28

10.9K 349 74
                                    









Unedited...









"Morning, guys!" masiglang bati ni Charlotte nang lumabas sa VIP elevator na may bitbit na dalawang kape.

"Morning," bati ni Sam.

Inayos ni Kate ang table. Nasabi na ni Ace sa kanya kagabi na magsimula na ito bilang Vice president pero sa office muna ni Ace ang pwesto nito.

"Girls," wika ni Marco nang lumabas sa opisina ni Ace. "She's our new vice president pala. Si Ma'am Charlotte. Ma'am, sila pala ang mga secretary."

"Hi, ma'am," bati ng mga ito.

"Morning, ladies. By the way, wala pa akong secretary so ang secretary muna ni Ace ang hiramin ko. Sino ba sa inyo?" tanong nito.

"Si Ma'am Kate," sagot ni Marco sabay turo kay Kate.

"Hello, Ma'am," bati ni Kate at ngumiti.

"I see," sabi ni Kate. "Tatawagin lang kita kapag may kailangan ako."

"Okay po," sagot ni Kate.

"Sige girl, start na ako ng work," paalam ni Charlotte at pumasok sa opisina ni Ace. Nagulat siya nang nandito na ito. "You're so early," wika niya saka matamis na ngumiti.

"Time is gold," sagot ni Ace at napasulyap sa dalagang naka-office skirt pero formal naman tingnan. Kung tutuusin, hindi na masama kung ito nga ang nakatalik niya nang gabing iyon. "Diyan pala ang table mo. I-assist ka na lang ni Marco."

Kinuha niya ang cellphone at chinat si Kate para magpadala ng kape.

"Ma'am, heto ho ang table mo. May computer ka rin," sabi ni Marco.

"Oh, nice!" puri ni Charlotte at mahinhin na naupo saka napatingin sa bagong modelo ng laptop.

"May company naman ang pamilya ninyo pero bakit gusto mo pang maging vice president dito?" tanong ni Ace.

"Nagpa-imbestiga ka," nakangiting sabi ni Charlotte na hindi naman na-offend.

"Normal lang naman na gawin ko iyon, right?"

"Yes. Don't worry, hindi ako na-offend," sabi ni Charlotte. "Para maiba. Gusto ko lang ma-experience ang maging employee sa ibang company. Besides, gusto kong makita ka araw-araw."

Hindi na sumagot si Ace at ipinagpatuloy ang pag-reply sa mga emails. Minsan si Marco o ang secretary ni Tasha ang gumagawa nito pero minsan mas gusto niyang siya na mismo kapag may oras siya.

"Ace," ani Charlotte at lumapit dito na may dalang isang kape. "Pampagising."

Napalingon sila nang bumukas ang pinto sabay pasok ni Kate na may dalang kape.

"Morning," bati ni Kate saka lumapit sa asawa pero nakita niya na may kape na sa harapan nito. "Marco, gusto mo ng kape?" tanong niya at humarap kay Marco kaya napatingin si Marco kay Ace na nagwa-warning ang mga mata. Na kapag kunin niya ay may masamang mangyari sa kanya.

"Didn't I ask you to bring a cup of coffee?" tanong ni Ace.

"I thought si Marco," ani Kate na inirapan ang asawa nang hindi nakatingin si Charlotte.

"Gusto ko ng black coffee," sagot ni Ace.

"This is black coffee," sabat ni Charlotte sabay tulak ng kape niya palapit kay Ace.

"I preferred the hot one. By the way, Marco di ba gusto mo ng coffee?" tanong ni Ace sabay tulak ng kape palayo sa kanya at inabot ang kape na bigay ni Kate. "Sa 'yo na 'to, Marco. Thanks, Charlotte but I'll drink this coffee," sabi niya sabay taas ng hawak na kape.

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon