19

10.1K 351 28
                                    







A/n:












Unedited...








"M—Manang..." humahagulgol sa iyak nang pumasok ng bahay si Celine at agad na niyakap si Kate.

"Hey, anong nangyari?" kinakabahang tanong niya. "S—Si Kaitlyn?" wala sa paligid ang anak kaya mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya.

"M—Manang..."

"Hush, dahan-dahan. Kinakabahan ako sa 'yo," sabi ni Kate saka lumayo kay Celine sabay hawak sa magkabilang balikat nito. "Relax, okay. Huminga ka nang malalim at sabihin mo sa akin kung anong nangyayari."

"Nanay," tawag ni Kaitlyn nang lumabas ng kwarto bitbit ang manikang bigay ni Niel kaya nakahinga nang maluwag si Kate.

Pinahidan ni Celine ang mga luha saka huminga nang malalim.

"Ano ang problema, Celine?"

"M—Manang, yung pinsan ko ooperahan daw ngayon pero wala kaming pambayad sa hospital," umiiyak na sabi ni Celine. "K—Kapag tumagal pa, baka hindi na siya aabutan ng bukas. Manang, n—natatakot ako. H—Hindi pa ako handa. Para ko na siyang kapatid eh."

"Relax. Hahanap tayo ng paraan," sabi ni Kate. "Magkano raw ba ang kailangan mo?"

"N—Nasa three hundred thousand daw so kailangan pang mag-down ng fifty thousand eh wala talaga akong pera. Kahit yung parents niya, naubos na rin ang dalawang kalabaw. Naibenta ko na rin 'yung pinapaalagaan kong baboy dahil sa first operation," sagot niya. May problema sa puso ang pinsan nito. Naoperahan na ito at madi-discharge na sana pero nagkaroon ulit ng blood clot sa artery nito kaya kailangan ng another operation. Ang mahal pa naman ng mga gamot nito.

"Mayroon pa akong ten thousand sa card ko," sabi ni Kate pero kulang pa rin.

Sa ganitong emergency, wala talaga siyang matatakbuhan. Malay ba niyang plastic pala yung mga naging kaibigan niya. Pumasok siya sa kwarto at tiningnan ang kwentas na bigay ni Ace noon. Ito lang talaga ang alahas niya na pwedeng maisangla. Kung alam lang niya na ito ang maasahan niya, sana nag-invest siya ng alahas noong nasa ibang bansa pa siya. Lumabas siya dala ang kwentas.

"Celine, dito ka lang, babalik ako agad. Wag mong pabayaan si Kaitlyn," bilin niya at agad na pumunta sa sanglaan para patingnan ang kwentas.

"Madam," sabi ng babae. "Pasensya na, hindi kami tumatanggap nito."

"Ha?" tanong niya. "F—Fake ba?" baka class A lang ito at siya lang ang nag-expect na bibigyan siya ni Ace ng original na alahas.

"Madam, wala kaming pera e. Sure ka ba na isangla mo ito?"

"Wala na kayong pera? Kahit limang libo lang," pakiusap niya.

"Madam, ikaw ba talaga ang may-ari nito?" nagdududang tanong ng babaeng nasa sanlaan.

"Bigay sa akin ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung maisangla siya o hindi," sagot niya.

"Magkano ba ang kailangan mo?" tanong ng babae na hindi mawala ang pagdududa sa mukha.

"Kailangan ko ng forty thousand para sa pang-opera ng kakilala ko," sagot niya. "Pero kahit limang libo lang."

"Miss, may recibo ka ba nito? Kung wala hindi kami tumatanggap."

"Ha? Wala eh," sagot niya.

"Paano ho namin malalaman na sa 'yo ito. Pasensya na pero hindi kami tumatanggap ng mga ganito," paumanhin nito.

"Please miss, kailangan ko lang talaga ng pera," pakiusap niya.

"Sige, Miss. Maghintay ka lang dito," sagot nito saka pumasok sa loob. Nang muling bumalik, in-entertain na nito ang ibang customer.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon