"Ha? Anong nawala?"

"Hindi ko alam pero sabi hindi na raw mahanap."

"Gumawa ka ng paraan para mahanap mo. Yun na lang talaga ang pag-asa ko," seryosong utos niya at napatingin sa pinto nang marinig ang katok. "Sige na, tawagan kita mamayang gabi." Tinapos niya ang tawag nang pumasok si Kate.

"Alis na ba tayo?" tanong ng dalaga.

"Magpalit ka na ng damit."

"Kailangan ba talaga?" tanong ni Kate. "Meeting lang naman eh."

"Bestida lang naman. Sige na," ani Ace kaya napilitan si Kate na magpalit ng puting bestida.

"Okay na ba?" tanong ni Kate. Lumapit si Ace saka hinapit sya sa bewang.

"Ngayon alam ko na kung bakit sobrang ganda ng anak natin," nakangiting sabi ni Ace.

"Anak natin," sigaw ng utak ni Kate na na kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa sa narinig. Ilang beses din naman niya itong narinig kay Niel pero bakit kapag si Ace ang magsabi, gusto niyang magdiwang sa saya?

"Is something wrong?" tanong ni Ace.

"Wala. Tara na?" tanong ni Kate.

"Okay," ani Ace at hinawakan ang kamay ng asawa pero hinila ni Kate.

"A—Ayaw kong ma-issue tayo."

"Asawa na kita."

"Ace naman."

"Fine. Pero hindi ko maipangako na kaya ko pang itago ang relasyon natin," sabi ni Ace at naunang maglakad palabas ng opisina. Sa private elevator na sila sumakay. Pagdating sa parking lot, pinagbuksan siya ni Ace ng pinto.

Nang makarating sila sa hotel, nag-atubili pang pumasok si Kate pero inakbayan siya ni Ace.

"Don't be shy," bulong ni Ace nang mapansin na naman ang takot at pangamba sa mga mata ng asawa. "Hayaan mo na ang mga tao sa paligid, they don't care. Masyado namang marites ang mga tao rito sa inyo na kapag pumasok sa hotel ay magse-sex na agad."

"Tara na nga!" napilitang sabi ni Kate kaya inakay na siya ni Ace papasok.

Nang magsimula ang meeting, tahimik lang si Kate na nakinig sa tabi ni Ace hanggang sa matapos."

"What do you think?" tanong ni Ace habang naglalakad na sila sa pasilyo. "Okay ba na mag-invest tayo sa kanila?"

"Hindi ko alam pero mukhang okay naman ang proposal nila," sagot ng dalaga. "B—Bakit tayo tumigil?"

"Let's check in muna. Mamaya na tayo umuwi," sabi ni Ace at binuksan ang pinto gamit ang keycard.

"Ace—" hindi na siya nakareklamo nang hilain siya papasok ni Ace at siniil ng halik matapos nitong isara ang pinto.

















-----------------









"Bakit kasama mo ang batang 'yan?" tanong ni Rhea nang pumasok si Niel kasama si Kaitlyn.

"Bakit? May masama ba kung isama ko ang anak ko?" tanong ni Niel. "Baby, doon ka muna kay Lola. Bless mo siya ha."

"Yes, daddy Niel," sagot ni Kaitlyn at hinalikan sa kanang pisngi si Niel saka tumakbo palapit sa lola niya.

"Akala ko ba family lunch ito?" tanong ni Rhea nang sila na lang.

"Family dinner nga. Why?"

"Bakit isinama mo si Kaitlyn?"

"Come one, Rhea! She's my daughter." Actually, pinipilit niyang isama si Kate pero ayaw talaga nito kaya si Kaitlyn na lang ang isinama niya.

Napatingin si Rhea sa batang nakipagtawanan sa mga pamangkin sa pinsan ni Niel.

4. The CEO's secretWhere stories live. Discover now