Chapter 17

7 0 0
                                    

17. Attitude

As soon as Pere opened their small gate, my heart raced upon seeing a beautiful woman in mid-40s standing beside the big plant and waiting... and gaze diverted at our direction.

"Mom!" Nakangiting si Pere nang lumapit kami. Napangiti ako sa ekspresyon ng mukha niya. Masasabi ko talaga kung gaano niya kamahal ang Mom niya. Lalo na kapag kinukwento niya ang pamilya niya sa'kin.

Napalunok ako nang tiningnan ako ng Mom niya mula ulo hanggang paa. Wala akong nakikitang insulto o pandidiri sa titig. Bagkus, nakikita ko ang tuwa sa kaniyang mga mata.

"Good evening po..."

"Good evening! Ikaw na ba si Mairena?" Parang nakakita ng mga bituin ang Mom niya ng malapitan.

Nagulat ako sa tanong niya. Eh?

"Mi..." tawag ni Pere kaya napatingin ako sa kaniya.

Parang masasanay na akong Mairena ang pangalan na gagamitin kong pagpapakilala... Umiling ako.

"Huh?" ani ng Mom ni Pere.

Ay. "Hala, wala po... ako nga po si Mairena, hehe... Ren na lang po. Nice to meet you po." nahihiyang sabi ko.

Ngumiti nang malawak ang Mom niya. She looked formal. Pareho lang kaming naka-ponytail ngunit mas maayos tingnan dahil straight ang buhok niya. Maputi rin at... kamukhang-kamukha ni Pere. Carbon copy si Pere!

"Nice to meet you, too, Ren! I'm Polly, Pere's Mom. Tita Polly or Tita na lang ha?" masayang bigkas ni tita. Hindi ko alam bakit kinilig ako.

Napatingin ako bigla nang may kumalabog na pinggan sa loob at parang nabasag ang glass. Bukas ang malaking pintuan ng bahay kaya kita ko ang loob ng bahay nila. Nakikita ko agad ang malaking sofa at ang malaking Christmas tree sa gilid na maraming mga regalo sa sahig. May mga taong kumakain habang naglalakad at ni wala akong nakitang mga batang naglalaro.

"You look so beautiful tonight, Ren." biglang pag-compliment sa'kin ni tita kaya nabalik ko ang tingin ko sa kaniya.

I felt my cheeks heated. "Thank you po. Kayo rin po. Ang ganda niyo sa inyong dress..." She was wearing a light pink dress. Bagay naman sa kulay ng balat niya.

"Thank you!" she replied sincerely.

Ramdam ko ang paghawak sa'kin ni Pere sa kaliwang siko ko. Napatingin doon si tita at ngumiti saka inangat ang tingin sa amin.

"Pwede na kayong maghapunan! Don't mind the extended family kung iyon ang kinakabahan mo o amo man iyon. Malamang na nakita ka nila kaya hindi na sila magtataka kung may papasok sa bahay namin na hindi nila kilala kasi kilala ko naman kayo." Ang sweet ngiti niya, parang si Pere...

Tita chuckled. "Sanay na kasi silang may iniimbita ako kaya wala naman na silang pakialam ro'n. You can just both greet them when you go inside."

"Okay po. Thank you po." I said when I felt someone behind. "Ay, mama ko nga po pala."

Tita turned her head behind me so Pere pushed me gently beside so my mother could walk towards his Mom.

My mother suddenly bowed down 90 degrees that made my jaw dropped. Gusto ko biglang awatin (awayin) si mama ngunit nangyari na, Pere's Mom seemed confuse! Nakakunot na ang noo ngayon.

Nagsalita ng kung anong lengguwahe si mama kaya mas lalo lang akong nagulat at nainis. Kahit nahihiya ako'y lumapit ako kay tita Polly. Kinagat ko ang dila sabay sabing, "Uhmm, Tita Polly?"

"Yes, Ren?"

"Sorry talaga s-sa mama ko k-kasi... uhmm, ano─she worked outside this country for years before. She found it cool and did it. Sa inyo niya po yun ginawa ulit kaya p-pasenya na po on my behalf."

North CloudsOnde histórias criam vida. Descubra agora