13. After that Night

155 3 0
                                    

Chapter 13: After that Night

Prism

Akala ko hindi na matatapos sa pagbuhos ang ulan. Kahit nagkaroon ng emergency si Ayara, naihabol pa rin namin just to make her birthday to be completely memorable one. Hindi ko hinayaang masira ang araw niya. We both enjoyed the night. Definitely, my favorite night.

Unlikely, basang-basa ako noong nakauwi sa bahay pero okay lang. Mga ala-una na rin ng madaling araw iyon. Bumungad sa akin ang umiikot na katahimikan, wala ng TV na nakabukas kaya baka tulog na si Mama. Agad ko siyang sinilip sa kuwarto niya bago maligo, kumiliti ang kaba sa akin noong makita kong wala siya rito.

Asaan kaya 'yon?

"'Ma, asaan ka?" there's still calm in my voice as I look around. I received nothing in response.

Nilibot ko ang buong bahay. Pumunta akong kusina at banyo pero wala siya roon. Kaunti na lang ay iisipin kong nandoon siya kina Tita Betty. Hindi puwedeng umalis na lang siya rito bigla without telling me at this time, hindi pa niya kayang maglakad nang malayo at tumayo nang matagal.

Nagsisimula nang uminit ang aking mukha dala ng pawis. I went to Thomas' room, huling bahagi ng bahay na hindi ko pa nache-check. Tinulak ko 'yong pintuan. I sighed in relief as I found her, she was sleeping on the bed.

Napahawak ako sa gilid ng pinto at marahan muna siyang pinagmasdan. Nakatalikod ito sa akin, nakabalot ng kumot ang buong katawan.

I was about to turn my back and walk away, I thought she was sleeping comfortably but she moved a little and I heard her sniffing. She's probably still awake.

I walked in.

"Umiiyak po ba kayo?" tanong ko at dahan-dahang inalis 'yong kaunting kumot upang maaninag ang mukha niya. Medyo madilim ang paligid, lumang lampshade lang ang liwanag namin.

"Prism, 'andyan ka na pala," sabi niya sa pamamagitan ng mahinang boses. Hindi pa siya tulog.

"Opo." I sat next to her. "Why are you here?" Alam ko naman ang dahilan bakit siya nandito, she suddenly miss Thomas but I still asked her.

Pumikit siya at isiniksik ang katawan sa hotdog na unan ni Thomas. "Still smells like Thomas in here," she answered.

Right. 2 years had been pass when they left, but the wound was still here and it'll never be truly healed, especially to her. She's a mother, nobody could understand her pain inside. "Ang laki na sana ni Thomas ngayon," bigla niyang nasabi, may maliit na ngiti ngunit ramdam ko ang lungkot. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at natulala sa kisame.

She continued. "Ang guwapo-guwapo siguro no'n, kasing guwapo mo. Mag-ye-year 7 na sana siya this year. Improved na sana 'yong skill niya sa basketball. Kompleto pa sana tayo kung hindi lang sila naaksidente. Lagi ko na lang iniisip na paano kung hindi nangyari 'yon? What if they came home safe?" punong-puno ng panghihinayang ang nasa bibig niya. "I wish I could hug them. I wish I could see them eat the food I used to prepare every morning. I wish I could touch and hear their voices. I wish they are just here. I wish they are just with us."

Idinampi ko ang palad ko sa buhok nito para magbigay ng haplos. Nasulyapan ko ang butil ng luha niya na dumulas sa kaniyang pisngi na mabilis niyang pinunasan. No matter how much we want to, we can't never see them again. Reality.

"I'm sure Thomas and Papa are looking down on us to guide us. I'm sure they miss us too."

"Kumusta na kaya sila?" sambit niya at bumasag ang tono. Mas lalong lumungkot ang kaniyang mukha. It still haunts us the day they left us. Kahit medyo basa pa ako, sinubukan ko siyang yakapin sa likod. "Nagba-basketball kaya silang tatlo ni Lord?" hirit niya all of the sudden.

heaven has gained an angelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora