan!?

nilapitan sila ng kuya ko pero hinarangan siya ng dalawa at nanlaban naman si kuya at pinagsusuntok niya ang mga ito hanggang sa lumabas ang mga dugo nito sa katawan, gusto pang kunin ni kuya ang upuan at ihampas sa mga ito pero napigilan ko siya ng sabihin kong itigil niya yun!

Takot na takot ako, dahil parang hindi ko na kilala ang kuya ko. Parang wala siya pakialam sa lahat na maiisip mong para siyang baliw na walang awa na gusto niyang patayin ang kaklase ko, tila wala na siya sa pag-iisip.

Takot na takot naman ang isa pa na may hawak ng alkansiya ko na siya namang leder-lederan dito. Dahil sa takot niya binigay niya agad sa akin ang alkansiya at humingi ng tawad sa akin tsaka tumakbo pero hindi siya nakalagpas kay kuya at pinagsusuntok siya.

"Sa susunod wag na wag mo na itong gagawin sa kapatid ko. dahil papatayin kita. kahit ano mang oras... sabi ng kuya ko habang pinagsusuntok niya ang kaklase ko at duguan na ang mukha nito...

"kuya tama na! kuyaaa! pagpipigil ko sa kanya at niyakap ko siya habang umiiyak!

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kuya ko, pero naiisip ko lang hindi kaya dahil ito kay papa!!? Nang niyakap ko si kuya parang wala siya sa pag-iisip at takot na takot siya.

Pinatawag agad kami ng principal, at nagrereklamo ang mga magulang sa mga nabogbog ni kuya... Sa tingin ko kay kuya parang hindi na siya normal na tao na parang ibang iba na siya kung kumilos... Ang mabilis na paghinga niya tuwing takot, ang mga mata niyang galaw ng galaw tuwing may nakatingin sa kanya o may katabi man siya o kahit pa kinakausap siya hindi niya ito napipigilan at lagi rin siyang natataranta. "ano bang nangyayari sayo kuya???"

Dumating agad ang ina namin, galing pa sa pagtitinda niya ng bulaklak, nag-aalala siya kung anong nangyayari at agad siyang kinausap ng principal namin habang reklamo naman ng reklamo ang mga magulang ng mga nabogbog ni kuya. hanggang sa hiningi ang paliwanag ng mga ito, pero nasinungaling sila. kaya nagalit ako. Ako naman ang hiningan ng paliwanag at sinabi ko lahat mula sa umpisa hanggang sa dulo. mukhang napaniwala ko naman sila. at galit naman ang mama ko ng marinig niya sinabi ko. habang ang mga magulang sa kabilang side nahihiyaw at wala ng masabi... dahil sinabi rin ng mga anak nila ang totoo. Habang si kuya ganon parin. Hindi narin pinapayagan si kuya na mag-aral sa kahit anong eskwelahan dahil sa pinapakita niyang mga kilos at pag-iisip.

"naawa ako para kay kuya"

                 ************************

"ZELLE POV"

Pauwi na kami at tahimik lang ako, dahil kanina pa ako nababadtrip at walang kasaya-saya ang pamimiling ito, nakakainis lang lalo ng makasama ko ang madilim na ito!

kung hindi niyo alam, yan na ang gusto kong itawag sa kanya!. Madilim! dahil nangingitim ang pagtingin ko sa kanya pag kausap niya ako, na tila bang kinukuha niya ang confidence ko!.

"Parang ang ingay naman 'ata dito!? agad kong baling sa kanya habang nagmamaniho siya at sinabi niya iyon!, tila nagpaparinig siya sa akin... siguro dahil sa tahimik ako at walang kaingay-ingay kaya niya nasabi iyon.

"mag-ingay ka mag-isa mo!... bakit kailangan ko pang mag adjust kung nababagot ka na! ano gusto mo? kumanta ako dito? tumawa kahit walang nakakatawa?"

"Sir Knight? kung nababagot ka pwede ka namang magpatogtog! tahimik namang sabi ni manang kay Knight! 

"Shhht! dibah nagalit si ma'am Zelle kanina? ibig sabihin ayaw niyang makarinig ng kumakanta! pabulong namang sabi ni yaya Mel.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now