Nanghihinang ungol ang kumawala sa mga labi ni Asher nang bumagsak siya sa balikat ko at yakapin ako. "Lai... Ah, Lai, pagod..."


Nakangiti na niyakap ko rin siya. Ah, what a spoiled baby...


Tutal ay nagpapatila pa kami ng ulan, kaya naman pinagpahinga ko muna siya sa sofa dahil hinang-hina siya. Noong kaya niya na ulit tumayo nang hindi nanginginig ang mga tuhod ay doon ko na siya pinauwi.



NANDITO NA NAMAN AKO.


After a week of studying in the hopes of graduating from school for a good life, before returning home to a fake ideal life, and before having fun with the person I used to just dream about, dito na naman ako unang dinala ng mga paa ko.


Dito sa lugar na wala dapat kinalaman sa akin, pero makailang ulit nang binalikan ng mga paa ko. Ngayon ay nakatago ulit ako sa isang poste. Nakatanaw sa naglalakad na babae. Kay Linda na kauuwi lang mula sa trabaho nito.


Naglalakad lang lagi at hindi ko pa nakita na nag-tricycle. Pagkauwi sa bahay ay imbes makapagpahinga ay sasalubungin pa ito ng patong-patong na problema. And I doubt kung nakakain man lang ba ito pagka umuuwi sa kanila.


Nag-iisang madilim ang bahay nila sa looban dahil nga nabaklasan na ng kuryente sa kanilang kinakabitan. Hirap daw kasi silang makabayad. Sa eskinita pa lang ay mauulinigan na ang reklamo ng nanay, tatay, mga kapatid, at iyakan ng kanyang mga pamangkin. Naroon na rin pala sa kanila ang menor de edad niyang bagong hipag na buntis.


Wala naman akong pakialam. Kahit pa nga may mamatay sa miyembro ng pamilya nila. Kadugo ko man kasi sila ay hindi ko naman sila mga kilala. Para sa akin ay ibang tao sila. Kaya bakit? Bakit nga ba ako nagsasayang ng panahon sa kanila?


Ah, damn Rio. Kasalanan ng siraulong iyon ang lahat ng ito.


Isang batang babae na sa tantiya ko ay naglalaro sa edad na nine to ten years old ang kasunod ni Linda na papasok sa eskinita. Payat na payat din ang batang babae. Sa kanang kamay ay may bitbit itong plastic na ang laman ay giniling na bigas. Iyong ginagawang am kapalit ng gatas.


Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan at sinitsitan ang batang babae. Lumingon naman siya sa akin. Nagtataka siguro kung sino ako. Inilabas ko ang aking cell phone. "Gumagawa ako ng video," ani ko.


"Po?" inosenteng tanong ng batang babae. Ang suot ay lumang malaking t-shirt at pudpod ang tsinelas na gamit.


"Video. Iyong ina-upload sa Internet. YouTube, hindi mo ba alam iyon?"


"Alam ko po. Nakikita ko sa compshop pag nadaan ako, nanonood sila ng mga video. Mga kanta, sayaw, at iyong iba ay maiiksi pong movie."


Napangiti ako. Matalinong bata siya. "Ganoon ang ginagawa ko. Nagre-record ako ng video na ina-upload ko sa YouTube. Mga kuwento tungkol sa mga iba't ibang tao. Ikaw, puwede ba kitang ma-interview?"


"Baka hanapin po ako sa amin, eh."


"Sandali lang naman tayo. Saka, babayaran kita pag pumayag ka." Dahil doon ay kuminang ang mga mata ng bata, subalit may pag-aalinlangan pa rin. "'Wag kang mag-alala, hindi naman ako bad. Tsaka, maraming tao rito o. Puwede kang sumigaw anytime."

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now