CHAPTER 5

12 6 0
                                    

Natatawa kami ni Miko habang nagbabatuhan ng biruan tungkol kay Sir Hawk. Talagang hindi ko mapigilan ang sarili kong asarin siya, lalo na't alam kong strict na strict siya sa company policies. Pero natutuwa rin ako't kahit papaano ay nakita ko rin ang mabuting ugali niya kanina sa pagtulong kay Miko. Siguro nga hindi lang talaga siya sanay magpakita ng ganoon sa mga empleyado niya.

"Tara na nga, Miko. May pasok pa ako bukas. Salamat sa libreng kain ha!" paalam ko sa kaibigan.

"Sige, ingat ka! Text mo ko, balitaan kung may chika ka ulit tungkol sa paborito mong boss si Sir Hawk!" biro niya.

Umirap lang ako at tumawa. Pag-uwi, dumiretso ako agad sa kwarto ko at humiga. Pagod na pagod ang katawan ko pero puno ng kwento ang utak ko para sa mga nangyari kanina.

Kinabukasan, pumasok akong maaga sa trabaho upang iwasan ang masamang tingin ni Sir Hawk. Pero lingid sa kaalaman ko, maagang dumating din pala siya. Nagulat ako nang biglang may bumati sa akin mula sa likod.

"Good morning, Miss Vargas. Maaga kayo ngayon ah," bungad ni Sir Hawk.

Napalingon ako at nakitang nakangiting tumitingin sa akin si Sir Hawk. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil never ko siyang nakitang ngumiti o bumati nang ganito.

"Ah, good morning din po Sir Hawk!" nauutal kong bati pabalik.

"Kumusta? May iutos ako sayo. Sa isang linggo ang gagawin mo lang ay kumuha sa stock room ng mabibigat na sapatos at ilagay dito." Naka ngising saad ni sir Hawk

"Pero sir Hindi ko trabaho yan" depensa ko

"Well kasalanan mo ito. ka hapon ako yong Pina access mo sa customer eh trabaho mo yon at boss mo ko"



Napahawak ako sa ulo at napabuntong-hininga. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin sa akin ni Sir Hawk pagdating ko ngayong umaga. Alam kong mali nga na ipina-access ko ang customer sa kanya kahapon, pero hindi ba masyadong harsh na parusahan ako nang ganito? Ang bigat-bigat kaya ng mga kahon ng sapatos sa stock room!

"Pero Sir Hawk, hindi po ba masyadong mabigat na gawin 'yon ng isang linggo? Maawa po kayo," maktol kong sabi sa kanya.

Ngumisi lang siya. "Ganyan naman talaga ang consequences pag may violations sa company policy diba? At isa pa utusan kita bilang boss mo kaya dapat gawin mo. Kung ayaw mo maparusahan muli, sundin mo na lang akin sasabihin."

"Pero Sir Hawk Hindi ko yon kaya"

"Aangal ka? gusto mo ba tangalin Kita o gagawin mo na lang inuutos ko"

"Ay Sabi ko nga gagawin ko na" palusot ko Kay sir para Hindi ako tanaglin

"Good"

"Kainis karmahin ka Sana"

"May sinasabi kaba Rose?"

"Ang Sabi ko sir pupunta na ako sa stock room"

Wala na ko magagawa kundi sumunod na lang sa gusto niya. Alam kong kahit anong daing o reklamo ko hindi niya pipakinggan dahil power trip na naman siya.

Lumipas ang mga araw at naka ilang balik na rin ako sa stock room para magdala ng mabibigat na kahon papunta sa shop floor. Hingal at pawisan na pawisan na ko sa pagbubuhat at pagsasampa mula hagdan. Ramdam ko na rin ang pananakit ng likod at mga braso ko.

"Oh Rose ok ka lang ba?" Kunwaring nag aalala si Sir Hawk pero nag aasar Naman

"Ok na ok ako sir hindi Naman ma bigat"

"Talaga ba? Hindi mabigat dagdagan pa kaya natin Yan"

"Ano?"

"Nag rereklamo kaba"

Shoe Gold Mall Where stories live. Discover now