Chapter 3

5 1 0
                                    

Hindi ko alam kung sino itong babaeng ito at ayaw ko siyang makilala. Akala mo siya nagmamay-ari ng daan.

Hindi ko na siya kinausap at dinaanan na lamang. Napahinto ako nang hinawakan niya ako sa braso. “Bayaran mo ang juice ko!”

“Utang na muna, kapag nakasahod ako dito babayaran ko na lang.” agad kong winaksi ang kamay niya sa braso ko at tumakbo papunta sa elevator.

“Pasabay!”

Hinarang ko ang dalawang kamay ko nang papasarado na ang elevator. Nagulat ang mga nasa loob pero pinapasok pa rin ako.

Siksikan na sa loob, dapat pala hindi na ako pumasok bwesit. Hindi ko tuloy makuha sa bulsa ng pantalon ko yung papel na sinulatan ko ng floor kung nasaan yung office ni Tanda. Napatingin ako sa katabi ko, sa tingin ko ay minamanyak ng lalake ang babae na nasa gilid.

“Huwag ka malikot, sandali lang 'to...” bulong ng lalake.

“'Wag po...” mahinang sabi ng babae habang tinatanggal yung kamay ng lalake sa pwet niya.

Nakita ako ng babae at tumingin siya sa akin na nanghihingi ng tulong. Nginisian ko siya at sinenyasan na huwag maingay. Dahil nga malapit lang ang lalake sa akin ay agad kong kinapa ang dragon balls niya at sinapak ng malakas.

“Aray puta! Sino yon?!”

Tumingin sa kaniya ang mga nasa loob at tinaasan siya ng kilay yung iba naman walang pakialam sa kaniya. Tumunog ang elevator at nabawasan na ang tao sa loob.

Umalis na rin ang manyak na lalake hawak hawak niya pa nga ang bay*g niya palabas. Natira na lang kaming dalawa ng babae dito sa loob.

Tinignan ko siya, hanggang suso ko siya kung titignan, mahaba ang buhok nito, mapula ang labi, makapal ang kilay, sakto lang ang laki ng mata at nakalong sleeve siya. Kung hindi ko siya nakita agad kanina iisipin kong mataray siya kasi sa kilay niya pa lang.

“Saang floor ka po baba, Miss?” napaigtad ako sa tanong niya saka kinuha ang nasa bulsa ko.

Binigay ko ito sa kaniya, tinignan niya ako na parang sa-floor-talaga-na-to-sure-ka? look. Tumango ako at ngumiti. Minsan lang ako ngumiti kaya sulitin niya na, ayoko sa lahat ay yung ngumingiti ako kasi napapangitan ako sa mukha ko kapag nakangiti.

“Sabay na lang po tayo, doon din po kasi ako pupunta.” mahina niyang sabi.

Parang may anghel na bumaba at dumaan sa harap namin dahil sa katahimikan. Ilang segundo ay nawala na ang anghel kasi nagtanong na siya.

“Kaano-ano niyo po si Mr. Garcia?” tanong niya habang nakatingala sa akin.

“Maga-apply lang ako ng trabaho sa kaniya.” sagot ko habang nakatingin sa harap saka tumingin sa kaniya.

Kita ko ang gulat sa mata niya. Putcha, bakit siya magugulat e maga-apply lang naman ako?

“Hindi po kasi nagtatangg—”

Hindi niya na natapos ang pagsasalita dahil tumunog na ang elevator. Inunahan ko na siyang lumabas, sumunod naman siya sa akin na walang imik.

Nakapunta kami sa isang mesa na may nakaupo na lalake. Siguro secretary ito ganon kasi napapanood ko sa mga office movies.

“Hello, Good morning. How may I help you?”

“Nasaan si Mr. Garcia?” tanong ko.

“English please.” ngumisi ito nang makitang kumunot ang noo ko.

“Huwag mo akong ginagago, nasaan si Tanda?” sumingit na yung babae kaninang kasama ko bago ko pa masapak 'tong lalaking ito.

“I'm sorry po, Where is Mr. Garcia?”

“Wait there, I'll just call Sir.” tinuro niya ang sofa na mahaba na kaharap lang ng mesa niya.

“Peste paingles ingles pa!”

“Hayaan mo na.”

Tumingin ako sa babaeng ito at tinaasan siya ng kilay. “Teka, kanina ka pa? Sino ka ba?”

Ngumiti siya ng malaki at nilahad niya anf kamay sa akin. “My name is Faye Rianne Salvador, how about you?”

“Alli Hyde Salvez, Alli na lang.” tinanggap ko ang kamay niya na naiwan sa ere. Tinuruan naman kasi ako ni Mama na maging magalang kapag may kagalang galang sa harap mo.

“Hi, Ladies!”

Boses iyon ni Mr. Garcia, tumayo ako at lumapit sa kaniya. “Anong trabaho ko dito?”

“Bodyguard...” ngumisi siya pagtapos sabihin iyon.

“Bodyguard? Magkano sahod?”

Pinapasok niya kami sa office niya at nakita kong maganda ito dahil para kang nasa paradise kasi puno ng painting dito.

I love paintings, hindi ko lang magawa magpinta dahil wala akong pera at nagtr-trabaho ako. Noong nag-aaral pa ako ay ako lagi ang nangunguna kapag art ang pinag-uusapan.

“Sit down please.” umupo kami sa harap niya, siya naman sa harap namin.

Binigyan niya ako ng papel na maraming nakasulat. Pipirma lang ako dito, syempre babasahin ko muna mamaya nakalagay pala dito mga utang nito ni Tanda edi ako nagbayad lahat.

“I know you're smart so I won't hold you back, I need you as a bodyguard because someone wants to kill me.” seryoso niyang sabi.

Smart? How come? Tumigil ako sa pag-aaral pero hindi ko na pinagsabi sa iba at hindi alam ng kahit sino si Mama lang. Nagkasakit si Mama ng malubha noon kaya kinailangan kong magtrabaho at bumili ng mga gamot, napabayaan ko ang pag-aaral kaya huminto na ako. Para akong mababaliw dati kung saan ako kukuha ng pera e, halos ibenta ko na ang bahay namin.

“How did you know about that?” I asked him. This creepy old man.

“I just know... Hahaha!” sumagot siya at biglang tumawa nang malakas.

Hindi ko na siya pinansin at binasa na lamang ang papel sa harap. Lumaki ang mata ko nang makita na 40k ang pagiging bodyguard niya! Agad kong kinuha ang ballpen at pinirmahan ito.

“Sir, me naman po...” singit ng babaeng a kasama ko kanina. Sino nga ba ito? Paye?

“Oh, Faye!” ah Faye pala, akala ko Paye...

“How did you know my name, Sir?!” gulat na tanong ni Faye kay Tanda.

“Of course, You're my—” biglang tinakpan ni Faye ang bunganga ni Tanda kaya hindi niya natapos ang sasabihin.

Maybe We Weren't Meant to be EnemiesWhere stories live. Discover now