Humapdi ang mata ko, indikasyon ng may pamumuong luha sa aking mata.

Am I being selfish? Masama bang isipin ang nararamdaman nila? Masama bang akuin ang sakit na nararapat para sa akin in order not to harm anyone?

Mariing pumikit siya at mabigat na bumuntong hininga. Nang imulat niya ang kaniyang mata at kalmado na siya.

"W-we need to leave, Liele." hinawakan niya akong muli sa braso. "Don't worry, we're okay." ngumiti siya to assure me.

Mas lalong nanubig ang aking mata dahilan para makagat ko ang sariling labi.

"T-thank you, George. Thank you for staying when everyone turned their back on me. Thank you for being my shoulder to cry on, to lean on."

Ngumiti siya kahit nanunubig na rin ang kaniyang mata.

"A-ang drama mo! A-alam mo namang gagawin ko ang lahat para sayo e, bff kaya tayo!" mabilis na pinunasan niya ang luhang pumatak sa kaniyang mata. "Alis na tayo?" mababa ang boses na tanong niya.

Tinanguan ko siya.

Hindi pa man kami tuluyang nakakahakbang ay may humarang sa aming apat na babae.

"Back off, bitches. Paraanin niyo kami." akmang hahawiin niya ang babae sa harap namin nang malakas na sampalin siya ng babaeng pinakamatangkad sa apat. Sa sobrang lakas noon ay halos tumagilid ang mukha ni George.

"How dare you!" akmang susugod ako nang mabilis na kumilos ang dalawang babae upang hawakan ako sa magkabilaang braso.

Fuck!

"Bitawan niyo ako!" pilit na nagpupumiglas ako ngunit mas lalo lamang nilang hinihigpitan ang pagkakakapit sa akin.

"Let go of her!" si George. Nang akmang lalapit siya sa akin ay mabilis na tinuhod siya sa tiyan ng babae.

"George!" sigaw ko.

Alam kong masakit iyon. Napaubo siya ng ilang beses habang sapo-sapo ang kaniyang tiyan.

"Sino ba kayo?! Ano bang ginawa namin para gawin niyo ito?!" galit na sigaw ko.

"Shut up! You fucking golddigger!" galit na sigaw sa akin ng matangkad na babae.

Humalakhak si George dahilan para balingan siya ng tingin ng babae.

"How pathetic you all, bitches. You can't accept that Mr. Bloodmore really loves my best friend that's why you're all doing this."

"Yeah right, but aside from that, there is another reason why we're doing this." nakangising pinagkrus niya ang mga braso at tila may kung sinong sinenyasan sa gilid niya.

My heart pounded nang lumabas si Irine mula sa gilid na pinagtataguan niya. Mariing napalunok ako nang dumapo ang tingin ko sa hawak niyang baseball bat na mahinang pinapalo-palo niya pa sa kaniyang palad.

I don't want to think that she can hurt us because this is not the Irine I know. Alam kong hindi niya hilig ang makipaghalo-bilo kaya palagi siyang nasa likod nakaupo. Walang kausap, walang kaibigan, palaging nakayuko at tahimik sa isang tabi. Ni minsan ay hindi ako naglakas loob na i-approach siya dahil bukod sa nahihiya ako, iniisip ko rin na baka socializing or making friends with someone isn't her thing.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now