26. What Happened?

46 1 0
                                    

Chapter 26: What Happened?

Prism

At that very moment, she didn't answer my question, sa halip ay nagkatitigan lang kami nang matagal gamit ang lumuluha niyang mata at saka walang ibinigay na salitang iniwan akong mag-isa rito. Naiwan sa ere ang tanong ko but I don't want to force her to answer me, I could read it through her eyes.

She likes me.

Sana tama ako ng nabasa.

She likes me but it's complicated, that's why she can't admit it straight to me.

That's exactly what I really saw, actually.

I went back to the room.

I let Ayara to have the space she asked for. Maybe that also what I need, mag-isip-isip muna dahil sa pangyayaring hindi namin pareho ginusto. I didn't expect that things would go that far. That wasn't part of this vacation. Napasandal na lang ako sa likuran ng pintuan at madiing napa-facepalm dahil sa frustration at pagiging dismayado sa sarili. I know to myself, I'm better than this. I know my limits. I should've stayed outside.

I cursed myself.

Napahawak ako sa ulo ko. "Sh*t. Badtrip. What were you thinking, Prism?!" para akong siraulong kinakausap ang sarili mag-isa. Ngayon ko lang napagtanto talaga na hindi tama 'yong ginawa namin. It's a wrong move. Paano kung hindi niya naagapan 'yon? Mas malala pa 'yong maaaring mangyari since I can't resist myself for some reason at that moment. "How stupid can you be? Hindi ka ganyan. You're not insane. You know what's wrong and right. Alam mo ring may boyfriend 'yong tao, yet, you still kissed her. Ginawa mo ba talaga 'yon? Ang gag* mo!" pagle-lecture ko sa sarili ko.

But she initiated to kiss me, though.

Panay ako sa pagbugtong-hininga. Hindi ko alam kung paano siya haharapin mamaya. My heart thumping in nervousness. Hindi ko talaga sukat malaman kung bakit hindi ko manlang na-control 'yong sarili ko. Bumigay na lang ako. Para akong nakulong sa halik na iyon.

Nahagip ng paningin ko 'yong iniwan ni Ayara na bote ng alak, nanghihikayat ito kung kaya't akin itong dinampot. Without a second thought and despite of the taste of it, isang tunggaan kong inubos ang natitira. Because of everything that's going on, I really thought I was just dreaming.

Hell. Hindi talaga masarap ang lasa ng alak! Napaubo-ubo ulit ako.

Even so, nadaanan man ng alak ang labi ko, nararamdam ko pa rin dito ang malambot na labi ni Ayara.

I made my way towards the bathroom to take a shower and to cool down myself. Hindi pa rin siya nabalik pagkalabas ko. Sa puntong iyon ay naisipan kong maupo sa sofa para mag-abang sa kaniya. Hindi ko man alam kung anong eksaktong oras siya babalik but it's okay. I'm willing to wait. What the important is we need to talk and clarify all things up.

Hindi mawala-wala sa isip ko ang halik na 'yon. I wouldn't forget it, it became the highlight of this vacation. Ramdam ko 'yong kasabikan ni Ayara at maging 'yong sarili ko, na para bang uhaw-uhaw na kami sa labi ng isa't isa.

Lumipas pa ang mahabang oras, she didn't comeback yet. Nililibang ko lang 'yong sarili ko sa board games. I'm a bit worried. Naisipan kong sunduin na siya dahil lumalalim na rin ang gabi, baka kung ano 'yong ginagawa niya sa labas lalot na't mag-isa lang siya pero sa tingin ko rin ay magpapahangin lang talaga siya. I respected her time spending herself alone. Babalik din 'yon in a while.

Unti-unti na ako binibisita ng antok, nilalabanan ko ngunit pabigat na nang pabigat ang talukap ko hanggang hindi ko na nakayanan. Pinatay ko ang lahat ng ilaw. I had decided to lay down at the bed and closed my eyes to get some sleep. Magigising din naman siguro ako kapag nakabalik na siya.

the heaven has gained an angelNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ