Chapter 3

361 9 2
                                    

Chapter 3

"One brewed coffee." he said in manly voice as he reached the counter.

Napakapit ako sa apron na suot ko. Ang gwapo!

Bahagyang siniko ako ni Lysander nang mapansin ang pagkatanga ko. Napamura ako sa isip ko. Kahit sino ay matutula sa taglay na kagwapuhan nitong lalaking kaharap ko. Plus his manly voice na parang hinihili ka at masarap pakinggan.

Pero mas masarap siguro pakinggan ang boses nya kapag umuungol.

Umiling ako para itaboy ang mga ideyang pumasok sa isip ko. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nya. fuck! ang gwapo talaga!

"T-that will be o-one-hundred-twenty pesos, s-sir." nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa pagkautal.

He handed me the one thousand peso bill at madali kong kinuha yon. Ramdam na ramdam ko ang malamig na titig nya dahilan para mataranta ako sa pagbibilang ng panukli. Sa labis na kaba ay nabitawan ko ang mga barya at nagkalat ito sa sahig.

Tinulungan ako ni Lysander sa pagpulot ng mga barya.

"What's happening with you? Are you okay?"

"Hindi. Tinamaan yata ako." bulong ko. Hindi naman sya umimik kaya inisip ko na lang na baka hindi nya narinig.

Nang mapulot ang mga barya ay umayos ako ng tayo. Ramdam ko pa rin ang malamig na titig sa akin ng lalaki habang nagbibilang ako ng panukli. Mabilis kong inabot sa kanya ang sukli at sa pagmamadali ay aksidenteng nagtama ang mga kamay namin. A simple touch of our hand sent a jolt of electricity through my veins, leaving me feeling alive and craving for more.

Nakita ko ang pag-guhit ng ngiti sa labi ni kuya Nyx nang mapasinghap ako.

"Ano, Liele, irereto pa ho ba kita kay boss?" tanong ni kuya Nyx nang talikuran kami ng boss nya na naglalakad patungo sa isa sa mga upuan ng cafe.

Nahihiya akong ngumiti kay kuya Nyx. "Ay ano ka ba kuya!" hinampas ko sya nang mahina sa braso. "Joke lang po yon, charot-charot ba!"

"Buti na lang ho nagbibiro lang kayo, akala ko kasi seryoso kayo, eh. Ayaw po kasi ni boss sa mga babae."

"Bakit, bading po ba sya? sayang ang pogi nya pa naman sana." desmayadong sabi ko.

Muling tumawa si kuya Nyx.

"May nakakatawa po ba sa sinabi ko?"

Umiling sya. "Ang cute mo lang kasi,"

"Ay cute lang? hindi pretty or beautiful?"

"bagay kayo ng boss ko."

"Di ba bading sya? Ay hindi po ako tomboy, kuya. Hindi kami talo. "

Nakita kong sinerve na ni Vivienne ang order ng lalaki. Nagpatuloy lang naman kami sa pagdadal-dalan ni kuya Nyx. Tawa lang sya nang tawa sa mga sinasabi ko.

Nagpaalam na sya nang makitang tumayo ang boss nya senyales nang pag-alis nila. Kumaway lang ako kay kuya Nyx bilang paalam.

"You seemed close to him." naiwika ni Lysander nang makaalis sila kuya Nyx. Tumabi sya sa akin at nilapag sa harap ko ang tinimplang Latte.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now