Napangiti ako nang umilaw ang screen ng aking cellphone. Kaagad kong binuksan ang mensahe mula kay Akill.

From: Akill
I'll be right there in 30 minutes.
Tatapusin lang namin itong meeting.
Pakatapos ay dederitso kaagad ako riyan. Stay right there and don't go somewhere else.

To: Akill
Okay!

Wala pa mang ilang segundo nang maipadala ko ang aking mensahe ay nagreply na kaagad ito.

From: Akill
I love you, darling. Sana matapos na kaagad 'tong meeting, I really want to see you na:(( Please, give me a warm and tight hug when you see me. I'm really really tired. Ang dami naming ginawa ngayong maghapon.

Napangiti ako nang mabasa ang kaniyang mensahe. Kaagad rin naman akong nagtipa ng sagot.

To: Akill
I will. So for now, just focus on your meeting. 'Wag mo muna akong landiin at makakapaghintay naman ako rito.

"Liele?"

Nagtaas ako ng tingin. I startled when I recognize who owned that face.

Papa. . .

Tumingin ako sa paligid, looking for someone na baka kasama niya.

"Wala akong kasama, anak. Ako lang." Saad niya nang siguro mapansin na tila may hinahanap ako.

Anak? Gusto kong humalakhak. How dare him call me that after they abandoned me!

Mahigpit ang kapit ko sa cellphone nang salubungin kong muli ang kaniyang mata.

"Can I sit here?" pagtukoy niya sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Kahit may namumuong galit sa puso ko ay tumango ako. Hindi ko rin maipagkakaila na may parte sa akin na gustong makausap siya.

"How are you, Liele?" Bigla ay tanong niya.

Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana, nag-iisip ng tamang isasagot ko sa kaniyang katanungan.

Ano ba ang dapat isagot ko? Na hindi ako okay? Na simula nang iwan nila ako at talikuran para sa kanilang sariling kapakanan ay mas naging miserable ako?

"Maayos ho. Kagaya niyo, masaya na rin ako sa buhay ko ngayon."

Right. My life was better now because of him, because of Akill.

"That's good to hear. Ang pag-aaral mo? Kamusta naman?"

"Nasa dean's list pa rin ho ako."

"Nabalitaan kong tinanggap mo ang alok sa iyong pagpapakasal, bakit hindi mo naisipang lumapit sa akin, anak? Imbes na tanggapin ang alok na iyon."

"Lumapit?" Hindi makapaniwalang binalingan ko siya ng tingin. "Bakit ako lalapit sa taong tinalikuran ako at siyang kusang lumayo mula sa akin? Para ano? Ipahiya ang sarili ko?" Umiling ako. "Huwag na lang, ho. Mas maaatim ko pang lunukin ang pride ko sa harap ng ibang tao kaysa sa inyong kadugo ko. " Hindi ko napigilan ang bibig ko.

"I didn't completely abandon you, anak. Sinubukan kong hanapin ka---"

"Tangina naman, pa!" Tila may kung anong kumalabit sa natutulog na galit sa puso ko dahilan para hindi ko napigilan ang mapasigaw. I gritted my teeth and clenched my fist. "Napaniwala ko na ang sarili ko na kailanman ay hindi niyo ako magagawang mahalin ni mama. Na kailanman ay hindi ko mararanasan ang aruga ng isang magulang. Tinatanggap ko na, pa. . . Napapaniwala ko na ang sarili ko na gano'n lang talaga ako kadaling talikuran. Kaya putangina. . . please lang, 'wag mo nang bilugin ang utak ko! 'Wag mo na akong paasahin pa. . ."

Ayoko, ayokong paniwalain ang sarili na hinanap niya talaga ako. Natatakot ako na kung kailan kinakaya ko na na wala sila, saka naman ako muling babagsak at magsisimula sa umpisa.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now