CHAPTER 4

11 7 0
                                    

Nasa food court kami ngayon ni Miko, kumakain ng mid-afternoon snack. Kasalukuyan siyang abala nakatingin sa kanyang cellphone, naghahanap ng magandang sapatos na ire-regalo niya sa kanyang girlfriend na si Andrea para sa kanilang anniversary sa susunod na linggo.

"Pre, tulungan mo nga ako makahanap ng magandang sapatos para kay Andrea. Alam mo bang mahilig siya sa heels at mga classy na sandals? Kailangan perfect talaga para happy siya," sabi niya habang tinitingnan ang mga online shops.

"Oo nga pala, malapit na anniversary niyo. Hmm, bakit hindi ka bumili sa Shoe Gold? Alam mo naman branded at magaganda talaga mga sapatos doon. At since employee ako doon, pwede kita bigyan ng discount," sagot ko.

"Ay oo nga pala! Naku salamat, Rose ha. Sige doon na lang tayo mamaya para makapili na ko kaagad. Kailangan ko na makuha this week para sigurado may maidregalo ako sa kanya by next week," natutuwang sabi ni Miko.

Pagkain namin, dumiretso kami sa Shoe Gold mall branch. Pumasok kami at dinala ko siya sa women's shoes section.

"Uy ang ganda nito oh! Simpleng puting stiletto sandals pero ang ganda talaga," sabi ni Miko habang hawak ang isang kahon.

Tiningnan ko ang presyo. "Oo maganda nga yan! At mura lang, 25% off pa ngayon dahil end of season sale. Perfect for anniversary gift!"

Ngunit bigla kong naalala, bawal pala akong magbigay ng empleyado discount sa mga sapatos na naka-sale o may ongoing promotions.

Kaya kahit gusto kong tulungan si Miko, hindi pwede mag-apply ang staff discount dito. 

Napabuntong-hininga ako. "Ay sorry pre, nakalimutan ko hindi pala pwedeng i-discount 'yan kasi may sale na siya. Policy kasi ng company," naiinis kong sabi.

"Aray ko naman, sayang. Sige check natin kung may full price na maganda," tugon ni Miko.

Samantala sa kabilang aisle, napansin kong papalapit si Sir Hawk na supervisor namin na matagal ko nang kinamumuhian. Agad akong nag tago.

Lumingon ako kay Miko. "Psst, pre. Yung boss kong galit sa akin nandito, si Sir Hawk! Mamaya kung makita niya tayo baka sabihin may ginagawang kalokohan na naman ako!"

Napailing si Miko. "Aba'y huwag naman sana. Sige magtago ka muna sa likod ng shelves, ako muna bahala maghanap ng sapatos!"

Kaya nagtago ako sa likod ng shelf, nakatingin lang sa malayo habang pinapanood si Miko na naghahanap ng sapatos. Maya-maya, pumunta nga si Sir Hawk sa aisle namin at nakita si Miko.

Lumapit siya kay Miko at seryosong tanong, "Good afternoon sir, may I help you find something?"

Kabado akong nakatingin lang sa malayo. Sana hindi niya ako mapansin. Ayokong may gulo na naman.

"Ah yes, I'm looking for shoes to give my girlfriend on our anniversary. Can you recommend good pairs?" sagot ni Miko kay Sir Hawk.

"Asan ba si Rose dapat siya yong nandito, how lazy she is.. Boss ako pero ako nag eenternatain ng customer hayss"

Tumango at pilit na ngumiti si Sir Hawk. "I see. What style does she usually like?"

Nilapit niya si Miko sa Italian leather shoes display. Pinapakita niya ang iba't-ibang klase ng heels at sandals.

Si Miko naman, naguguluhan sa maraming pagpipilian pero seryosong nakikinig kay Sir Hawk.

Maya-maya, napili na ni Miko ang isang magandang nude pointed shoes na may maliit na heels at bow details.

"I'll get this pair! I think my girlfriend will really love this, it's very elegant talaga. Salamat po sa tulong, Sir!" masayang sabi ni Miko.

"You're welcome. I'm glad I could help," nakangiting sagot ni Sir Hawk.

Pagkatapos bumili ni Miko, lumabas na kami ng mall.

"Ang bait pala nung boss mo ah! Akala ko galit sayo yun?" gulat na sabi ni Miko.

Ngumiti lang ako. "Syempre customer ka. Dapat talaga maging mabait"

Maya-maya, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Nagulat ako nang makitang si Sir Hawk ang tumatawag sa akin. Agad ko itong sinagot.

"Hello po, Sir Hawk?" bahagya kong nauutal.

"Miss Vargas, I saw you kanina sa store. I hope wala kang ginagawang against company policies while assisting your friend?. At dapat Ikaw yong nag a-access sa mga customer Kong ano gusto nilang bilhin Hindi ako" seryoso niyang sagot.

"Sorry sir. Opo, wala pong violations sir! Sinusundan ko po lahat ng rules," agad kong sagot.

"That's good. I wanted to call you para sabihin lang na sa susunod Ikaw na gumawa kahit kaibigan mo pa Yan ikaw dapat ang nag a-access dahil employee ka," mahinahong pero Galit na sabi niya.

"Opo, noted po sir! Hindi na mauulit" naguguluhang sagot ko.

Pagkababa ng tawag, napanganga pa rin ako kay Miko habang nagke-kwento.

Mukhang mali nga ang dating pagkakaalam ko tungkol kay Sir Hawk. Hindi pala siya masamang tao. Sa halip, ang pangit parin ang kangyang ugali, mabait lang sa customers dahil no choice.

"Sabi na sa iyo Miko, masama talaga ugali ni Hawk in eye" nag bibiro kong Saad

"Hawk in eye hahaha, pag narinig ka ng boss mo na ginagawan mo siya kakatawanan sa pangalan niya lagot ka"

"Shh Miko wala naman nakaka alam"

Shoe Gold Mall Where stories live. Discover now