Chapter 1

102 15 1
                                    

"Ms. Samonte!"

Grabe yung pagod ko simula nung naging working student ako. Hanggang sa panaginip ba naman naririnig ko si ma'am. Siguro kung nandito lang si tatang baka binatukan na ko non dahil inaabuso ko ang katawan ko sa pagod at puyat.

"Jia, I'm warning you. Wake up!"

Nararamdaman kong may tumatapik saakin at ang mahinang tawanan sa paligid ko. Nananaginip pa din ba ako?

"Ano b-"

Laking gulat ko ng mag salubong ang mata namin ni Mrs. Delos Reyes. Hindi pala ako komportableng natutulog sa kama ko. Nasa school ako ngayon at second subject pa lang ito. Habang palakas ng palakas ang tawanan ng mga kaklase ko, mabilis akong umayos ng upo at mahinang sinampal sampal ang mukha ko para piliting gumising.

"Ma'am, sorry po talaga. Hindi ko namalayan na nakatulog ako."

"Tumayo ka muna sa likod para hindi ka antukin, Jia. Stay after my class so we can talk." Lumakad na si Mrs. Delos Reyes pabalik sa harapan at nag simula na syang mag discuss.

Pumunta ako sa likod dala ang notebook ko at tumayo lang ako sa buong duration ng klase. Nang mag ring ang bell para sa dismissal, hinintay ko munang makalabas ang mga kaklase ko bago ako bumalik sa upuan at inantay ko na tawagin ako ng teacher ko.

"Jia."

"Ma'am, pasensya na talaga. Hindi na po mauulit na makatulog ako sa klase nyo."

Lumambot ang expression ng mukha ni Mrs. Delos Reyes sabay buntong hininga. "Sabi ko naman sayo hindi mo kailangan mag trabaho. Kaya naman kitang paaralin, bunso."

"Ate naman. Ayokong maging burden pa sayo lalo pa at manganganak ka na. Alam mong hindi ko kaya na mabawasan ang ipon nyo para sa pamangkin ko dahil lang susuportahan mo ang pag aaral ko." Oo nga pala. Kapatid ko si Mrs. Delos Reyes.

"Hindi matutuwa si tatang at mamang na makita kang nagkakaganyan. Tignan mo ang itsura mo. Pumapayat ka at lumalaki ang eyebags mo. Napapabayaan mo na ang sarili mo."

Agad kong hinawakan ang kamay ng ate ko. "Salamat sa pag aalala mo, ate. Kaya ko ang sarili ko. Kung sakali na mahirapan na ako, alam mong sayo ako lalapit. Sa ngayon na kayang kaya ko pa, mag tiwala ka muna saakin." Lumabas na ko sa classroom para pumunta sa canteen at umuwi na sa dorm.

Buti nalang talaga at 4 hours lang ang klase ko ngayong araw. Off ko din sa trabaho kaya naman makakapahinga at makakatulog ako. Masisimulan ko na din ang raket ko na kailangan ko matapos para sa lunes dahil valentines day. Madami akong pa order na cookies at crochet boquet.

Habang pauwi ako galing sa school dumaan ako sa convenience store at school supply para bumili ng mga kailangan ko. May nakita akong poster while checking out sa counter.

Nag hahanap ng stay in maid 5 days a week. "Gagi! Ang laki ng sahod." Napakurap kurap pa ako pero kaagad kong pinicturan yung poster at umalis.

"Tawagan ko ba?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahiga. "Eh paano kung scam?" Para naman akong baliw dito. Nag sasalita na naman ako mag isa. Sabi ko matutulog ako agad pag dating sa bahay eh. "Tawagan ko nalang mamaya pag gising ko. Too good to be true ang offer pero kailangan ko talaga ng pera."

Alas kwatro ng hapon ng magising ako. Ang una kong ginawa e tawagan ang number sa poster para mag apply.

"Montero's residence. Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Hi. Mag aapply po sana ako bilang stay in maid."

"Very well. I'll text you my email address so you could forward your cv to me within the day. Bye."

Hindi na ko nakasagot dahil namatay na yung tawag. Ang bilis naman kausap non. Grabe yung kasambahay nila na sumasagot ng tawag ha. English makipag usap. Mapapalaban ata ako nito.

Nang matanggap ko ang text kung saan ko isesend ang resume ko, agad kong inayos ang ipapasa kong attachment. Naging honest din ako sa pag aapply dahil dineclare kong employed ako part time sa school at student ako.

After 2 hours of waiting may nareceive akong text.

"Please drop by to our office today at 8pm for your interview."

Chineck ko ang address at malapit lang naman ito sa dorm. Hindi pa din ako makapaniwala na mabilisang applyan pala ito.

 Hindi pa din ako makapaniwala na mabilisang applyan pala ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
10 years older than herWhere stories live. Discover now