Chapter 25

14 1 0
                                    


Jemuel Trinidad Seño Pov

"Jemmmm"

"Bakit ba?"

"May partner ka na ba sa party?"

"Mayroon"

"Sus mukha mo ano nga? Wala pa kasi akong partner e"

"Mayroon nga, nagtanong ka pa kung hindi ka maniniwala?"

Ngumuso siya habang naglalakad kami palabas ng campus

"Eh sino yung partner mo?"

Sino nga ba?

Luminga ako sa paligid nang may babae akong nakita na pumasok sa store na malapit sa university namin

"Ayun!" Turo ko sa babaeng kapapasok lang doon sa loob

"S-si Whendelyn? Pinagloloko mo ba ako?!"

"Bakit kita lolokohin?"

"Mayaman yun e, saka out of your league si Whendy."

"Out of my league? E kapartner ko nga siya sa party e.." mayabang na saad ko kahit deep inside ay nachachallenge ako

Wala na e, siya na ang naituro ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan para siya ang makasama ko sa party.

Pumasok ako sa store na pinasukan din nya and tried my best to find her

Joke lang, maliit lang naman ang store kaya madali ko siyang nakita.

Nakita ko siyang sinusubukang abutin yung kahon ng Cereal dahil hindi niya abot

Pandak ang wolah.

Nilapitan ko siya kaagad at pumuwesto sa likuran nya para kunin ang Cereal

Iaabot ko sana sa kanya kaso parang ang sarap nyang asarin kaya inilagay ko sa mas mataas na layer para mas lalo niyang hindi maabot

"You!" Sigaw nito sa akin nang makatalikod ako

Nageexpect ako na makikiusap sya sa akin na i-abot sa kanya yung kahon pero wala na siyang kasunod na sinabi

"Pandak!"
Tanging nasambit ko na lamang bago lumabas ng store

Tinandaan ko rin ang suot nitong uniform na pang-business class kaya madali ko siyang mahahanap kung sakali.

"Oh bakit hindi mo kasabay lumabas?"

"Kumiss lang ako, namimiss daw ako e." Mayabang na saad ko

Suplada ata pre!

Sinubukan ko siyang sundan palihim at sinadyang magkakausap kami sa tuwing malapit kami sa isa't-isa

Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya na kailangan ko siya sa party kaya idinadaan ko na lamang sa pang-aasar sa kanya para matandaan nya ang gwapo kong mukha

Sa kasusunod ko sa kanya ay naaktuhan ko kung paano siya hinabol ni Arthur mula sa labas ng campus

Nag-init ang pakiramdam ko sa galit nang makita kong tatangkain nyang gahasain ang malditang babae na lagi kong inaasar.

Nang sagipin ko siya ay pumayag siyang maging date ko sa party.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na muntik na syang gahàsain ni Arthur dahil kung hindi nangyari yun ay wala akong date sa party.

"Huy pre alam mo bang pamangkin ng hari sa United Kingdom 'yang date mo?"

"Pamangkin ng hari? Pre tinatakot mo ba ako?"

"Hindi pre, tanungin mo pa si Cecilia."

"Ayaw kasi nyan maniwala sa'kin e, i told you nga 'di ba? She's out of your league "

Isa siyang prinsesa?

Sinulyapan ko sya na kasalukuyang nakikipag-usap sa mga ka-table naming babae.

Mukha naman siyang mabait, minalditahan lang siguro ako dahil malakas ako mang-asar.

Gaya ng pangako ko sa kanya ay hindi ko na sya kinulit pa pagkatapos ng party

Ngunit hindi ibig sabihin nun na titigil na rin ako sa pagbabantay at panonood sa kanya mula sa malayo.

Pakiramdam ko kasi ay matagal na kaming magkakilala, sa tuwing magdidikit ang mga balat namin ay masarap sa pakiramdam ko.

Na para bang matagal ko na syang hinahanap-hanap at gustong mayakap.

"Kayo na ba ni kuya Kiroshi ate?"

"Hindi noh!"

"Sus napapadalas na nga ang pagpunta ni kuya Kiro rito"

"Oo nga ate" sulsol ni Jairus sa akin na bunso naming kapatid

"Basta kung ano man ang meron sa'min yun na yon"

"Edi kayo na nga?" Singit ni mama

"Wag na kayo magtanong nape-pressure ako"

"Ate last na" seryosong saad ko

"Oh?"

"Anong surname ni kuya Kiro?"

"Amaris, bakit?"

Amaris..

Sinimulan kong mag background check sa pamilya ni Whendelyn sa pamamagitan ng pag-search sa internet at social media nila.

Doon ko napatunayan na magkakamag-anak ang nobyo ni ate at si Whendelyn

Sa kaka-scroll ko sa Instagram account ni Whendelyn ay may isang photo na pumukaw sa atensyon ko

Nagmamadali akong tumungo sa sala namin at kinuha ang photo album ko noong grade school ako

"Siya yun..." sambit ko sa sarili ko dahil sa litrato

Sya yung batang laging yumayakap sa akin noong mga bata pa lang kami, noong buhay pa si papa..

I Hate You (Amaris Series 2nd Gen Book 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن