KMC Plot Teaser

2.7K 57 5
                                    

This particular scene in my head started it all...

====================


"Ano kaya ang pakiramdam ng isang halik?"

"Minamanyak mo kaming lahat every first day of classes tapos tinatanong mo 'yan?"

"Grabe ka naman sa akin, kuya! Kung makamanyak ka naman diyan! Parang simpleng greeting lang, eh."

"Really? You call what you do a greeting?"

"Oo! Beso-beso."

"Beso-beso ba 'yon eh may laway."

"Bwisit ka!"

...kurot..

"Aray! Masakit ha!"

"Nakakasakit ka rin ng damdamin!"

"Ganyan talaga ang katotohanan. Minsan masakit."

"Hinayupak!"

...sapak..

"Oi ha, nakakadalawa ka na sa akin. Papatulan na talaga kita."

...Titig ng masama habang hinihimas ang nasaktang ulo...

...Malalim na buntong-hininga at tumitig sa kaharap na may kakaibang kinang sa mga mata...

"O, ano na naman at ganyan ka makatingin sa akin?"

"'Di ba magkaibigan tayo?"

"Sino may sabi?"

"Hoy, lalaki! Kung gusto mo pang ilakad kita kay _____ ayos-ayusin mong inaasal mo sa akin ha. Saksakin kita diyan, makita mo."

"Wow naman. Kung makapagbanta akala mo naman ang laking tao."

"Para sa kaalaman mo, walang malaking nakakapuwing."

"Ang dami mo talagang alam. O, ano na?"

"Puwede favor?"

"Mangongopya ka na naman ng assignment ko sa math?"

"Tse! Excuse me noh, may assignment na ako."

"Galing. Nauto mo na naman si Theo."

"At least 'yon wala nang maraming satsat. Binibigay na agad ang notebook sa akin. Hindi katulad ng iba diyan na magpapakopya rin naman sa huli nanenermon pa muna."

"Paano ka nga uli naging scholar dito?"

"Kapag namaster ko nga 'yang math na 'yan who you ka sa akin!"

"Alam ba ng accountant mong tatay na bobo ka sa numero?"

"Kung makabobo naman 'to! Alam ba ng elitista mong nanay na wala kang modo?"

"Mom is not an elitist."

"I know. Sorry."

"Sorry, too. You'll master math soon."

"I know. Between you and Theo, I can do nothing less."

"Yeah. So anong favor kung hindi tungkol sa math?"

"Can I kiss you?"

... Natigilan...

"Matagal nang tapos ang first day of class. Intrams Week na nga eh. Bakit ka pa manghahalik?"

"Hindi ganoong halik ang ibig kong sabihin. 'Yong sa lips."

... Natahimik. Naghihintay na magsabing joke lang. Hindi niya sinabi...

"Naubos mo na ang allowance mo for the week at nalipasan ka ng gutom? Wala ka na namang tulog kaka-Harry Potter mo at nahanginan 'yang utak mo? Are you fucking insane?!"

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon