Chapter 01

13 0 0
                                    

01. Interest


A month had passed when that unexpectedly moment of me happened. I'm not gonna lie if I tell you I was worried──a little. I guess, he could go somewhere else by himself. That's what I thought. And that was the day I realized how idiot I was, I am.


Chic dragged me outside our school. Kinakabahan ako minsan dahil sa likod ng school namin ay may hotel, kung saan roon naka-check-in si Pere──o nag-check-in. Kaya every lunch, halos hindi na ako lumalabas ng school baka kasi bigla na lang siya mapadaan sa school namin! He didn't even know where I was studying.

"Kunin mo na 'yun!" Chic hissed at me. Nasa mini garden kami sa labas ng school kung saan ko tinago sa lupa ang phone. She wanted me to call that cat!


"Eren, 'wag mong sayangin ang chance. Kung ayaw mo, sabihin mo lang kasi ako na kukuha ng chance!" sabi pa niya at nagsimulang hanapin ang phone ko.


Bago pa kami mahuli ng guard dahil sa pag-ukay niya sa lupa, kinuha ko na kung saan ko itinago. Chic rolled her eyes then she stood up from sitting on the ground.

I turned on my phone. I didn't know why I feel nervous. Hindi pa naman low battery──my mouth dropped when I saw how many missed calls it popped my notifications.
‎ ‎

Ramdam ko ang pagtabi sa'kin ni Chic at napasinghap siya nang silipin ang phone ko. Her mouth went o. "Fudge. That's so many! Grabe ka, Mairen Elio!"


"Shh!"


"I told you! Baka nag-aalala 'yun sa'yo! 60 plus missed calls pa naman sa isang buwan!" Chic almost shouted.

Biglang nag-init ang pisngi ko. More than 60 missed calls?


What the fudge, pusang gala?


At ano ang kailangan niya sa'kin? Marami rin siyang messages, eh! May mga araw kaya na kailangan niya talaga ako?

‎ ‎
May konsensya pa ako, pusang gala, please lang.


"Eren, 'yan ang para sa'yo. I swear," basag ni Chic sa pag-iisip ko.


"He waited!" kinikilig niyang bulong saka inagaw ang phone ko.


"Look, oh, may unread messages pa yesterday. Kinakamusta ka... let me read it."


"'Hi, Ren.' Ang isa... 'Buhay ka pa ba? Hahahah!'" Malakas na natawa si Chic sabay sampal ng balikat ko.


I was so shock, to be honest. It weirded me out like he was my boyfriend and I ghosted him for a month. I smirked.


"Let me text him." I grabbed my phone and type to respond his text from yesterday. Iniwas ko ang tingin sa phone.


"Ano tinext mo? Tingin nga." Kinuha ni Chic ang selpon ko at tiningnan niya.


Her mouth went o, again. "Gaga ka talaga!" She laughed. "Bakit mo tinext 'patay na'?!"


Sumeryoso ang mukha niya bigla. "Na-read." Tumingin siya sa akin. Ang bilis naman?


Kaagad niyang ibinalik ang tingin sa phone ko nang tumunog ito. She went pale. "Uy! Tumawag! Tumatawag! Eren! OMG talaga! Tumatawag siya!"


Shit? Kinakabahan na naman ako! Natataranta kong tinanggap ang phone nang nilahad ito sa'kin ni Chic. Tumakbo siya papuntang pader at sinampal ito paulit-ulit. People were looking at her!


Should I answer?


Of course, idiot!


I went pale. I sighed and answered the call.

North CloudsWhere stories live. Discover now