16. Late at Night

99 2 0
                                    

Chapter 16: Late at Night

Prism

It doesn't matter what time it is.

Suot ang hoody at sumbrero, hindi na ako nag-abalang magdalawang isip pa na pumunta kung nasaang kasalukuyan si Ayara. Nanghinayang ako nang maudlot ang pag-uusap namin nina Lola't Mama at kailangan ko silang iwan sa bahay. I was concerned about Ayara. Sabi rin ni Mama na huwag na akong umalis dahil malalim na ang gabi. In some way, I convinced her when I said Ayara needs me, she was in tears and I can't forgive myself if something bad might happen to her because of her emotion. I care enough for her. Di bale na, marami pa namang araw para makuwentuhan ko si Lola.

I paused in my tracks as I saw her. "Ayara?" She was sitting alone on a bench. It's late at night. Pasadong ala-una ng madaling araw nang makarating ako sa terminal ng jeepney. Maliit na terminal na katabi sa bayan ng lugar namin. Hindi naman naging mahirap para hanapin siya dahil wala nang katao-tao rito sa mga oras na ito.

Lumukot ang aking noo. Gumapang ang pagtataka sa akin nang maaninag ko ang nakalagay sa pagitan ng labi niya, isang bagay na nagbubuga ng usok. Nakita ko pa kung paano niya ito i-release.

Siya ba talaga 'to?

I continued walking and sat next to her. Malalim ang kaniyang iniisip. Bahagyang nalalanghap ko pa ang usok.

I cleared my throat. "You're smoking," was my first word, grabbing her attention. Hindi ako tumitingin sa kaniya.

She finally felt my presence. Sa gilid ng mga mata ko, her face has a hint of shock. Hindi siya nakaimik agad. "Oh. Prism, y-you're here?" Napaayos ito ng upo. Nasa daliri niya ang sigarilyo at sinubukan pang itago. Ramdam ko ang pagkailang niya.

"Of course."

She shook herself. "I thought you're busy. Sabi mo sa akin na nagre-review ka?"

"Yeah. Kahit na ganoon, do you think matitiis kita?" I looked at her, directly on her eyes for a seconds until it goes down to her cigarette with utmost curiosity. "Bakit ka naninigarilyo?" pagpuna ko, nasa boses ko ang pagiging seryoso.

Her gaze shifted away from me. "Second time lang ako gumamit," mariin niyang sagot. Without a second thought, initsta niya ang sigarilyong hawak. I heard her curse under her breath before she heaved a sigh. "Naabutan mo pa ako. Bad mood ako, eh."

"You're killing yourself," I just said, almost in a whisper while shaking my head.

"I just need it."

"Ako ang kailangan mo at hindi ang sigarilyo. You needs me more than that," I argued.

"Oo pero–"

"Hindi mo na lang sana ako pinapunta at nagsigarilyo ka na lang sana mag-isa," sabat ko pa gamit ang mababang boses. Hindi ako galit. Gusto ko na 'wag na siyang gumamit no'n.

"Sorry."

"Aanhin ko ang sorry na 'yan? Say sorry to yourself instead, 'wag sa akin. Your lungs are significantly impacted by smoking," I retorted.

"Then, sorry, Ayara," pamimilosopo niya na hindi umobra sa akin para tawanan.

I ignored her joke. "Please, 'wag ka nang magsigarilyo. Wala kang mapapala riyan. Quit smoking as soon as possible, okay?" pangaral ko, napalitan ng pagka-concern ang tono ng boses ko.

Ako, never ko pa nalasahan ang sigarilyo. Never ko ring iniisip na subukan iyon. Ayun ang sabi ni Papa sa akin. 'Wag na 'wag ako bibili no'n. Hindi lingid sa kaalaman ko na mas delikado ang sigarilyo kaysa sa alak. Both are addictive but cigarette is worse. I was certain for it. My father said, my health can suffer greatly if ever of this. That's exactly what I don't want Ayara to experience. Her body will forever feel the effects in smoking.

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon