CHAPTER XVI - ME?

20 3 0
                                    

ER'S POINT OF VIEW

Kasulukuyang nagkakagulo ngayon sa buong Region of Creek, dahil sa gustong maging leader ng region na ito ang kapatid ng kasulukuyang leader namin. Laganap ngayon ang patayan, maririnig ang mga sigawan kahit saan, makikita ang dugo na nagkalat sa mga daan, at ang mga makukulay na mahikang ginagamit ng bawat isa na pang-atake at pagdepensa na nagpapaliwanag sa madilim na gabi.

Habang ako naman na isang sampung taong gulang ay nasa loob ng gubat ngayon at nagtatako sa likod ng isang puno, dahil may humahabol sakin na gustong makuha ang mga mata ko...

"I know you are there!" Sigaw nito sabay putok ng baril niya at tumama naman ang bala sa mismong puno na pinagtataguan ko at madaling tumakbo ako.

"P-Please! Ayaw ko na po, please!" Sigaw ko habang tumatakbo at napalingin naman ako rito para makita kung nasaan na siya kaya nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng kulay green na cloak at natatakpan ang mukha sa hood nito habang tumatawa at pinuputok ang baril na hawak niya sakin.

"Run! Run! Run! If you just willing to give me your eyes, I won't chase you anymore!" Sigaw nito at nagpaputok ng sunod-sunod. Buti na lang talaga ay may Magique: Faculty ako at na-eenhance ko ang pandinig ko kaya na-ppredict ko ang mga movement ng mga balang lumalabas sa baril nito.

"Ahhh! Tulong! Tulungan niyo ako!" Umiiyak na sigaw ko na mas nagpatawa pa sakanya ng malaks. Bigla namang may humila sakin sa isang puno at tinakpan ang bibig ko kaya naman sinubukan kong pumalag.

"Shhh... Si Kuya Wegis 'to," bulong naman nito kaya nakita ko ang pamilyar na itsura ng kuya ko na kahawig ko pwera sa mahabang buhok na kulay white nito. Niyakap ko naman ito at umuyak ako ng tahimik.

"I'm so afraid. I don't want to die..." Bulong ko sakanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko't nanginginig.

"Mukhang may kasama ka ah, ipakilala mo naman ako. Maganda rin ba ang mga mata iya tulad mo?" Sabi naman ng lalaking humahabol sakin.

"Damn it!" May diing bulong ni kuya at saka tumingin sakin, "Lalabanan ko siya, at kapag nagsimula na kami ay pumunta ka sa may pampang, nandon na sila Mat." Sabi naman ni kuya na nagpa-iling sakin.

"N-No, you might die. Sinabi niya kanina sakin na nasa Crest of Seas (Third High Rank) na siya, hindi mo siya kaya, nasa Crest of River (Low Rank near the Mid) pa lang tayo" Sabi ko na nagpabuga sakanya ng hangin at tumingin ng seryoso sakin.

"Whatever happens, just remeber that brother loves you, and you should live for me." Sabi nito sabay tulak sakin at hinarap ang lalaking humahabol sakin. Nag-umpisa naman ako sa pagtakbo at bago ako makalayo ay inienhance ko ang eye sight ko. Sakto namang nasuntok siya ni kuya at natanggal ang hood niya na naging dahilan para ma-aninag ko ang kanyang mukha.

Makalipas ang ilang oras na pagtakbo ay nakarating na ako sa dalampasigan at nakita sila Mat, Morjole, Bea, Clara, at Leo na sakay ng bangka.

"Mat!" Sigaw ko naman na tumawag ng pansin nila.

"Dali, parating na sila!" Sigaw naman ni Mat, kaya mas binilisan ko ang takbo ko at saka tumalon sa bangka at sinimulan ng magsagwan ni Mat...

Kinaumagahan ay napagdesisyunan naming bumalik sa sa dalampasigan at para rin makukuha ng mga gamit na gagamitin sa pag-alis. Napgdesisyunan kase namin na maglakbay sa dagat para maghanap ng mga Sheo na tutulong samin na mabawi ang Region of Creek sa kamay ng Diktador na si Oppulero. Nagsibalikan naman sila Mat sa kanila ng maingat. Habng ako naman ay tumakbo papunta kung saan iniwan ko si kuya.

Napatigil naman ako nang may marinig akong dalawang taong nag-uusap. Kaya nagtago ako sa pinakamalapit na puno.

"Grabe, napaka-brutal talaga ni Leader Fredo, tignan mo ginawa niya sa bata oh," sabi ng isa kanila.

NAVIGATING THE PARALLEL DENOUEMENTWhere stories live. Discover now