Chapter 12

344 11 5
                                    

Chapter 12

Hindi ko alam kung paano ko nagawang sabayan kumain ng hapunan ang lalaki matapos ang nangyari. I'm just really happy that I didn't even think of what actions I might going to take. Nakakahiya!

I buried my face in the throw pillow at doon nilabas ang hiya na kanina ko pa nararamdaman.

Next morning, maaga akong gumising at nag ayos. Ayokong magpakita sa kanya. Wala akong mukhang maihaharap dahil sa nakakahiyang ginawa ko kagabi.

Pero maloko yata si tadhana, dahil pababa pa lang ako ng hagdan ay natanaw ko na ang lalaki na naglalakad palabas ng dining room. Napatingin sya sa direksyon ko dahilan para magtama ang mga tingin namin.

"Are you not going to eat breakfast?"
Pinasadahan nya ng tingin ang suot kong uniform habang pababa ako ng hagdan.

umiling ako. "Sa school canteen na lang ako kakain."

"I'll take you to school then."

"W-wag na! "

Tinalon ko ang dalawang hakbang pa sanang parte ng hagdan dahilan para maout of balance ako at muntik nang matumba ngunit mabilis na niyapos nya ang beywang ko gamit ang bisig nya.

Humakbang ako paatras nang maramdaman na naman ang hindi normal na pagtibok ng aking puso.

"Can you please be more extra careful?!" inis na sabi nya habang niluluwagan ang necktie na suot. Kita ko kung paano lumabas ang ugat sa kamay nya habang ginagawa iyon.

"S-sorry." nahihiyang sabi ko.

"Ihahatid kita." maawtoridad nyang sabi.

"W-wag na! mag co-commute na lang ako!" pigil ko ngunit hindi sya nagpatinag sa gusto nya.

"I'll take you to school, Illara."

Magsasalita pa sana ako ngunit inunahan nya ako.

"That's final." saad nya sa pagitan ng mga ngipin nya. He turned his back at nagsimulang maglakad. Bagsak ang dalawang balikat na sumunod ako sa kanya.

Nang marating ang parking lot ng mansion ay naabutan namin si kuya Nyx na naglilinis ng ilan sa mga nakapark na mga sasakyan.

Ganon siguro kayaman ang lalaking to para gawing collection ang mga mamahaling sasakyan.

"Sakay." saad nya nang pagbuksan ako ng pinto. Maingat na sumakay at naupo ako sa tabi ng driver seat. Samantala, naglakad naman sya sa harap ng sasakyan para umikot papunta sa tabi ko.

"H-hindi mo naman ako kailangang ihatid." wika ko habang binabaybay namin ang daan.

"I need to do this to assure your safety." sagot nya, nasa unahan ang tingin.

"Puwede namang si kuya Nyx na lang ang maghatid sa akin, eh."

Humigpit ang hawak nya sa steering wheel dahilan para mas lalong lumabas ang ugat sa kamay nya.

"Why? you don't like your husband taking you to school?"

Hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan nya pang gawin ito. Napapayag nya na ako. I already signed the marriage contract kaya ano pang purpose ng ginagawa nyang ito?

Hindi ako sumagot dahil kapag pinagpatuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kanya ay baka kung ano lang ang masabi ko.

Naging tahimik kami buong byahe, kahit nang makarating kami sa tapat ng university ay pareho kaming walang imik. Maingat na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba. Sinulyapan ko pa ang lalaki, he is slowly massaging his temple.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ