Chapter 5

26 9 0
                                    

Ten minutes have passed since I went back to my room. It feels good to be outside after 2 years I must say. On the other hand, my interaction with Jia does not end well.

I put my headphones on and with the full blast volume, I stay quiet lying in my bed. I closed my eyes and tears started falling.

"Fuck!" I immediately wipe my face dry. Nandito na naman yung lungkot na matagal tagal na din nung huli akong dinalaw. Siguro kung hindi nawalan ng malay si Jia kahapon ay hindi babalik itong lungkot at takot na nararamdaman ko ngayon.

I remember the day my parents died. I couldn't do anything to save them. I wasn't able to attend their funeral to bid my goodbye.

I'm 29 and I feel that I am lost. I don't know what to do with my life. My dreams are burried together with my parents. I know it's my fault even Tammy won't admit it.

Ganon nalang din ang gulat ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Nagtama ang mata namin ni Jia. Her eyes shows different emotions all at the same time. I can see her fear, sadness, relieved and pity.

"Sir Lucio-"

Agad kong tinanggal akong headphones ko. "What did I tell you about knocking, Jia?!"

Parang hindi nito narinig ang tanong ko. Agad syang lumapit sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinabig ko ang kamay nya ng subukan nya kong hawakan.

"P-pasensya na sir. Kanina pa ako kumakatok pero walang sumasagot. Nag alala ako ng sobra."

Humahangos din na pumasok si Manang Ester sa kwarto ko kasama si Ruby.

"Lucio, ayos ka lang ba? Kanina ka pa namin tinatawag."

"Why are you all worried?! Do you think I'm insane?!" Sigaw ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon nalang sila mag alala. Dahil ba sa nangyari noon? Do they think I'm a hopeless case?

"You all need to leave!"

Walang gumalaw ni isa sa kanila kaya naman sumigaw ako. "Get out!" Agad namang lumabas sila Manang Ester at Ruby at naiwan si Jia sa loob ng kwarto ko.

"Ikaw? Do you really want to test me huh? I said get the fuck out!"

Hindi pa din sya gumagalaw sa kinatatayuan nya. She inhaled deeply before saying her words while looking straight to my face.

"Nag alala lang kami sayo, sir Lucio. Wala kaming masamang intensyon sa pag bubukas ng kwarto mo. Kaya ako umakyat dito ay para humingi ng dispensa sa inasal ko kanina." Tumungo ito at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. "Alam ko hong galit ka pero hindi mo naman kailangan sigawan ang mga tao sa paligid mo lalo na at concern lang sila sayo." Nagkibit balikat ito at naiiling. "Atleast we all know that you're gonna be okay. Mag pasalamat ka pa nga at mahal ka ng mga tao dito sa bahay na to kahit ganyan mo sila pakitunguhan."

Lumabas ito ng kwarto nya at hindi na sya nilingon ulit.

Tammy is rushing home after he learned that his brother locked himself again in his room. Nag aantay sya ng tawag mula sa mansyon pero hanggang ngayon ay wala pa din.

He tried calling Jia.

"Hello?"

Jia! Thanked goodness!"

"Sir Tammy, pasensya na at napag alala ka namin. Okay naman ho si sir Lucio."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko iyon.

"Good. But, I'm already on my way home."

"Sige ho."

I immediately called sharksfin after.

"Hi."

"I'm on my way home, fin. Are you okay?"

"Yeah."

"That's good to hear. I'll you see you at home."

"Manang Ester, pasensya na ho kayo at napagalitan pa kayo dahil sakin."

Habang umiinom ng kape, agad namang hinawakan ng matanda ang kamay nya. "Wala iyon ano ka ba."

Ngumiti naman si Jia sa matanda. "Mukha namang okay na sya, manang. Hindi na nga sya kailangan pang bantayan."

"Si sir Tammy lang ang makakapag desisyon nyan."

Saturday morning and I'm preparing to go home and visit my ate. Mag dadala din ako ng mga pasalubong para sa pamangkin ko. Nang lumabas ako sa kwarto ko agad kong nakita sa kusina si sir Tammy.

"Oh, Jia. Kumain ka muna bago umalis."

"Nako. Salamat ho sir Tammy. Sa dorm nalang ho siguro. Nag kape naman ako kanina."

"Oo nga pala, I really appreciate how you are worried about Lucio. Bukod sa ikaw ang pinaka matagal na naging personal maid nya, ikaw lang din ang nag lakas ng loob sumagot sagot sakanya." Natatawang sabi nito habang tumitikim sa luto ni ate Fe.

"Walang anuman ho. Yun naman ho ang trabaho ng babysitter. Ang mag alala, mangatwiran at dumisiplina" Naiiling na sagot ko.

"What's for breakfast?"

"Fin! I'm happy that finally I won't bring food to your room anymore. It's good to see you roam around the house again."

"Mabuti naman at gising ka na sir Lucio, kumain ka na. Nag luto ako ng tapsilog." Sagot naman ni ate Fe.

"Mauuna na ko mga sir, ate Fe. Monday after class na ang balik ko."

Dere-derecho akong lumabas ng bahay at ni wala akong nilingon kahit isa sa kanila. Halos tatlong araw na din ang nakakaraan nung nangyare yung pag sigaw saamin nung alaga ko. Pa minsan minsan ay nagtatanguan lang kaming dalawa lalo't nagkakasalubong kami sa baba. Hindi na din ako pumapasok sa kwarto nya. Don ako nag lalagi sa study table sa second floor kung saan makikita ko si sir lucio kung lalabas ito ng kwarto nya.

Buo na din naman ang desisyon ko. Hihintayin ko lang manganak ang ate at aalis na din ako sa pagiging stay-in maid. May naipon naman na ako at may ibinigay sakin na bonus si sir Tammy. Malaking tulong na din iyon para sa pag aaral ko.

Nang makarating ako sa dorm nag pahinga lang ako at nagsimula na akong mag laba ng mga damit. Pagkatapos ay agad akong umalis at pumunta sa supermarket para mag dala ng pagkain at ilang grocery supply para kay ate. Mamimili din ako ng gamit ng baby para sa magiging anak nito.

"Jia?"

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at ganon nalang ang gulat ko ng makita kung sino ito.

"Kayo pala sir Lucio."

"Yeah. What are you doing here?"

"Mamimili ho ng grocery at baby supply para sa kapatid ko." Sinilip silip ko ang likod nya.  "Sinong kasama mo?"

"Just me. I want to run errands and buy something I can cook."

"Ganon ba? Osya sige ho. Mauuna na ko."

Nang tumalikod ako sakanya, ay hinawakan nya ang braso ko. "Do you mind if I come along?"

"H-ha? No sir. Sige. Sasamahan kita hanggang sa cashier."

"I mean, I want to come along wherever you are going. Ang tagal na din kasi simula ng maka alis ako mag isa. Tour me."

"Tour sa bahay ng ate ko? Okay ka lang?"

"Why not?"

"Ikaw ang bahala. Tamang tama at madami akong dadalhin. Tulungan mo ko mag buhat. Mukhang madami ka namang oras."

For the first time, he smiles. A genuine smile. Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil hindi pa din ako makapaniwala. Nilalagnat ba 'tong alaga ko? Mukha namang okay sya.

"After you."

10 years older than herWhere stories live. Discover now