One

5 1 0
                                    

"Why don't you just listen to me even for once, Celeste?!"


"Listen? Why would I listen to you when the only thing that you do is to dictate me on what should I do with my own life?!"


"That is for your own sake! I'm just doing this for your own good, do you think I'm doing this for myself? This isn't for me, this is for you!"


"Why don't you try to mind your own business and let me handle my own fucking life! I'm old enough to handle myself and I'm capable of deciding on what things I want to do! And mostly, don't act like my mom because you're not my mom and you will never be!"


*/Slaps


"You are a disgrace to this family! We shouldn't have looked for you in the first place if we just know that the only thing that you're gonna do to our name is to ruin it!"


She slammed the door on her way out and it made a loud bang sound that ringed in my ear for few minues.


I woke up and found myself staring at our ceiling.


Ano yun? Bakit ako laging nagkakaroon ng ganoong panaginip? Lagi na lang ganon ang napapaginipan ko nitong mga nakaraang araw at ang nakakapagtaka eh akong ako yung nasa panaginip pero mas matandang version.


"Maria? Gising na, anak. Anong oras na oh, malelate ka na niyan, sige!"


Tumayo na ko at tiningnan ang oras. Ilang minuto na lang pala ay ala-singko na ng umaga, ala-sais ang start ng class ko at babyahe pa ko. Kailangan ko na kumilos nang mabilis.


Naligo lang ako at pumunta na sa kusina, nandoon si Mama na naghahanda ng aalmusalin kong gatas at mga babaunin kong pagkain.


"Ano gusto mong almusal? Bibilhan kita dyan kila Aling Remy." Sabi ni mama habang naghahanap ng mga barya sa bag niya.


"Wag na, ma. Bibili na lang po ako sa school." Sagot ko naman habang nagsusuklay sa harap ng salamin.


"Hindi kita papaalisin nang walang laman ang tyan. Kung ayaw mong mag-almusal ay wag ka na rin pumasok." Sabi niya na may konting pagbabanta ang tono.


"Pancit na lang po." Yun na lang ang naisagot ko kasi wala rin naman akong laban sa kanya.


Inayos ko na yung mga gamit ko sa bag at nilagay ko na rin yung biscuit ko at tubig na inihanda ni mama kanina pa habang naliligo ako.


Habang hinihintay ko siyang makabalik ay inuumpisahan ko na inumin yung gatas. Ilang sandali rin naman ay nakabalik na si mama kasama yung pancit na binili niya sakin.


Kumain ako nang konti at tinirahan ko si mama ng aalmusalin naman niya para di na siya gumastos pa. After ko mag-asikaso ay nagmamadali na rin akong umalis kasi mahirap sumakay papunta sa school namin, dalawang sakay pa ako at madaming estudyante rin ang papasok kaya agawan talaga lagi.

The story of this girlWhere stories live. Discover now