53. A Keeper's Throe

57.4K 2.1K 83
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 53- A Keepers Throe

LARA

Nakagapos ako. Nangangagat sa sakit ang mga tanikala sa aking mga paa at kamay. Sinubukan kong lunukin ang likido sa aking bibig para maibsan ang panunuyo ng aking lalamunan. Hindi ko halos maigalaw ang aking ulo dahil sa nakapalibot na bakal sa aking leeg na nakadugtong sa isang malaking bakal na hugis tatsulok sa aking likuran.

Nasa harap ako ng mga tenebris na nakasuot ng itim na mantong nagkukubli sa kanilang mga mukha. Nakapalibot ang mga ito sa gitna ng isang pentagram na dinadaanan ng nag-aapoy na likido na nagsisilbing guhit ng pabilog na simbulo ng itim na kapangyarihan.

Walang salitang namutawi sa aking bibig. Ang huling tanda ko'y nasa loob ako ng kwarto ni Cael noon at tahimik kaming kumakain sa isang pabilog na lamesang gawa sa marmol. Nilagyan niya ng inumin ang gintong kopitang nasa aking harapan. Hindi ako tumanggi at nilagok ko ang laman ng kopitang 'yon. Yon ang huling bagay na natatandaan ko bago ako niyakap ng dilim at nawalan ng ulirat.

Nanaghoy ako at sinubukan kong sumigaw pero hindi nagawang bumuo ng tinig at salita ang aking bibig. Nagpumiglas ako at gumawa ng ingay ang pagwasiwas ng aking mga braso sa kadenang bakal na nakapulupot saakin. Hindi naman natinag ang mga nakamantong nilalang na animo'y taimtim na nagdarasal sa namumuong enerhiyang nasa loob ng pentagram.

"Urgggh!" Sa wakas ay nakapagsalita ako. Tila nagkaroon ng kalayaan ang aking diwa nang marinig ko ang aking boses. Hindi ako makakapayag na magtagumpay kayo sa inyong balak! Hinding hindi.

Nag-uumapoy ang aking dugo. Pinilit kong pakawalan ang naghuhumindik na init sa aking katawan. Napasigaw pa ako nang maramdaman kong pumalibot saakin ang isang asul na apoy. Mas malakas. Mas makapangyarihan kaysa sa normal na apoy na lumalabas sa aking mga kamay. Nararamdaman ko ang init ng apoy na kumakalas mula sa iba't ibang bahagi ng aking katawan pero hindi ko nararamdamang napapaso ako. Tila tinatanggap ng aking katawan ang init nang hindi ako nasasaktan.

Sa paglakas ng aking sigaw ay mabilis ding bumulusok ang asul na apoy sa aking paligid. Tinangka kong magpalabas pa ng apoy hanggang sa malusaw ang metal na pumipigil sa aking mga braso at binti para makawala pero sadyang matibay ang metal na pumipigil saaking makakilos. Nanggigil ako. Animo'y isa akong nagwawalang dragon sa rehas.

Sa gitna ng pagpapalabas ko ng nakakagimbal na apoy ay hindi parin natinag ang mga nilalang sa itim na manto. Mistulan silang mga estatwang nakapaalibot sa pentagram sa aking harapan -walang imik at halos hindi gumagalaw. Mukhang mahalaga sa kanila ang ginagawang ritwal. Hindi nila ako marinig. Isa akong pipi at hangin sa kanilang paningin.

Sa kagustuhan kong kumawala, tinawag ko ang baluti ng mystic earth wolf. Mabilis ko iyong nagawa. Nakaramdam ako ng karagdagang lakas kaya sinubukan kong hilain ang bakal na kadena mula sa pagkakadikit nito sa trianggulong simbulo ng mga tenebris. Nanggigil ako kasabay ng nag-uumapaw na sigaw ng magkahalong kirot at galit na nararamdaman ko. Hindi natinag ang mga tenebris at tila walang naririnig sa mga oras na 'yon. Lalong lumakas ang asul na apoy na nakabalot sa aking katawan.

Tapos na ang mga araw na isa akong mahinang babaeng pinagsamantalahan at minaliit ng mga katulad niyo! Hindi ko hahayaan saktan niyo ang kapatid ko at si Laurent pati ng aking mga kaibigan!

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon