Chapter 3

4 0 0
                                    

LUCIAN KEITH MONTEROSA

Kaming dalawa ni Knight ang naiwan sa lamesa dahil tumulong si Leigh sa pagkuha ng mga pagkain.

"Ang sakit ng ulo ko." Sabi ko rito at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Mas masakit pag walang ulo." Pilosopo niyang sabi at natawa.

"Want mo tanggalan kita ng ulo, hah?" Tinignan ko siya ng seryoso at may halong pagbabanta.

"Ito naman masyadong seryoso. Nagjojoke lang eh." Sabi nito at hinila ako pabalik para ma-isandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"Corny mo."

"Want to go to the nurse's office?" Nag-aalala niyang tanong.

"Hindi na, I'm sure papauwiin lang ako ng nurse dun, alam mo naman kung kagaano kasungit ni nurse Sha, hindi ba?" Sabi ko, ang taray nun. Siguro nga pagpumasok ako dun talagang mabubungangaan ako.

"Yeah, last time na pumunta ka doon ay talagang napagalitan ka, she even said na huwag na raw papasok kung may sakit." Sabi nito.

"Oo nga, para gamot lang pinagdadamot pa." Sabi ko naman.

"Pero teka nga, akala ko ba ayaw mo kumain? Eh bat ka nandito." Tanong niya.

"Nagutom ako e, sumasakit rin yung tiyan ko."

"But you haven't ordered anything."

"May pagkain ka naman, sharing is caring noh." Sagot ko.

Dumating na rin sila kasama ang order na pagkain.

I look into Knight's food tray, may spaghetti, egg sandwich with lettuce and tuna spread, 2 slices of apple, warm soup, at isang nestea juice.

"Here, you should have the soup so it can warm your stomach." Ibinigay niya sa akin ang bowl ang soup, it's a carrot soup.

"Gusto ko rin ng spaghetti ih." Sabi ko rito.

"Mamaya na, orderan nalang ton kita, finish the soup first para naman hindi sumakit ang tiyan mo." Sabi ni at ibinigay sa akin ang spoon.

"Kung umasta kala mo mag jowa." Bulong ni Leigh na narinig ko naman.

"Tigil-tigilan mo nga ako Leigh, iba ang mood ko kapag gutom." Sabi ko rito na ikinatawa naman ni Lucas.

"Kung hindi ko lang kayo kilala ay iisipin ko ring magjowa kayo." He said and then smirked at Knight who just shrugged at inakbayan pa ako.

Sinayd-ayan ko ito at kinurot ko sa tagiliran, dahilan para mapangiwi siya sa sakit.

"Ito naman, para friendly akbay lang ih." Reklamo nito at napanguso.

Napatawa nalang ako and pinched his pouted lips.

"Mmhh!" Sabi nito sabay pigil sa kamay ko at saka niya hinawakan ang labi niya.

"My dear precious virgin lips, bat mo ginawa yun? Ang sakit." Reklamo niya.

"Eh para kasi pato e." Tawa ko saka hinawakan ang babaan ng labi niya na ngayon ay namumula saka ito minasahe.

"Ehem!" Pekeng ubo ni Leigh. "Respeto naman sa mga single oh." Sabi nito na ikinawata naming apat.

Natapos recess ng hindi manlang nakakain ng spaghetti.

"Knight, hila ko sa laylayan ng uniform niya." Nandito na kami sa classroom at nag tuturo na ang aming guro.

"Yes hon?" Sagot nito, na sanay na rin ako na gumagamit siya ng mga endearment kaya binalewala ko nalang ito.

"I'm still hungry, sumasakit rin uli yung tiyan ko." Sabi ko rito.

"Pano bayan?" Tanong niya, "Sige ganito nalang, mag papaalam ako na iihi tapos after some minutes ay magpaalam ka rin? How about that? Kita nalang tayo sa canteen." Nakangising suggestions niya.

"Bat ka sasama?" Tanong ko rito.

"I'm hungry too, atsaka ang boring ng klase, kahit siguro makinig ako ay hindi ko maiintindihan yang formula."

"Baka mapagalitan tayo." Nag-aalalang sabi ko.

"We won't."

XAVIER KNIGHT HERNANDEZ

Tulad ng sabi ko ay nauna na akong nagpaalam saka dumiretso sa cafeteria, walang tao rito dahil magkahiwalay ang cafeteria ng college students at highschool students.

Pumunta ako sa counter at nag order ng spaghetti, graham balls at isang chucky na drink para kay Keith.

Bumili na rin ako ng tatlong tsitserya na honey butter saka umupo sa isa sa mga upuan doon.

Ilang minuto ay dumating na rin si Keith. "Wow, ang dami naman niyan, pahingi nga." Sabi niya at aakmaing kukunin na sana ang honey butter ng ilayo ko ito.

"Ikaw na nga itong nilibre ng pagkain, ikaw pa tong manghihingi." Sabi ko rito.

"Para sa kunting barya lang eh." Sabi niya saka umupo sa kaharap na upuan ko.

Dali-dali siyang kumain na parang baboy dahil sa nagkalat na sauce ng spaghetti gilid ng labi niya.

Inilabas ko ang panyo ko at dahan-dahang pinunasan ang gilid ng labi niya, pagkatapos kong punasan ito ay ipinagpatuloy niya ang pagkain niya.

"Hey slow down, hindi naman tatakbo yang pagkain mo e." Sabi ko rito habang ninginguya ang binili ko.

"Ayaw mo ngang magbigay ng honey butter e, parang mauubusan ka naman." I rolled my eyes, I know na kapag sumakit ang tiyan nito ay hindi ito gagaling hanggang hapon.

"Baka gusto mong sumakit pa lalo yang tiyan mo?"

"Onti lang eh." Sabi nito.

"Just speed up." Sabi ko rito.

"Akala ko ba slow down? Bat ngayon speed up?" Napatingin siya sa akin.

"Edi medium middle." Sagot ko rito.

"Anong medium middle? San mo naman nakuha yan?"

"Ano ba ang gitna ng slow at speed? Edi medium! Same with up and down!" Sagot ko rito.

"Dami mong alam!"

"Matalino eh." Napatawa ako sa sagot ko.

The Unexpected ObsessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora