Chapter 21

3 0 0
                                    

21. Date

We had one-week vacation before going back to school. Kung wala siguro akong kamalay-malay sa estado ng buhay ng mga magulang ko, petsa dos pa lang siguro ay nasa eskwelahan na ako.

But now that I'm starting to know them... I feel like I want to spend time with my family.

Pagkatapos ng isang linggong pahinga, nagising ako sa amoy ng ulam galing sa kusina. Kahit na naka-lock ang kwarto ko ay parang dumaan ang amoy sa labas ng bintana papunta sa bintana ng aking kwarto—na nakasarado rin.

Saktong alas sais ang gising ko kaya nilabas ko at inayos ang aking uniporme.

I was already wearing my uniform as I went to our dining table. May mga longanisa, ham at hotdog si mama na niluto at mga isda na ang iba'y hindi ko bet.

Napatingin ako sa lunch box ko sa gilid at may kanin na itong laman. Naglagay ako ng longanisa, ham at hotdog sa aking lunchbox.

"May Yakult tayo sa ref, magbaon ka." ani mama pagkatapos kong uminom ng tubig. Habang nagto-toothbrush ako ay kumuha ako ng dalwang Yakult at nilagay sa bag na nasa upuan lang.

Kinuha ko ang baon na nasa lamesa kaya kinuha ko ito at binitbit ang bag. "Una na 'ko, ma."

"Ingat."

Hindi na ako nakapagpaalam kay papa dahil hindi ko siya nakita. Siguro naliligo o nasa tindahan. Si Ena ay tulog panigurado. Babalik naman na siya bukas sa lungsod.

"Para po..." Pagbaba ko pa lang sa harap ng school namin ay may naramdaman akong kaba. Hindi ko alam dahil wala naman kaming assignments na dapat ipapasa ngayon... wala namang bago... well... bumalik akong hindi na single.

I cringed to myself and shook my head while going upstairs. Mabuti na lang at nakarating ako 7:50 kaya early bird na tawag sa mga estudyanteng ten minutes early.

Napangiti ako nang makita si Chiclana sa kaniyang upuan na natutulog. Padabog kong nilagay ang bag sa upuan dahilan napaigtad si Chic.

Bumangon siya at kinusot ang mga mata. Huminto siya sa ginagawa nang may natanto. Wala sigurong may nagbago sa kaniya dahil gumagamit pa rin siya ng eyeliner at eye defining pencil. Parang emo ba naman ang mga mata!

"Eren!" masayang bigkas niya saka inusog ang upuan niya palapit sa'kin. May kinuha siya sa bag at nilahad sa'kin ang maliit na paper bag. "Happy New Year!"

Ngumiti ako at tinanggap ang regalo. Dali-dali kong kinuha ang mga chocolates na nasa plastic at binigay iyon kay Chiclana. Natawa siya. "Thanks, Chic! Happy New Year!"

"Wow, Chic! Pahingi nga isa lang!" ani ng kaklase naming lalake kaya pinapapili siya ni Chic. Biro lang iyong sinabi ng kaklase namin ngunit nagulat siya nang bibigyan talaga siya ni Chic. Natawa na lang ako.

Nanliit ang mga mata niya. "Hmm... may something..."

Kinabahan ako at kumunot naman ang noo ko. "Ano..."

"Kayo na ni Pere, 'no?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mabuti na lang ang iba kong kaklase ay hindi lumingon sa pwesto namin dahil panigurado namang hindi nila kilala si Pere!

"P-papaano... mo nalaman...?" Napakamot ako sa aking batok.

"Sinabi ni Livi..."

"Huh?" gulat kong bigkas. Nagulat ako dahil... nag-uusap silang dalawa? Nag-uusap na? O... nag-uusap pa?

Ang gulo! "Wait... akala ko ba ayaw mo kay Livi?" Naguguluhan na ang boses ko. Kinuha ko ang dalawang Yakult sa bag at binigay sa kaniya ang isa.

Kumunot ang noo niya nang kumagat siya sa kaniyang chocolate. "Wala akong sinabing ganyan."

North CloudsWhere stories live. Discover now