CHAPTER XI - THE SPLIT

23 3 0
                                    

ZENEVIAVA'S POINT OF VIEW

Napakaraming taong may hawak ng sulo ngayon na nagpapaliwanag sa buong kapaligiran. May inihanap silang nilalang na para sa kanila ay salot sa kanilang lugar. Kaya balak nila itong patayin gaya ng ginawa nila sakanyang ama't ina, at sa kumupkop sakanya. Masusi nilang tinitignan lahat ng pwedeng pagtaguan ng hinahanap nila at ang pinaghahanap nilang iyon ay walang iba kung hindi ako...

"Siguraduhing mahahalughog niyo ang lahat ng pwedeng pagtaguan ng salot!" Sigaw ng bagong talagang kapitan ng Sheodica Kingdom na si Philip.

Nasa loob ako ng isang banga ngayon, nanginginig dahil sa lamig, gutom, pagod, at takot. Ayaw nila akong kubayan, wala naman akong ginagawang masama sakanila.

"Dapat mapatay agad ang salot kung hindi ay madadala sa bingit ng kapahamakan ang pamilya ko!" Sigaw naman ng kasalukuyang Crowned Prince Edmund. Fucking selfish brat.

"Everything will be alright..." Mahinang bulong ko. Ito ang laging sinasabi ni Auntie Anne--Ang babaeng kumupkop sakin na nagpapakalma naman sakin kapag takot ako. Haist, Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, pero pilit nila akong ginugulo. Pinipigilan kong humikbi ngayon o gumawa ng kahit anong tunog dahil nga baka marinig ako ng mga may Magique: Faculty na enhanced ang hearing. Ni ang paghinga ko ay nililimitahan ko rin dahil baka ibulong ng hangin kung nasaan ako sa mga may Magique: Wind Whisperer. Ngunit may bagay na hindi ko na napigilan...

Ang pag-utot...

"Sa Banga!" Sigaw ng kapitan. Kaya nadali kong sinuntok ang banga na bumasag dito, kasabay ng pagbasag no'n ang pagsigaw ko sa skait dahil ramdam ko ang butong nabasag din. Tumakbo naman ako agad para makalayo sakanila.

"E-Everything will be alright... Everything will be alright..." Habol hingang sabi ko habang tinitignan ang lukot kong kamay dahil sa suntok ko sa banga na bumabalik sa dati. Ito ang isang katangian ng mga may dugong Hark--Regeneration.

"Ayun! Habulin, hulihin, at patayin ang salot!" Sigaw naman ni Captain Philip at saka naman nagsi-sunod akin ang mga guards at mga mamayan ng Sheodica.

"P-Please, wala akong ginagawang masama!" Sigaw ko habang tumatakbo.

"Kung sino man ang makapagdadala ng ulo sakin ng halimaw ay gagawin kong baron kapag na-upo na ako sa trono!" Sigaw naman ni Prince Edmund. After I rejected him, he became like this and spread the rumors about me killing and eating Auntie Anne. The fucking bastard I've ever known.

Sunod ng anunsyo niyang iyon ay ang paglipad naman ng iba't-ibang bagay at elemento na galing sa Magique nila na sumasaksak, bumubutas, nagpapadugo ng laman ko at dumudurog sa iilang mga dugo ko.

Wala ba akong Magique?

Meron, I am a Quartet, which means I have four Magique...

Bakit hindi ko ginagamit?

Turo sakin ni Auntie Ann na huwag na huwag akong gagamit ng Magique para saktan ang ibang tao...

Bakit hindi ko baliin ang bilin niya?

Dahil mas nanaig ang batang gusto ng kapayapaan kahit ganito na ang trato ng mundo sakanya...

Napatigil naman ako sa pagtakbo dahik sa nasa may dalampasigan na ako at wala ng matatakbuhan pa.

"I am doomed." Nasabi ko na lang at saka humarap sa mga humahabol sakin ngayon. Kita ko naman ang mga sunod-sunod na bato ng mga bagay at mga elements tulad ng fireball, ice lance, water spear, dark wrecking ball, at laser beam.

Nasalo ko lahat...

Naramdaman ko lahat...

Tumama ang lahat...

NAVIGATING THE PARALLEL DENOUEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon