CHAPTER I - THE MISSION

148 12 32
                                    

ANDREI'S POINT OF VIEW

"Good morning, Captain! Lieutenant Andrei reporting as ordered!" Sigaw ko sa harapan ng table kung saan naka-upo si Captain Acosta habang naka-saludo pa.

"Carry on," Sagot niya naman at saka tumayo at ibinababa ko naman ang pagkasaludo ko at lumapit din sakanya.

"Bakit niyo po pala ako pinatawag, sir?" Tanong ko nang makalapit na ako sakanya.

"There are abnormalities around the Bermuda Triangle, even in the U.S Marine Corps cannot identify what is happening there. So, they requested backup from us and other countries to conduct an investigation about the mountains of reports of mysterious ship disappearances and a lot of bizarre and unrealistic monster sightings. I want to assign you and your unit there, Lieutenant Andrei," Sabi ni Captain Acosta.

Medyo nagdalawang isip naman ako sa sinabi niya, pero alang-alang sa serbisyo ay napag-desisyunan kong tanggapin. Nag-salute naman ako at inayos ang posture ko

"I accept the mission, sir!" Sigaw ko. Binigyan naman ako ng ngiti ni Captain at tinapik-tapik ang balikat ko.

"You can now leave with your unit, Lieutenant Andrei," Sabi ni Captain Acosta na umupo na ulit sakanyang silya.

Lumabas naman ako agad at nagmadaling pumunta sa units ko na nag-ttraining ngayon sa may port...

Nang makarating na ako sakanila ay nakita kong nakapila at naka-salute silang lahat sakin na nagpabigla sakin. Mukhang nasabihan na sila ni Captain ah?

"Carry on gentlemen. Mukhang alam niyo na ang ibinigay sating mission ni Captain Acosta ah? Kailangan nating umalis ngayon din at pumunta sa Bermuda Triangle para tulangan ang U.S Marine Corp na imbestigahan ang mga nangyayaring 'di mapaliwag na mga bagay doon. Are you all ready to take this mission?!" Malakas na tanong ko.

Tumindig naman sila ng maayos at nag-salute.

"Sir, yes sir!" Sigaw nilang lahat.

"Okay men, let's go and take a voyage!" Sigaw ko naman.

Nagmarcha na sila papunta sa loob ng warship at nang makasakay na silang lahat ay sumunod naman ako at gaya ng dati, bago ako tuluyang makasakay sa barko ay tinitignan ko muna ang base at tumigin sa kalangitan para humingi ng gabay at proteksyon sa may kapal. Katapos ay pumasok na ako at dumiretso sa wheelehouse o control room na kinalalagyan ng mga machine at apparatus na nagpapagana at control ng warship na ito para ako na mismo ang mag-navigate sa warship na ito.

Makalipas ang ilang oras...

"Sir, may problema raw po. May mga bagyo po tayong masasalubong kung ipagpapatuloy pa natin ang pagsulong sa may Bermuda Triangle sabi sa barometer," Sabi ni Second Lieutenant Mary, "Ipagpapatuloy po ba natin?"

[Barometer - a thermometer to measure SST, a psychrometer (for air temperature and humidity), a barograph and possibly an anemometer.]

"Oo, kahit anong mangyari ay dapat ay makalapit tayo sa Bermuda, iyon ang mission natin!" Sigaw ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagsulong hanggang sa makita ko sa malaking clearview screen ng wheelehouse ang napakalakas na ulan na may halong kulog at kidlat.

"Sir, may namataan kaming pagyanig sa ilalim ng dagat sa mismong ilalim natin ngayon. I'm afraid that this is an underwater earthquake that can cause a tsunami, sir." Dinig ang takot sa boses ni First Lieutenant Larry.

"Let's retreat!" Sigaw ko naman.

Nabigla naman kami ng biglang nang makita namin ang napakalaking alon ng tubig ang dumagan sa warship namin at nang makita ko ang diagnosis sa DART buoy o Deep-ocean Assessment and Reporting of Tsunamis na may mabilis at napakalaking tidal waves ang muntik nang magpalubog sa barko namin. Buti na lang at advanace ang features ng warship na ito kaya hindi kami agad lumubog.

NAVIGATING THE PARALLEL DENOUEMENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon