Chapter 14

7 0 0
                                    

14. Forgive

I sighed before going out the room with my towel and dress that I'm going to wear.

Parang gusto kong magback-out dahil sa mga sinabi ko kay papa kagabi. Ang bigat pa rin sa dibdib pero nasabi ko na. Nangyari na. Wala na akong magagawa roon.

Napalunok ako ng makita si papang nakaupo sa solong sofa at nakatutok ang atensyon sa selpon niyang mataas ang brightness.

Nang nilingon niya ako ay umiwas ako ng tingin.

Ni hindi man lang ako bumati...

Nadatnan ko si mama sa kusina na nagluluto ng ham. Iyon pala ang amoy kanina sa kwarto. Napatingin ako sa lamesa, may mga ulam na at desserts.

Nang napabaling sa akin si mama ay nginitian niya ako.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid. "Merry Christmas, ma..."

"Merry Christmas, Ren." Lumapit siya sa'kin at hinalikan ang noo ko.

Napatingin ako sa kaniya nang umatras siya.

"Hindi mo babatiin ang papa mo?"

"Mamaya na po..."

Tumango siya kaya tumango na lang din ako.

Naalala ko naman ang kwento ni papa tungkol mama. Eh si tita Mair kaya nasaan? Galit pa rin ba si mama sa kanya?

"May kailangan ka?" mama asked softly.

Halos tumaas ang kilay ko dahil sa tono ng pananalita ni mama. Maybe because today is giving day.

Giving? Ano ang ibibigay mo?

Umiling ako at lumabas sa likod. Kaagad akong naligo at inalis na sa isipan ang mga bagay na masakit sa puso.

Pagpasok ko ulit galing kusina ay tapos na sa pagluluto si mama. Nakangiti siya habang kinukuhanan ng litrato ang mga pagkain.

Napatingin ako sa hawak niyang camera. Kumunot ang noo ko sa nakita.

Nakangiting nilingon ako ni mama.

Don't tell me...

"Ngayong Pasko'y pag-ibig, ang kailangan ng daigdig!"

Napaigtad ako sa kantang pinatugtog ni Ena sa aking likuran kaya nailibot ko ang mga mata at umatras dahil sa lakas ng tugtog galing sa phone niya.

"Kay ganda ng lahat, if we will just love!" She sang with the song.

Napailing ako at pumunta papuntang kwarto. Ramdam kong sinundan niya ako kaya napailing na lang ako.

Bago ko pa hawakan ang doorknob ay bigla niyang inalis ang tuwalya sa aking buhok. Napaatras ako dahil sa ginawa niya. Ang gaga!

Inis ko siyang nilingon at hindi maipinta ang mukha ko. Ang sakit lang kasi!

"Merry Christmas!" she said happily.

"Merry Christmas..."

May nilahad siya saking red packet kaya napatingin naman ako roon. I scoffed after realizing that she's the first one who gave me a gift.

"Pamasko ko at pambawi. Ayan, I don't exactly know what your likes are... Sa susunod, sabihan mo ako. I don't like gifting money."

Tumango ako at kinuha ang packet. "Thanks."

"Kararating ko lang kaninang umaga. I supposed to surprise you three but you were sleeping. Something happened, huh?"

Kumunot ang noo ko. Akala ko... alam na niya. Chismosa si Ena kaya dapat kung may nakalap na chismis si mama, tatanungin niya ito.

North CloudsWhere stories live. Discover now