Kahit palakas nang palakas ang sapak ko sa kanya ay hindi ko siya nakitang nainis. Hanggang sa unti-unti siyang sumi-seryoso at nawawala ang ngiti sa mukha niya. Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba kaya dahan-dahan akong natigil sa pagsapak sa kanya.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. "You know what, sumusubra ka na." Seryosong sabi niya sa 'kin at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para akong nanghihina kaya hindi ako makapagsalita at tuloyang natulala.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang dahan-dahan niyang dinidikit sa 'kin ang katawan niya. Mayamaya ay bigla niya akong itinulak kaya napahiga ako ngayon sa sofa.

Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, para niya akong ginapang mula ibaba hanggang paitaas. "Dapat mo nang matikman kung paano ako magalit." Habang sinabi niya 'yon ay napakagat pa siya sa labi. "Huwag ka lang iiyak." Dagdag pa niya.

Parang naging blanko ang pag-iisip ko na wala man lang akong ginawa, hinayaan ko lang nakapatong sa 'kin ang katawan ni Haku habang dahan-dahan niyang inilapit sa 'kin ang kanyang mukha.

Tumitibok ang puso ko when he gently touch my lips. "This beautiful lips of yours, are only mine." Mukhang gusto niya akong halikan.

Hindi ko alam kung anong klaseng espiritu ang sumapi sa 'kin dahil dahan-dahan akong nagpikit ng mata instead na umiwas. Sa isip ko ay gusto ko itigil ang kahibangan na 'to pero parang ayaw ng katawan ko, ni-hindi ko magawang kumilos.


Tsaka lang ako nagising sa kalokohang ito nang marinig ko ang dahan-dahan na pagbukas ng pinto. Napatingin ako sa pinto at nakatayo doon sina Vincent at Blue. "Haku, Tian—" natigilan sila at halos mahulog ang mga panga nila nang makita kami ni Haku sa sofa.

Nanlaki ang mga mata ko at maging si Haku ay napatingin sa kanila. "Ginagawa niyo...?" Tanong nila. "W-Wala..." dali-dali kong itinulak si Haku at sa lakas no'n ay nahulog pa siya sa sofa at napangiwi dahil sa pagkatama niya sa sahig.

Agad akong tumayo sa harap ng mga kaibigan ko at kabadong-kabado ako dahil nakakunot ang mga noo nila. "What thing we just missed...? Magpaliwanag kayo..." parang pinipigilang matawa ni Vincent, knowing my friends mga dirty minded sila.

Kaya nataranta na ako. "A-Ano, w-wala...tinulongan ko lang siya..." dali-dali akong umupo at nag-abot ng kamay kay Haku, humawak naman siya sa 'kin kaya dahan-dahan ko siyang tinulongan makatayo.

"Sure kayong hindi kayo nag-away?" Tanong ni Blue at umiling naman ako. "Hindi ah..." sagot ko at makapanti na sana ako pero biglang nagtaasan ang mga kilay nila. "So ibig sabihin, may ginagawa kayong kakaiba...?" Parang nagpipigil ngumiti si Blue.

Nagtinginan sila ni Vincent. "Something spg, bawal sa mga batang manunuod..." hirit ni Vincent. "Something miracle...gosh ang aga pa para sa paputok niyo..." natawang sabi ni Blue at nagtawanan na nga silang dalawa.

Mas lalo akong nataranta. "Ay oo yes...yes nag-aaway pala kami, hindi ko siya bati..." agad kong binitawan si Haku at tinulak papunta sa sofa. Hindi ko na tinignan ang mga kaibigan ko at nakatingin nalang ako kay Haku na nagmukhang batang nagugulohan sa lahat.

"Dyan ka na nga, diputa ka!" Sigaw ko kay Haku at napakamot-ulo lang siya tsaka ako nag walk out.


Pumasok ako sa kwarto at agad kong pinagsusuntok ang kama. "Arrrgghhh...nakakainis ka talaga Haku..." nanggigigil na ako.

Pinilit kong kumalma at dahan-dahan na naghubad ng t-shirt para makapag-bihis na ako. Papunta na sana ako sa drawer para kumuha ng damit nang biglang pumasok sa kwarto ko si Haku dahil nakalimutan ko palang isara ang pinto.

Make You Mine Season 2 | Heartful Academy 1Where stories live. Discover now