"I texted you. I even called you, ikaw nga itong hindi sumasagot." humalukipkip ito.

Namilog ang mata ko bago dampotin ang cellphone sa gilid ko. Nang buksan ko ang screen ay nakita ko ang 2 message at 30 missed calls.

Napamura ako sa isip ko, 30 missed calls?! Marahil ay sa labis na kalasingan kagabi ay hindi ko na nagawang i-check ang cellphone ko. Maging i-text si kuya Nyx ay hindi ko nagawa.

Nahihiyang ngumiti ako nang tignan ko siya.

"Sorry," tanging naiusal ko."Nga pala, how I managed to go home, last night? " kinagat ko ang ibabang labi, "Ang huling natatandaan ko lang kasi ay pakatapos kong malasing ay si George ang huli kong kasama, siya ba ang naghatid sa akin?" tanong ko. Pilit ko ring sinubukang alalahanin pero bigo pa rin ako.

"You can't remember what happened after that?"

Tumango ako.

"Do you want me to make you remember? " I watched him crossed his arm on his chest. Ang tono kaniyang boses ay tila nanunuya.

Tumango ako dahilan para sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

"Bakit? May ginawa ba akong kung ano nang umuwi ako dito?" tila natataranta kong tanong.

He shook his head. "Nang umuwi ka rito ay wala, but before we go home. . ." mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang labi, "meron."

"We? kasama kitang umuwi?" takang tanong ko, pero natigilan ako nang may marealize ako. "Ikaw ang naghatid sa akin pauwi?! Sinundo mo ako?!" nanlalaki ang matang tanong ko.

"Yeah," nagseryoso ang kan'yang mukha.

At doon ay unti unti ko pa lang nagawang maalala ang huling nangyari.

Napasinghap ako, Tangina?!

So, hindi dahil sa kalasingan kung bakit nakita ko ang mukha niya sa lalaking bumuhat sa akin dahil siya mismo iyon?!

Gulat na napatayo ako.

At yung lalaking kausap ko kagabi, siya yon?!

Napangisi siya nang tila mapagtanto na naaalala ko na ang nangyari.

"You remember it now?" tumayo sya mula sa pagkakaupo dahilan para pagitnaan namin ang kama habang pareho kaming nakatayo sa magkabilang gilid nito.

Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng mukha ko.

Dahil sa labis na kalasingan ko kagabi, I fucking told him I love him! I confessed my feelings for him!

"Tell me again that you love me." seryosong sabi nya, hindi ko pa rin sya ginagawang tignan. "Illara. . ." pagtawag nya.

I shook my head, "L-lasing ako no'n. H-hindi ko alam ang mga sinasabi ko. D-dala lang siguro ng alak k-kaya nasabi ko 'yon."

Dumilim ang mata nya sa narinig. Mabilis na sinugod n'ya ako dahilan para umatras ako. Sunod-sunod ang ginawa kong paghakbang paatras habang patuloy s'ya sa ginagawang paglapit sa akin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang tuluyan na akong walang mahakbangan. Lumapat ang likod ko sa pader at doon nya ako nacorner.

Nilapat n'ya ang parehong palad sa pader, both on my side, above my shoulder.

Sinalubong ko ang matilim na titig niya dahilan para mas lalong lumakas ang kalabog ng aking puso.

"You love me, don't you?" siguradong tanong niya.

Umiling ako. He clinched his jaw.

"Really?" he said, obviously annoyed. "If I kissed you right now, would you push me away?" tanong nya,

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now