8. Strange Guy

132 3 0
                                    

Chapter 8: Strange Guy

Prism

Hours later, marami na kami i-enjoy na game ni Ayara. Sinulit namin ang pagsasaya sa loob ng Arcade. Nag-bowling kami, nagmaneho kami ng sasakyan, crazy tower, nagbaril-barilan din at kung ano-ano pang ibang games. But now, we are prioritizing for tickets. We tried to beat every game.

Ngunit tumigil na kami rito sa spin the wheel, trying our lucks to win the jackpot, it's 1,000 tickets. We already went sa drop the ball, pero mababa lang ang bigayan ng ticket doon at medyo mahirap, saka sa slam a winner kahit malas kami sa claw machine, sinubukan din naming manalo ng ticket doon kaso hindi maganda ang nangyari. That game is not really for us, sinubukan din namin ang tower of ticket, lahat ng machine na puwedeng manalo ng ticket ay napuntahan na namin for us to identify which one is the easiest. As we conclude, we chose to stick with this spin the wheel, since it was easy to spin yet it offer a big amount of ticket. We played smart. Downside, pasuwertihan nga lang.

"Lakasan mo tumira!" sigaw sa akin ni Ayara. Lumipat muna kami sandali sa sail fish spin.

Nilakasan ko ang pagtira and at my first attempt, the spin stops at the jackpot one. We were both shocked for a moment, it made us more shocked when the machine gave us 4 tickets instead of 1,000.

"Huh?" Nagkatingin kami ni Ayara for a few seconds.

"'Wag na nga 'yan. Balik tayo sa spin the wheel," she murmured, frustrated. "Labo ng instruction."

I just laughed. Hindi na talaga kami umalis ni Ayara dito sa spin the wheel. Ilang beses pa lang kaming nakakakuha ng jackpot but luckily, madami na ang ticket namin dahil sa ilang beses naming pag-spin.

"Teka. Anong oras na ba?" Inangat ko ang relo ko upang tingnan ang oras na and it made my eyes widened. "Seryoso?" nasabi ko na lang.

"Bakit?" She shifted her gaze to me. "What time is it?"

Tumingin din ako sa kaniya. "It's 6 PM."

"So? What's with your face?"

"May trabaho pa ako. Lagot ako kay Kuya Carlo." Hindi ko namalayan ang oras dahil sobra na akong nag-eenjoy. I thought it's early afternoon, gabi na pala.

Why does time fly so fast when I'm with her?

She chuckled. "Akala ko kung ano na. You can excuse yourself though." Bumalik siya sa pag-spin, parang wala lang sa kaniya na kapag hindi ako nakaabot sa work ko.

"No. Sayang kikitain ko ngayong araw."

"Dalawang oras ka nang wala, you think may makukuha ka pa roon?"

"Oo. Mabait si Kuya Carlo," angil ko. "Ipapalit na natin 'tong mga ticket at didiretso akong paresan."

"Or I'll pay you na lang for the time you spent with me? Magkano ba 'yong sinusuweldo mo kay Kuya Carlo? I can pay you."

Malalim ko siyang tinitigan until she finally knew what's on my mind. She frowned at me. "Fine. Last spin." At nag-spin na siya at hinintay muna namin itong matapos before we made our way to ticket station.

We're going to total all the tickets we got upang malaman kung anong bagay ang makukuha namin bilang kapalit.

"Anong kukunin natin?" she asked me while we are roaming around the prizes area. Katatapos lang naming mag-total at medyo malaki-laki rin ito.

"I think this one." Dinampot ko 'yong bola ng basketball at drinibble. "For your brother." I smiled and she returned it.

"Ilang points?"

"4,000," I answered.

"Can we add these cute little bunny?" May kinuha siyang dalawang bunny na kulay blue at pink. "Tig-isa tayo?"

heaven has gained an angelWo Geschichten leben. Entdecke jetzt