38

12.1K 412 37
                                    









Unedited....

"Morning po," bati ng babaeng nakaputi na nakatayo sa harapan niya.

"A—Anong nangyari?" tanong ni Kate nang magmulat ng mga mata. Nakita kasi niya ang nurse na nag-aayos ng IV fluids na inilagay sa kanya. "B—Bakit may swero ako?"

"Good morning, Ma'am. I am Jess, your nurse for today.

"Bakit nandito ako?" tanong niya na tatayo na sana pero pinigilan siya ng nurse. "At ano 'tong nakakabit?" nataranta siya. Papatayin na ba siya ng mga ito.

"Wag ho kayong matakot, Ma'am. Nandito lang po kayo dahil nahimatay raw kayo sa work. Baka napagod lang ho kayo."

"A—Ano 'yan?" tanong niya.

"IV fluids po. Plain NSS lang ho 'yan para magkaroon po ng fluid and electrolyte balance sa katawan mo. Buong araw ka hong hindi nakainom kaya nagpalagay ho si Doc para hindi ka ma-dehydrate."

"W—Walang ibang gamot 'yan?" nagdududang tanong niya. "Baka may nilalagay ka diyan para ma-cardiac arrest ako ha."

"Wala ho," nakangiting sabi ng nurse. Maamo naman ang mukha nito kaya medyo nawala ang pagdududa ni Kate. "Kuhaan lang kita ng vital signs, Ma'am ha," sabi niya saka inilagay ang sphygmomanometer sa kanang braso ni Kate para i-measure ang blood pressure nito pagkatapos ay ang pulso at paghinga.

"Pareho lang ba kung sa kaliwa ka rin kukuha ng Bp ko?" tanong ng dalaga.

"Usually, hindi po. Depende pero most likely, mas mataas po sa right side kaysa sa left pero kapag 5mmHg ang difference, normal lang po 'yun," paliwanag ng nurse na halatang baguhan lang dahil kakapasa lang ng board exam. "Ma'am, medyo mababa po ang Bp mo, eighty over sixty po (80/60mmHg). Pwede bang mahiga ka na lang po muna at i-elevate ang legs mo?" pakiusap ng nurse matapos i-recheck ang Bp ni Kate. Mababa talaga mula pa kahapon kaya tumango si Kate. "Wag ka pong tumayong mag-isa ha. Kapag may kailangan ka, mag-ring ka lang po nitong bell para masamahan kita."

"Kate, asawa ko," sabi ni Ace nang pumasok. "Hey, you're awake."

"Ace, what happened?" tanong niya.

"Balik na lang ho ako, i-measure ko po ulit ang BP nyo," nahihiyang paalam ng nurse at lumabas para magkaroon ng privacy ang mag-asawa.

"Ace, ano ang nangyari? At bakit nandito ako?"

"Nag-pass out ka kahapon sa opisina dahil sobrang baba ng blood pressure mo at stressed ka rin sabi ni Doc. Dehydrated ka rin kaya bumaba ang electrolytes lalo na ang sodium mo sa katawan."

Ipinikit ni Kate ang mga mata. Nanghihina siya at nasusuka. Sabayan pa ng nahihilo kapag subukan niyang tumayo.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Kate dahil titig na titig si Ace sa kanya.

"Wala," sagot ni Ace.

"S—Si Kaitlyn..."

"Inaalagaan siya ni Celine at ng pinsan niya sa bahay ninyo. Binilhan ko na rin sila ng grocery."

"Nag-abala ka pa. Ako na sana. Bukas pa kami mamalengke ni Celine."

"Yoy have to stay here, Kate. Hindi ka pa makalabas for at least two days. Hindi pa kaya ng katawan mo."

"Pero kailangan ako ng anak ko."

"Ako ang bahala sa anak natin. Kailangan mong magpahinga dahil—" Iniwas ni Ace ang mga mata. Hindi niya kayang tingnan si Kate sa ganitong kalagayan. Ang putla nito. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat dahil masyado itong na-stress. "Dahil hindi mo kayang alagaan si Kaitlyn kapag nanghihina ka. Kailangan mong magpalakas muna para sa kanya."

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon