CHAPTER 42

4 0 0
                                    

In the quiet embrace of my bed, Vin's arms cradle me like a familiar pillow, his warmth weaving through my blanket, and the serenity of his calm breathing becomes the solitude that envelops my restless soul. Ngumiti ako at niyakap ang kahubaran niya. He's not really completely naked, hinubad niya lang ang suot niya kagabi na long sleeve polo.

Wala pa talaga akong balak gumising pero malakas na kalampag sa kwarto ko ang nagpamulat ng mga mata ko. It was then followed by my brother's voice, cusses precisely.

"Vin! Lumabas ka diyan! Fuck you!" Nanlalaki ang mga mata kong bumangon. Ganun din si Vin na namumula pa ang mga mata.

"Si kuya!" I exclaimed in a hushed yet fervent whisper.

"So?"

"Anong so?" Masama ko siyang tiningnan na mukhang wala pakialam samantalang ako ay nakatayo na sa gilid ng kama. "Bumangon kana diyan! Suotin mo na 'to!"

Tinapon ko sa kanya ang damit niya kagabi. I gave him one last warning glare when he didn't move. Huminga siya bago tumayo. Kuya is still banging the door. I shouted.

"Kuya! We're coming!"

"Open this door!"

Malalaki ang hakbang kong lumapit sa pintuan at nilingon muna si Vin. Nang masigurong nakabihis na siya ay tsaka ko binuksan ang pintuan. Kuya is fuming mad and he immediately walked in and came closer to Vin.

"Kuya!" I shouted when his fist landed on Vin's face. Kalmado lang ang mukha ni Vin sa kabila ng bagyo sa mga mata ni kuya. Gosh!

"Isang gabi lang akong nawala, nasa kwarto kana ng kapatid ko?"

"We are just sleeping, Attorney."

"Sleeping? Bakit dito ka natutulog?"

That's when Saicy came in. She looked stressed as she went to kuya.

"Kyce, it was raining hard last night kaya hindi ko na pinauwi si Vin. She even cooked for our dinner." Hinawakan niya sa braso si kuya at pilit hinila palayo kay Vin. But my brother pulled his arms away. Isang hakbang na napaatras si Saicy. Napalunok ako nang makita ang sakit sa mukha niya.

"So, you're siding him?" Kuya asked before facing Vin again. "My sister hasn't fully regained her memories! Are you taking advantage of it, huh? Kapag nakaalala na siya, sigurado ka bang tatabihan ka pa niya?"

"Kyce!" Saicy shouted.

"Stay the fuck away from this, Sai!" Kuya's voice thundered. Malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanila at hinawakan si Saicy sa braso at hinila siya sa likuran ko.

"Stop shouting kuya. Stop shouting at your wife." I equalled the intensity of anger in his eyes. I know he's worried about me but I just can't stand watching him treating his wife this way.

"Hindi na ako bata!" I shouted, too. "God! A few more years and I'm 30! Let me have my life, kuya."

"You don't understand. Ayoko lang na gumawa ka ng maling desisyon sa estado ng mga ala-ala mo ngayon."

"Vin is not a wrong decision!"

"Fuck! Ano bang ginawa mo sa kanya Fuego?! I trusted you that you could help her while I'm busy. Akala ko napag-usapan na natin na tutulungan mo lang siya? We had a deal! Only help her! Bakit nandito kana sa kwarto niya?!"

Akmang susuntukin niya na naman si Vin nang mabilis na nakahakbang si Saicy at hinila siya. To our shock, Kuya shoved her away. Maybe out of anger. Pero huli na. Saicy is already on the floor, whimpering in pain while holding her tummy. Nanlaki ang mga mata ko. Memories flashed in my head.

Until Forgotten (Jsavch Legacy #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant