Chapter 9

5 2 0
                                    

Nagising ako sa tubig na tumama sa mukha ko. Putcha, basang basa na ako kahit kakagising ko pa lang.

“Akala mo prinsesa e, tagal gumising!” rinig kong sabi ng isang lalaki.

Nasaan ako putcha? Paano ko makikita kung nakatakip ng kung ano yung mata ko at may nakataling mahigpit sa mga kamay ko at ang mga paa ko naman ay bakal ata ang itinali.

Kumilos kilos ako pero hindi ako nakawala, ni hindi nga tumumba ‘tong inuupuan ko. Feel ko ito yung tinatawag nilang silya electrica?? Joke masakit ‘yon.

“Is that her?” I heard the woman ask.

Oo woman! Pinapakiramdaman ko lang ang paligid kahit tanga ako kapag hangin na ang kakalaban sa akin.

“Sí, Señora.”

Hindi ako makakita pero may naano ako sa mga boses nila, like parang ano mga kilala ko yung boses nila.

“Pakawalan niyo ako dito!” sigaw ko.

May bumuhos pa ulit sa akin ng tubig. Parang basang sisiw na ako dito, kanina pa buhos nang buhos ng tubig. Mineral ba ‘yang binubuhos niyo?!

“What did she say?” nalilito ata yung babae o baka dayuhan lang dito sa bansa.

Pero nakapagtataka bakit ako napunta dito e umiinom pa ako ng alak kagabi! Ni hindi ko nga sila nakita kagabi, huling nakita ko bago ako mawalan ng malay yung bartender tapos narinig kong sumigaw si Alfonso.

Tapos boom! Nandito na ako nakatali tapos binubuhusan na parang baboy na naliligo.

Narinig kong may pumasok kasi malakas ang pagkakabukas at ingay din na galing sa bakal na pinto.

"Shall we sell that girl?" halatang matanda na ito dahil sa boses.

“I suggest don't, Sir. Boss 1025 might kill us.”

“What?! Are you afraid of that man?! You shitty pig.” inis nitong sigaw at narinig ko na lang ang malakas na putok ng baril.

Nagulat ako nang matanggal na ang nakakapit sa paa ko kaya tyansa ko na ito para makatakas. Sunod na natanggal ang nasa kamay ko pero hindi ko pinahalata. May humila sa akin kaya napatayo ako at napasunod kung saan man sila pupunta.

Ngunit napahinto rin kami nang may tumunog na cellphone. Tinanggal na ang mga nakatali sa akin pero ang takip ko sa mata hindi tinatanggal?! Unfair so much!

“Sir, Boss 1025 is calling…” mahabang katahimikan muna ang nanaig bago magsalita ang lalaki.

“F*ck.” malutong na mura nito.

Tingin ko naman tinanggap na nila ang tawag ng kung sino man si “Boss 1025” kasi narinig kong suminghal muna yung lalaking tinatawag nilang “Sir”

“Oggy, Hahahahaha! You got a demon girl! Maybe the dicks of the americans will be cut off!” tumawa ng malakas ang nasa kabilang telepono.

“F*ck you, 1025!”

Pagtapos noon ay biglang may pumukpok sa ulo ko, matigas ito kaya bigla akong nawalan ng malay. Paggising ko sina Xon na ang nakatitig sa akin.

“Alli, sino ‘yang mga dumukot saiyo?! Nang mapatay natin!” galit na tanong ni Alfonso.

Inikot ko ang paningin at nakitang nasa mansiyon na ako. Nakahinga ako ng maluwag akala ko makakapatay na ako ulit. Nakarinig ako ng kasa ng baril ata o shotgun?!

Gusto kong tumayo at tumakbo na papalabas ng mansiyon! Pababa na si Mama hawak ang shotgun na regalo sa akin dati ni Tatang kaso tinago niya lang!

“Alli Hyde Salvez! PUNYETA SINO GUMAWA NIYAN SAIYO?!” dumagungdong ang sigaw ni Mama kaya gusto ko na lang takpan ang tainga ko.

“Tita, inaayos na po namin… p-pwede na po kayo kumalma…” ramdam ko ang kaba ni Vin habang sinasabi iyon kasi nakita rin naman ng lahat ang umaapoy na mata ni Mama.

"What calmness?! My daughter was kidnapped even though she had no enemies!” galit na sigaw nito.

Nagulat man ay hindi ko pinahalata dahil ako’y nakahilata na puro pasa sa mukha.

“M-ma… ayos naman na ako…” pagpapakalma ko sa kaniya.

Nilapitan niya ako at ibinaba ang shotgun sa bandang tiyan ko kaya napalunok ako. “Maghanap ka na lang kaya ng bagong trabaho? Ayos lang sa akin kung bumalik tayo sa dating bahay huwag ka lang masaktan ulit. Magpapakapagod ako maglaba, magpalit ka na ng trabaho.” pagmamakaawa niya at hinalikan ang noo ko.

Naawa man ako pero hindi ko kaya. Kailangan kong kumayod hindi yung pwedeng si Mama lang. Magsasalita na sana ako pero may sumingit.

“Sige, Alli. Umalis kana sa pagiging bodyguard ko, maging bodyguard ka na lang ng anak ko.” rinig kong sigaw ni Mr. Garcia kakapasok niya palang pala sa mansiyon.

Noong una nagulat ako kasi hindi ko alam na may anak pala si Mr. Garcia tapos ako pa magbabantay. Ano kaya yung itsura? Elementary kaya? 5 to 2 months?—

“25 years old, my son please be patient to him.” pagtapos niyang sabihin iyon ay umakyat na siya sa itaas.

——
Hello, sorry ang iksi ng update ko! Inaantok na me e. Bawi bukas dahil sabado.💋💋

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora