18

11.5K 394 30
                                    



Unedited...





Monday. Last day na ng bilangan ngayon sa mga muse kaya pumunta siya sa paaralan ni Kaitlyn. Nagpaalam naman siya kay Ace na mag-halfday siya at mamayang hapon na lang papasok. Pumayag naman ito kaya heto siya, bitbit ang perang mainit-init pa galing sa ATM ng washing machine.

"Manang, balita ko malalaki ang hulog ng ibang muse. Kahit pa yata pagsamahin ang na-solicit nila at 'yang pera mo, walang laban si Kaitlyn eh," sabi ni Celine dahil si Kaitlyn ang pinakakulelat at kahit hindi pa maghulog ang mga kalaban nito, panghuli na sila. Syempre limang libo lang naman ang idadagdag ni Kate at may ilang sobre lang ng na-canvass nila na ang laman ay tig 20 pesos lang.

"Okay lang 'yan. Kahit man lang sana pangatlo basta makasuot siya ng gown," sabi ni Kate at napatingin sa anak na nakatingala sa kanya. "Sayang naman ang ganda ng babygirl ko kung hindi makapagsuot ng gown."

"Like a princess, Nanay? Gusto kong magsuot gaya ni Cinderella."

"Don't worry, you are the prettiest version of Cinderella," nakangiting sabi ni Kate.

"Mommy, siya ang kalaban kong muse," sabi ng batang palapit sa kanila habang tinuturo si Kaitlyn. "But she's poor."

"Hi," bati ni Kate sa mag-ina.

"Muse rin ang anak mo?" tanong ng babaeng nagmamay-ari ng isang private school dito sa Iloilo.

"Yes," sagot ni Kate.

"Oh, goodluck. Malalaman kung sino sa mga anak natin ang magiging reyna after ng last na bilangan. Alam mo na, pera ang labanan sa pagiging queen," sabi nito kaya pekeng ngumiti si Kate. Hindi niya gusto ang awra nito. Parang feeling niya magka-ugali ang mag-inang ito.

"She will never win, Mommy. She's poor," sabi ng bata kaya naikuyom ni Kate ang kamao. Kung hindi lang ito bata, baka kanina pa niya tinahi ang bunganga. Napakawalang manners e.

"At least I'm pretty," taas noong sagot ni Kaitlyn. "I'm the prettiest muse."

"Pasensya ka na," paumanhin ni Kate sa ina nito matapos takpan ang bibig ng anak. "Alam mo namang mga bata."

"It's okay, I understand," sagot nito na halatang peke ang ngiti. "Ganyan talaga ang mga bata, ang taas ng tingin sa sarili kasi hindi pa nila alam ang tunay na estado ng mga magulang sa lipunan."

"Basta maganda si Kaitlyn. Di na baleng walang panghulog," sabat ni Celine nang hindi na makatiis. Yabang ng kaharap e. Palibhasa naka 100k na.

"Mahalaga ang pera sa labanan na 'to. Kapag hindi mapasama ang anak mo, hindi siya makasuot ng gown kahit na maganda pa!" nakataas ang kanang kilay na sabi nito at hinila ang anak patungo sa unahan.

"Yabang!" gigil na sabi ni Celine.

"Yaan mo na. Maupo na tayo," yaya ni Kate at sa pinakalikod pumuwesto.

Nagsimula na ang hulugan. May kani-kanyang box sa harapan kaya nagsihulog na ang mga guro at estudyante.

"Pakilagay ng sobre," utos ni Kate kaya tumayo si Celine at lumapit sa unahan.

Naramdaman ni Kate na may naupo sa tabi niya.

"Tatay!" masayang sabi ni Kaitlyn kaya napatingin si Kate rito.

"Ace?"

"Hi," bati ni Ace.

"B—Bakit nandito ka?"

"I can't miss my daughter's special day," sagot ni Ace saka inabot ang sobre kay Celine nang bumalik ito sa kanila. "Here, pakihulog naman."

"Last one minute. May hahabol pa ba?" tanong ng guro.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon