Chapter 26

15 0 0
                                    


Flashback

"Hiiii?"

"Ikaw na naman"

She's always here in our house

"Good morning little Whendy" bati ni papa sa kapitbahay naming bata

Tinignan ko kaagad ang likuran nya dahil baka nakasunod na naman yung kuya nya

Yung kuya nyang nakakatakot

"Ano pong almusal nyo? Can i have po?"

Patay-gutom pa oh!

"Sure, come inside"

Papa! Favorite ko yung hotdog na yun!

"Hi Whendyy" bati kaagad ni Ate Valine sa kanya at niyakap pa sya

Ohh close pa sila?

"Here"

"Ate favorite ko yun" bulong ko sa ate ko na pinalo pa ang kamay ko

"Ang taba mo na nga nagdadamot ka pa"

Pagkatapos namin kumain ng almusal ay naglaro muna kami sa labas ng tagu-taguan

"Whendy ikaw ang taya"

Mabilis akong nagtago sa gilid ng bahay namin habang nagbibilang si Whendy

Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang may yumakap sa akin

"Bulaga! I found you My Prince"

"Huwag mo akong yakapin ano ba" reklamo ko pero mahigpit talaga ang yakap nya

"You're so pluffy kasi ih! Can you promise me?"

"Anong promise?"

"Whendy!" Sigaw ng pamilyar na boses na kinatatakutan ko

Nang makauwi si Whendy kasama ang kuya nya ay inasar ako nila papa dahil napicturan kami ni ate habang magkayakap sa gilid ng bahay namin

"Hindi ko siya niyakap"

"Niyakap mo kaya, may ebidensya ako oh"

"Ate!"

Sa huli ay hindi ako nanalo sa kanila, inilagay din kasi ni mama ang picture sa photo album ko

Halos araw-araw ay nangangapitbahay sa amin si Whendy at araw-araw rin ay nakabantay sa kanya ang kuya nya

"Do you like my sister little fat boy?"

"N-no"

"Yes pala"

Sinong hihindi e susuntukin na ata nya ako e!

"When she grow up, pakasalan mo."

"Huh?"

Kasal agad?

"I don't trust any other guy for her, only you"

Ayaw mo nga ako palapitin sa kanya noon tapos biglang ipakakasal ako?

Isang araw ay nagising na lang kami sa hindi magandang balita

Naaksidente raw si papa habang chinecheck yung view sa building na ginagawa nila

Ni hindi na namin makilala si papa dahil sa itsura nya noong nahulog siya mula sa 30th floor ng building

Sinagot ng kumpanya ang pagpapalíbing kay papa maging ang isang taon naming pamumuhay ng pamilya nya.

Pero hindi sapat ang isang taon para mabuhay kami.

Lumipat kami ng bahay at hindi na nakapagpaalam kina Whendelyn.

"Bakit mo naman ibinenta bahay natin mama? Pundar ni papa yun! Yun nalang ang naiwang ala-ala ni papa sa'tin bukod sa pictures" umiiyak na lahad ni ate Valine

Inaayos ko ngayon ang salansan ng mga photo album namin nang malaglag ang picture namin ni Whendy

Nakaramdam ako ng kirot sa isiping wala ng makulit na batang gigising at mangungulit sa akin tuwing umaga.

Mula ng araw na yun ay nangako ako sa sarili ko na hindi ako magpapakasal kung hindi lang din naman sya.

Naniniwala ako na kung kami talaga ay gagawa ang tadhana ng paraan para muli kaming magsama.

End of Flashback

Mas lalo ko siyang binantayan at pinanood mula sa malayo

Sa ngayon ay hindi ko pa sya kayang i-pursue dahil wala pa akong maipagmamalaki sa buhay

Studyante pa lang ako at walang napapatunayan, gusto ko na sa oras na makilala nya ako bilang ang batang matàba na kinukulit niya noon ay kaya ko na syang idate sa mamahaling restaurant at ibili ang mga gusto at kailangan nya.

Hanggang sa nabuntis si ate na mas lalong nagpakumplikado ng sitwasyon

Lumipat kami ng bahay dahil sa nalaman ni ate tungkol kay Kiroshi

Nakita ko rin ang pagkabalisa ni Whendy nang mawala si ate

Panigurado akong hinahanap ni kuya Kiro si ate pero hindi ko sila tutulungang mahanap si ate kung magiging kabit lang din naman ang ate ko

Limang buwang gulang na si Tyler nang mapag-alaman kong hindi ikinasal si Kuya Kiro doon sa Prinsesang itinakda sa kanya

Hindi ako makahanap ng lakas ng loob na lapitan si Whendy para hingan ng tulong

Gusto ko kasing mabuo ang pamilya ng ate ko at lumaki si Tyler na may kinikilalang ama

Pero natatakot ako na baka kapag nagkalapit muli kami ni Whendy ay yakapin ko nalang sya ng mahigpit at paulanan ng halik

Isang linggo bago ang 7th month old celebration ni Tyler ay naglakad na ako ng loob para lapitan si Whendy

Mabuti na lamang ay napapayag ko siya sa set up namin

Pigil na pigil ako sa sarili kong yakapin sya nang mga araw na yun.

Dahan-dahan Jemuel, makukuha rin natin si Whendy..

I Hate You (Amaris Series 2nd Gen Book 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora